Natalie Zoey Ramil's Point of View Hindi ko alam kung paano kami nakarating ni Ice sa ganitong sitwasyon. Hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwalang ginawa niya iyon kaya humantong kami sa ganito. "Anak, sabihin mo na sa designer kung anong gusto mong design ng gown." Tumango lang ako kay Mama at lumapit doon sa designer na nasa living room namin. Abala kami sa pagaayos ng engagement party namin ni Ice. Pinangatawanan na namin yung sinabi niya dahil mapapahiya lang kaming dalawa kung hindi namin ito gagawin tsaka engagement party palang naman, hindi naman kami magpapakasal. >Flashback "Our engagement party is at the same date as yours." Napaangat bigla ang tingin ko kay Ice nang sambitin niya ang mga salitang iyon. Lumipat ang tingin ko kay Rain, umaasang magpapakita siya n

