Chapter • Fifteen Inilapag ko sa mesa ang huling putaheng niluto ko para sa hapunan saka ako walang ganang naupo sa bakanteng silya. Naramdaman ko ang mapagmatyag na tingin ni kuya Howell at Mama. My senses are telling me that they're expecting me to talk...again. Tinignan ko sila saka ako pilit na ngumiti. "Kain na ho." Napabuntong hininga si Mama. Ibinaba niya ang kutsara saka niya hinawakan ang kamay ko. Mahina niya itong piniga. "Nak, kailan mo ba sasabihin sa amin kung ano talagang nangyari sayo? Nang makalabas ka ng ospital dahil isang milagro ang nangyari, halos ilang linggo ka lang naming nakasama. Bigla ka na lang naglaho na parang bula. Apat na taon, Gail. Apat na taon na halos mamatay kami sa pag-aalala. Ngayon, nakauwi ka na sa amin pero halos anim na buwan na wala pa rin k

