Natalie Zoey Ramil's Point of View Hindi ba't pagkagising ko ay nasa condo ako ni Rain at maya maya lang ay kakatok na siya para tawagin akong kumain na ng breakfast. Oo, tama, ganun nga. Dahan dahan kong minulat ang aking mata pero nabigo ako sa nakita ko at agad rumehistro sa sistema ko kung nasaan ako kaya agad tumulo ang aking mga luha. Nasa hospital ako. Hindi panaginip lahat ng nangyari. Totoo lahat yun. "Rain." Pagtawag ko sa kanya Si Kuya Nathaniel ang lumapit sa akin at niyakap ako. Sumunod si Mama at si Papa. Masakit ang aking katawan, hindi ko ito magalaw ng maayos. May benda ang braso ko at may sugat sugat ang aking binti. "Kuya, a-asan si Rain?" Nilibot ko ang mata ko sa buong kwarto Iling lang ang tanging natanggap kong sagot kay Kuya. Ah, siguro ay nasa kabilang kwarto

