That evening, dumating si Nash bago pa man ako makaalis. He looks exhausted. He always looks exhausted lately. Gusto kong itanong kung okay lang ba siya, but then I decided against it. Mabuti na lang at si Amanda na ang nagtanong. “Okay ka lang ba, anak? Ilang gabi ka nang umuuwi nang sobrang pagod. Huwag mo namang pilitin ang sarili mo at baka ikaw ang magkasakit.” Okay, I definitely didn’t know na gabi-gabi na pala siyang umuuwi nang pagod. But of course, hindi ko na siya masyadong pinapansin at tinitingnan kaya hindi ko talaga malalaman. And looking at him right now, I can tell that he’s definitely more than exhausted. There’s something wrong about him. Sobrang lalim na ng eyebags niya na para bang ilang gabi na siya na walang maayos na tulog. Nangangayayat na rin siya masyado. Halos

