Eight

1743 Words
“LITERAL na nag-Baguio lang tayo para magpalamig at matulog,” si Roxan kay Rav pagkaupo nila pareho sa backseat. Lalabas sila kasama si Manong Bong para mag-early dinner. Mga past six PM na nang sandaling iyon. Ang balak nilang nap, naging mahabang tulog. Kung ang pagod sa biyahe o ang masarap na lamig ang dahilan kaya tinamad na sila parehong bumangon, hindi na gustong alamin ni Roxan. Hindi lang naman siya ang tinamad, pati si Rav, halatang mas gustong magbabad sa kama kaysa lumabas.             “And eat a lot,” dagdag ni Rav, napapangiti. “Early tomorrow, sa La Trinidad tayo.”             “Ngayon, sa’n tayo?”             “May gusto ka bang puntahan?” tanong nito. Sa totoo lang, hindi na gusto ni Roxan na maglibot after dinner. Hindi lang iisang beses na nag-stay siya ng ilang araw sa Baguio. Napasyalan na niya ang mga pamilyar na lugar. Ang sadya lang naman talaga niya kaya pumayag siya na umakyat silang Baguio—fresh strawberries.             “Wala,” sagot ni Roxan. “Kung ikaw meron, go tayo!”             “Gala o tulog?”             Ngumisi siya. “Tulog!”             “Pillow or me?”             “Both.”             “Kiss or hug?”             “Hug.”             Umusad na ang kotse palabas ng bakuran ng rest house. Binanggit ni Rav kay Manong Bong ang pupuntahan nilang restaurant. Sumandal ito sa backrest pagkatapos at itinuloy ang ala fast talk na tanungan. Nabagot na yata na nakaupo lang sila sa backset.             “Money or fame?”             “Money!”             “Money or love?”             “Love!”             “Flowers or foods?” “Foods!” “Cakes or chocolates?”             “Cakes!”             “Chocolates or me?”             “Chocolates!”             “Chocolates or me?”             “Me!”             Tawanan sila.             “Bed or beach?”             Bumaling si Roxan kay Rav. “Ano muna’ng gagawin sa beach or bed?” seryosong tanong niya. “Matutulog o magse-s*x?”             Buong-buo ang tunog ng tawa ni Rav. “Hindi puwedeng sabihin. Naririnig ni Manong Bong.” Ang lapad pa rin ng ngisi nito. Natawa na rin lang si Roxan nang sumagot ang nanahimik na driver nila.             “Wala naman akong narinig, Sir.”             Ilang segundo niyang sinulyapan si Rav. Parang ang gaan ng mood nito. Hindi nabubura ang ngiti kahit nakatingin na sa labas ng bintana. Nababagot din naman si Roxan kaya sinakyan na ang trip ng kaibigan.             “Bed muna,” at magaang tumawa. “Then beach!” Nakatingin na rin siya sa labas ng bintana, natatawa pa rin.             “Sunrise or sunset?” si Rav uli.             “Sunrise sa bed. Sunset sa beach!”             Tumawa na naman si Rav. Mas lumapad ang ngiti ni Roxan pero nasa labas ng bintana pa rin ang tingin niya. Na-realize ng dalaga, gusto niya ang tunog ng tawa nito.             “Hard and fast or gentle and slow?”             “Hard and fast sa bed, gentle and slow sa beach?”             Tawa na sila nang tawa nang mga sumunod na segundo.             “Baliw ka, Rav!”             “Strawberries or me?”             “Strawberries!”             “Cruel bride.”             “Ha-ha!”             “Cedric or me?”             “You!”              Biglang katahimikan.             Katahimikan na humaba at parang naging awkward. Pareho sila ni Rav na nakatingin lang sa labas ng bintana. Na-realize ni Roxan, sumagot siya nang hindi nag-isip pero kung tatanungin siya uli, pareho pa rin ang isasagot niya.             Inilabas na lang ni Roxan ang cell phone para mag-selfie—paraan niya para burahin ang tension na parang nasa backseat na bigla.             “Smile ka, Rav. Magpo-post pala ako sa sss,” sabi ni Roxan at itinaas ang kamay na may hawak na cell phone. Bumaling naman si Rav, pa-cute na ngumiti at nag-wink. “Ita-tag kita, okay lang? Walang mag-aamok na young girls?”             “Marami,” ngisi nito, kaswal na kinabig palapit ang katawan niya. Naramdaman ni Roxan sa ibabaw ng ulo ang chin nito. “Be sure to choose the perfect shot, bride,” ang idinugtong ni Rav. “Ipapakita `yan ni Rod kina Mom,” saka magaang tumawa.             “Okay, groom,” at sunod-sunod na ang click ng phone camera. Sunod-sunod ang pagkuha niya ng picture habang si Rav, nag-eenjoy sa role ng isang sweet fiancé sa harap ng camera.             Nasa restaurant na sila nang i-post ni Roxan ang napili niyang picture—ngiting ngiti sila ni Rav, nakayakap sa baywang niya ang isang braso nito, ang isa pa ay nakapaikot naman sa pagitan ng dibdib at balikat niya. Kitang kita sa picture na comfortable na comfortable siyang nakasandal sa katawan nito.             Ang caption na inilagay ni Roxan: Cold weather and warm hug… #perfectcombination             Napapangiti siya habang nakatitig sa sunod sunod na notifications. Hindi lang para sa mga atat ng updates sa lovelife niya ang post. Hindi rin lang para sa chikadorang si Fanny na alam niyang agad agad ipapaabot sa tropa nito. Ang posted photo na iyon at ang mga susunod pa ay para sa kanya mismo—para sa iniipon niyang maraming magandang alaala kasama si Rav.             Mga pictures at mga alaalang maiiwan sa kanya pagkaalis nito.  NAG-STAY sila sa balcony. Hindi pa sila iaantok pareho kaya nag-suggest si Roxan na tumambay na muna sila sa roof deck. Si Rav na lagi namang game sa kahit anong trip niya, pumayag agad. Tea ang dinala niyang drinks.             Kung ano ano lang ang topics nila. Mula sa traffic sa Manila umabot sa progress ng Victoria hanggang sa lamig ng Baguio. Kung saan saan pa umabot ang kuwentuhan nila. Wala mang sense ang kuwentuhan, pahaba pa rin nang pahaba. At hindi na-bored si Roxan. In fact, gusto pa nga niyang ma-extend ang oras nang gabing iyon. Gusto niyang doon muna sila sa roof deck. Na nagkukuwentuhan lang ng kung ano ano. Hindi busy sa maraming bagay. Hindi naghahabol ng oras. Hindi pressured or stressed out—chill lang kasama ang isa’t isa. Sa pag-ubos lang ng tea ang focus at walang ibang issues na inaalala.             Malamig ang gabi pero hindi gusto ni Roxan na bumalik agad sa room nila. Hindi niya gustong matulog na. Gusto niyang hayaan pang lumipas ang mga oras na wala silang ginagawa—ganoon lang, simpleng kuwentuhan, tawanan, tinginan at paminsan-minsan nahahampas niya si Rav sa braso kapag nang-aasar.             Na-realize ni Roxan, masaya rin pala ang ganoong moment. Sa mga taong namuhay siya mag-isa, waste of time ang tingin niya sa usapang walang sense. Ayaw niya ng mga pag-uusap na wala siyang natututunan. Sayang ang oras na magagamit pa niya sa ibang mas mahalagang bagay.             Pero ngayon, gusto niyang humaba pa ang nonsense topic nila—magaan kasi sa puso at masaya siya. Kailan ba huling naging ganoon kagaan ang puso niya? Hindi na maalala ni Roxan. O baka hindi na talaga gumaan ang puso niya?             “Hindi ka nilalamig, Ann?” si Rav na nag-sip ng tea. “Pa-midnight na kaya mas malamig.”             “Nilalamig ka?”             