Natalie Zoey Ramil's POV "Ate Nadine, saan naman tayo ngayon?" Tinabihan ko siya sa upuan. Ang tagal naman kasi nung iba mag-ayos. Yung iba, kagigising palang at yung iba naman, napaka-tagal maligo! "Aakyat tayo sa Sitio La Presa!" "Saan yun?" "Hay nako Natalie. Makikita mo nalang dun! Maganda dun!" "Sige na nga. May tiwala naman kami sayo." Binatukan niya ako tsaka tumawa "Nga pala, Natalie. Isa ka na pala sa mga Ramil no? Sabi na nga ba, kaya kita namumukhaan noon nung dinala ka ni Rain sa party nila Cynthia!" "Di ko nga alam kung pano nangyari yun. Parang isang kurap lang kasi, biglang naging Ramil na ako. Kahit ako hindi makapaniwala." "Is being a Ramil hard?" Napaisip ako. "Medyo, Ate. Kasi alam mo, kahit gusto kong suwayin sila, iniisip ko na ngayon yung pwedeng magi

