KASALUKUYAN nilang nilalakad ang daan papunta sa nasabing ilog, malapit lang ang ilog sa kanila kaya kayang kaya nila itong lakarin. Sa malayo pa lang sila nakarinig na sila ng ingay hudyat na may mga tao don sa ilog, at nang nakarating nga sila nakita nila ang grupo ng mga binata at dalaga na masayang naglalangoy, lahat magaganda at g-gwapo ang mga ito.
Nang makita sila ng mga tao doon ay tumigil ang mga ito, umahon ang mga binata kasama na doon si James na classmate noon at kabarkada ni Renz. Kinausap sila na doon muna sila sa ibang parte ng ilog maligo na sinang ayunan naman nila, privacy nga naman.
Ganon nga ang nangyare sa kabilang banda sila naligo pero tanaw na tanaw parin roon ang kabila kaya malaya nilang nakikita ang mga paghaharutan at pagkukulitan ng mga dalaga at binate. Wala naman siyang pakialam doon at hindi na sana niya papansinin ang mga ito nang biglang dumako ang tingin niya sa dalaga na nakangiti ng ubod tamis.
Pinapanuod nito ang mga kasama na nagsasabuyan ng tubig parang napaka familiar ng dalaga para sa kaniya maybe she meet her somewhere, sa siyudad siguro. Maganda ang dalaga kahit sa malayo niya lang ito nakikita masasabi niyang maganda ito pati narin ang mga kasama.
“Oh sino tinitingnan mo?”tanong sa kaniya ni Ryan
“Nothing”simply niyang sabi, tinalikuran si Ryan at nagsimula ng lumusog sa tubig.
“Ah yang mga tao sa kabila! Pamilya Mercedes yan, mga gwapo at magaganda yong iba may asawa at fiancé na kaya walang ng pag asa”napalingon siya dito at tinitigan lang ito. Hindi siya nagtatanong pero dumaldal pa ang isang to. Kung yan ang mga anak ng pamilyang Mercedes malamang nandiyan ang fiancé niya kuno.
“Oh god Nathanniel wag ka ngang lumapit! Ate Natasha pagsabihan mo nga tong kapatid mo”napatingin silang lahat sa dalaga na parang takot na takot dahil sa paglapit ng binata na Nathanniel daw ang pangalan. May dala itong ahas na pinaglalaruan, imbes na matakot ito sa banta ng dalaga mas lumapit pa ito dito kaya naman umahon sa may gilid ng ilog ang dalaga which make show her exposed milky skin.
Kitang kita ang makikinis at mapuputi nitong balat dahil naka sando at short lang ito na nagpalitaw sa mahahabang niyang hita, tahimik lang si Vlann na pinagmamasdan ang kaganapang nangyayari, rinig pa niya ang pagtawa ng mga kasama nito kaya lang nang mapadako ang tingin nila sa banda ng ilog kung saan sila naliligo biglang sumiryuso ang mga ito.
Ilang sandali pa lang ang lumipas umahon sa tubig ang isa sa mga binata at binigyan ng tuwalya ang dalaga ‘Overprotective’ ani ng isip niya sabagay kung asawa o kasintahan niya rin naman ang dalaga ganon din ang gagawin niya.
Namalayan na lang niyang nag aayos ang mga ito para umuwi pero bago pa niya nakitang naka uwi na ang mga ito napansin niya na huminto ang dalaga at lumingon sa gawi nila kaya nangunot ang kaniyang noo at sinundan ang tinitingnan nito pagtingin niya sina Renz pala na nakangiti ang tinitingnan nito na sinuklian din naman ng dalaga. Nagsalubong pa ang mga mata nila pero dali dali namang nag iwas ito ng tingin.
NA SA LOOB ng kwarto si Sherra kasama si Jenny at Shean na pamangkin niya dalawang taong gulang anak ng kuya niyang si Shiniro habang nakaupo sa sahig at kung ano anong kolorete sa mukha ang nilalagay sa kaniya ni Jenny samantalang si Shean nakaupo lang at pinagmamasdan sila.
“Ate you are pretty napo”sabi ni Jenny na tinanguan niya lang din.
“Sha labas ka raw may bisita tayo ngayon”ani ng ate niya habang kumakatok ito sa pintuan sa labas ng kaniyang kwarto.
“Oo sandali lang lalabas din ako”buhat-buhat si Shean at akay akay si Jenny nang bumaba siya sa hagdanan hindi alinta ng dalaga na maraming matang nakasalubong sa kaniya pagbaba pa lang niya. Nakita niya ang mga pinsan at iba pang bisita na nagpipigil ng tawa at sinusuri ang kaniyang suot at mukha.
“Ate Jane, she is pretty po right?”pambungad ni Jenny pagkababa pa lang nila kaya naman napatawa ng malakas si Jane.
“Bakit?”nagtata niyang tanong ng maibaba sa lapag ang pamangkin.
Sa kabilang banda si Vlann lulan ng sariling kotse bumama at pumasok sa na sabing bahay ng mga Mercedes, kailangan muna niyang pumasok sa loob ng bahay saka siya makakapunta sa likod ng bahay kung saan don ginaganap ang munting pagdidiwang o agenda ng mga matatanda.
