Kabanata 32

2441 Words

Naulinigan ko na ang pagtilaok ng mga tandang. Inihanda ko na ang sarili ko, lalo na ang puso ko. Hindi ko alam ngunit ngayon pa lang ay ang sakit na nito. Ipapatapon na ang pamilyang Salvacion sa malayong lugar. Magkakalayo na kami ni Federico. Malaki rin ang posibilidad na hindi na kami magkikita pang muli. Maaaring ito na ang huli naming pagkikita kapag hindi kami ipagtagpo ulit ng tadhana. Narinig ko na rin ang pagkatok ni Paulita sa pintuan ng aking silid kung kaya't agad ko itong binuksan upang makapasok siya. Nagulat naman ako dahil kasama pala niya si Ate Felicidad. Tatanungin ko sana siya kung bakit siya narito at parang nararamdaman ko pa na sasama siya sa amin ni Paulita ngunit naunahan niya akong magsalita. "Sasama ako," aniya. "Alam na ng mga magulang natin na pupunta tayo s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD