Natalie Zoey Ramil's POV Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Rain. Kahit kamustahin, itext o puntahan man lang ako ay hindi niya ginagawa. Hindi nadin ako pinapalabas dito sa bahay pagkatapos nung nangyari, si Ice naman ay binibisita-bisita ako. "Nagkausap na ba kayo?" Tanong ko kay Ice Andito kami ngayon sa garden ng bahay. Pinapayagan akong lumabas kapag si Ice ang kasama ko pero ayaw ko din naman. "Hindi pa. Hindi din siya nagpapakita samin. I tried to call him pero lagi niyang pinapatay." Umiling iling siya habang umiinom ng juice. Talaga bang iiwanan niya na ako at magpapakasal dun sa ibang babae? Ganun nalang ba? Dahil lang sa isang pagsubok, bibitawan niya na ako? Mas mahalaga ba sakanya lahat ng material na bagay na nakukuha niya, kesa sakin? "Puntahan ko kaya siy

