Kyle Stone Bautista's POV Nung umuwi na kami nila Ice, dumiretso muna ako ng gaming house bago umuwi. Eto na nga lang kasiyahan ko, aangal pa kayo? Lahat ng babaeng nadadaanan ko, nagtitilian. Sus! Mas maganda padin sa kanila si Lili ng Tekken, ang astig pa gumalaw lalo na kapag nagco-combo. *POW!* *BOOGSH!* "K.O!" wala itong kalaban ko sa kabilang side. Weak! "Hoy ikaw, boring ka kalaban. Layas na diyan." Sita ko dun sa lalaking kalaban ko sa kabilang side. Putakte na yan! Kalaking tao, ang weak weak makipag-laro. Umupo na ulit ako para matesting yung makakalaban ko. Di ko na tinignan kung ano mang uri siyang tao, basta ang alam ko ay paniguradong panalo nanaman ako. *POW* *BOOGSH* "Ah s**t! Hoy, isa pa!" Sigaw ko sa kabilang side. Putcha! Natalo ako. For the first time p

