Natalie Zoey Ramil's Point of View "Hello Ice, papahatid nalang ako sa driver namin diyan mamaya. May pupuntahan lang ako saglit." "Okay." Binabaan na ko Sungit talaga! Nagpaalam kasi ako na may pupuntahan muna ako ngayong umaga kaya baka mamayang before lunch nalang ako pumunta sa condo niya at magpapahatid nalang ako sa driver. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Siyempre, nagpaganda muna ako bago ako makipag-kita sa kanya. Sinuot ko yung unang unang damit na binili niya sakin. Yung puting dress. Bibisitahin ko ngayon si Rain kasi hindi ako mapakali dun sa nangyari kagabi. Hanggang states umabot yung powers niya! Kakaiba talaga. Akala ko hanggang Pilipinas lang yung bisa nun eh. "Huy Rain." Inilapag ko yung dala kong bulaklak sa puntod niya at umupo sa tabi nun. Pin

