Natalie Zoey Ramil's Point of View "Natalie, ang aga aga, tumatawag ka." Inaantok na boses ni Ice "Natalie ka nanaman diyan! Sabi nang Zoey eh!" Saway ko, "Sige na, tumayo ka na diyan at may pupuntahan pa tayo!" "We can go there later. Let me sleep first." "Eeeeh! Ice! Ngayon na! Kailangan, ngayon! Di na natin maabutan yung lugaw ni Aling Baseng!" "Aling who?" "Aling Baseng! Pupunta tayo kung saan ako lumaki dati. Dalian mo naaaaaaa!" "Pssh, oo na! Tatayo na. I'll hang up now." At binabaan na nga niya ako. Inilagay ko yung phone sa side table at nagpagulong gulong sa kama. Eto yung bagay na hindi ko nagawa kasama si Rain. Hindi ko nagawang ipakita at ipakilala ang lugar at mga taong bumuo sakin bago ko sila makilala. Hindi ko siya nagawang isama kung saan ako lumaki. Ngayong off

