Kyle Stone Bautista's POV Mayaman naman pala 'tong si Kristina, bakit gagawin niya pa akong katulong ng lola niya. Tsk! "Hoy san ba tayo pupunta? Diba mayaman ka? E bakit dito tayo papunta?" Papunta kasi kami sa may squatters' area. Nagsimula na yung pagiging slave ko. Nakng! Isang buwan ako magiging katulong! Kung hindi lang dahil sa title ko... nako! "Kala ko ba gusto mong makuha yung title mo, kuya? Bat ang dami mong tanong?" Sabi ko nga, tatahimik na ako. Nang makarating kami sa dulo, may isang maliit na bahay na gawa lang sa pinag-sama samang yero na parang isang ihip lang ng hangin ay magigiba agad to. Naunang pumasok si Kristina dito. Nagtataka ako. Nagaaral siya sa Grand Music Palace na ang mahal mahal ng bayad pero dito lang siya nakatira? Pano yun? "Hello po, lola. B