Naka-jacket naman sila. Nakasaklob pa nga sa ulo niya ang hood ng jacket.             “Medyo. Tagos sa puso.”             Tumawa siya. “Ibang lamig yata `yan, eh.” Tumayo si Roxan para panoorin ang view ng Baguio sa part na iyon. Naramdam niya ang pagsunod ni Rav. Hindi ito umimik, tumayo lang sa tabi niya at pinanood nila ng sabay mga buildings at ilaw.             Pagbaling niya kay Rav, nasa kalawakan na ang focus nito. Wala mang bituin, para kay Roxan, maganda pa rin ang gabing iyon. “Nagtago ang mga stars.”             “Sayang nga, gusto kong mag-stargazing sana.”             “City lights lang meron.”             Katahimikan.             “Ann?”             “Hmn?”             “Anong wish mo?”             “Ngayon? Sana hindi umulan.”             “Special wish. `Yong gusto mong ma-grant kung may shooting star?”             “Naniniwala ka na nagkakatotoo ang wish `pag may shooting star?”             “Mas naniniwala ako sa combination ng prayer at hardwork. Pero assume natin na nagkakatotoo nga ang wish sa shooting star. Ano ang wish mo, Ann?”             “World peace?”             Magaang tumawa si Rav. “`Wag na `yan. Iba naman.”             Tumawa rin si Roxan. “`Yong totoo? Walang masyadong grand. Good health, deep joy and safety—`yon lang.”             “Wala for your career?”             “Kung na-grant `yong tatlong na-mention ko, for sure okay ang career ko no’n. Ikaw, Rav?”             “Winning numbers sa lotto.”             “`Kainis, `to. `Yong seryoso!”             Narinig niya ang paghinga nito nang malalim.             “Sa point na `to ng buhay ko, I guess, okay na ako. Wala na akong gusto—ikaw na lang.”             Nawala ang ngiti ni Roxan. Ano raw? Tama ba ang dinig niya? Bumaling siya kay Rav? “Ano `yon? Anong ako na lang?”             “Ikaw na lang—I would wish na ma-grant ang wish mo. Okay naman na ako kaya back-up na lang ako sa wish mo.”             “Ah…” at ngumiti siya. “Thanks.”             Nag-stay pa si Rav sa tabi niya nang ilang minuto. Mayamaya, iniwan na siya. Naupo ito sa isa sa dalawang bench na naroon. Tumitig pa siya sa view ng City pero wala nang dating. Mas gusto na niyang tumabi na lang kay Ram sa bench. Pinagbigyan na agad ni Roxan ng sarili.             Umupo siya sa tabi nito. “Mas malamig na.”             “Gusto mo nang bumalik sa room?”             Umiling si Roxan. “Gusto ko pang mag-stay. `Antok ka na?”             “Hindi pa naman.”             “Bored?”             “No.”             “May iniisip?”             “Wala masyado ngayon.”             “Okay rin pala `yong ganitong moment, `no?”             Huminga ito nang malalim. “Yeah…” at bigla na lang humiga, ginawang unan ang mga hita niya. Napangiti na lang si Roxan, hinayaan lang si Rav. Gusto rin naman niya ang ganoong distansiya nila.             “`Wag kang matutulog. Hindi kita mabubuhat.”             Tumawa lang si Rav. Nakatutok na sa kalawakan ang titig. Si Roxan naman, nag-tap na lang sa balikat nito habang iniikot ang tingin sa paligid.             Parang mas gumanda ang gabi.             Nakangiting nagbaba siya ng tingin—sa kanya na pala nakatingin si Rav. Nagtama ang mga mata nila. Tumawa si Roxan at pinisil ang ilong nito. Tumawa rin si Rav, hinawakan ang kamay niya para pigilan—at hindi na binitiwan pa.             Na-realize ni Roxan, gusto niya ang gabing iyon. Ang lamig, ang katahimikan—at ang presence ni Rav.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD