Natalie Zoey Ramil's POV "Hello, Ate! Waaaaah! Na-miss ko kayo!" Niyakap ko yung mga maid nila Ice na mga kasamahan ko din dati "Oh Natalie, bakit andito ka?" "Ay oo nga pala! Si Ice po?" "Andun pa sa kwarto niya. Tulog. Bakit ka andito? Diba bawal ka dito?" "Hindi na ako bawal dito, ate. Hehehe! Peace na kami ni Ice ngayon. Wala nang war." "Ah ganun ba? Osige, puntahan mo nalang si sir sa kwarto niya." Edi pinuntahan ko! At naabutan ko si yelo na tulog na tulog sa kama niyang malambot. Parang ang bait bait kapag tulog oh. Ayaw ko man gisingin siya, kailangan na kasi kailangan na naming magbati ni Ulan. "Ice! Gising na!" Inalog alog ko siya "Tsk! Go out of my room!" "Yuhoooo! Yelo, gising na! Para di ka maging yelo ng tuluyan dahil sa lamig ng aircon mo dito. Yuhooo!" Nagtalu