Ngayong araw pag uusap ng mga Mercedes, Scott at Walton ang kasalang magaganap sa pagitan ng dalawang malalaking pamilya dito sa probinsya ng Binundo, pinapunta siya ng lolo sa nasabing lugar upang makilala ang fiancé kahit ayaw niyang dumalo dahil uuwi siya ngayon patungo siyudad. Marami kasi ang nakatambak na gagawin kaya pinilit lang siya ng lolo para lang dumalo. Pag nakita na niya ang fiancé tutungo na siya sa paruruonan.
“Ate Jane she is pretty po, right?”rinig niyang boses sa living room pagpasok palang niya sa maindoor, nakita niya ang mga taong nag uusap siguro ito na ang mga batang Mercedes. Kita niya rin ang isang dalaga na bumababa sa hagdanan buhat-buhat ang isang bata na mga dalawang taon ang tanda at akay-akay ang isa ring bata.
Napalingon siya sa humalakhak at doon lang niya napansin ang mukha ng dalaga na puno ng kolorete kasama ang mga pinsan nito kung hindi siya nagkakamali siya yong dalaga na nginitian si Renz ng maligo sila sa ilog Isla. Lumapit ang lalaking noon ay nagbigay sa dalaga ng tuwaliya binuhat nito anak siguro ng mga ito dahil kamukamukang ng lalaki ito.
“Love akin na si baby, mag ayos nga nakakahiya ang daming bisita oh”may binulong pa ito sa dalaga which make her blushed kaya kita niyang namula ang mukha nito. Kahit may mga kolorete ito sa mukha maganda parin ito.
Nakakatawa ang itsura ng dalaga dahil lumampas ang kulay red na lipstick nito sa labi, ang blush on ay nagkalat sa mukha at ang eyeliner na nagkalat sa gilid ng mata nito she looks like a mess now kaya naman panay ang tawa ng mga pinsan nito. Ddali-daling tumakbo ang dalaga ng ma gets na magulo ang mukha nito.
“Love magdahan dahan ka nga”pahabol ng lalaki siguro asawa niya base sa mga kilos at pagtawag nito sa kaniya at doon naman siya napansin ng mga ito. Kinausap at sinamahang pumunta sa likod ng bahay katabi ng swimming pool area patungo sa kaniyang mga magulang, pamilya, ibang pinsan at ang kaniyang lolo. Pagkating niya nakita niya ang mga ito nakaupo sa mga mesa nandodoon kinakausap ang isang may katandaang lalaki na sa tantiya niya ay ama ng finace niya kasama rin ng mga Mercedes.
Pumunta siya sa mga pinsan na lalaki at kinausap ang mga ito kasama rin ang ibang mga Mercedes pagkatapos sa mga magulang naman niya at doon pinakilala siya ng lolo sa mga magiging manugang niya, mababait naman ito base sa nakikita niya. Nakilala niya din ang mga batang Mercedes.
“Excuse me”umalis muna siya dahil may tumawag sa kaniya, ilang minuto silang nag usap ng kaklase niya bago niya binaba ang tawag. Nang puntahan niya ang mga magulang at mga Mercedes nagpaalam siya sa mga ito na kailangan na niyang tumungo sa siyudad dahil kailangan na siya doon, pinilit pa nilang magstay muna siya para makita ang fiancé pero sinabi na lang niya na next time na lang.
Pagbaba pa lang ni Sherra sa hagdanan nakita na niya ang isang lalaki na lumabas sa main door hindi na lang niya ito pinansin at dumeretso sa pool area kung saan nandodoon ang mga magulang kasama ang mga manugang daw niya, nakilala niya ang mga ito mababait naman sila sabi niya sa sarili.
Nalaman niya na isa sa mga anak ng pamilyang Walton ang mapapangasawa medyo pamliar siya mga ito dahil nong junior high school siya dito sa probinsya may mga naging classmates at schoolmates naman siya sa mga ito, karamihan sa kanila ay junior niya magaganda at g-gwapo ang mga ito kaya labis siyang kinabahan at na curious na malaman at makilala ang mapapangasawa.
Isang law student daw ito soon to be attourmey at nakapagtapos ng Bussiness Administration sa syudad. Bale second degree niya yong Law kaya sa tingin ni Gette mga five year and more ang agwat nila, malapit na daw kasi itong mag grad.
Panay ang lingon niya sa kung saan sa pag aakalang naririyan ang mapapangasawa, kanina pa niya hinihintay na makilala ito pero lumipas na ang ilang minute pero wala parin silang ipinapakilala dito.
“Iha are you looking for your soon to be husband?”tanong ng mama niya.
“Wala siya dito iha, kakaalis lang niya patungong syudad dahil kailangan daw siya doon. Kung dumating ka lang ng mas maaga makikilala mo siya, hindi ka na niya nahintay dahil may importante daw siyang gagawi”ani naman ng papa niya. Kanina nagkandarapa siyang alisin ang mga kolorete sa mukha at nag ayos dahil sa makikita niya ang fiancé na sinabi sa kaniya ng kuya, nandoon daw ito pero hindi niya pa pala ito makikita. Sayang naman ani niya sa sarili.