Natalie Zoey Mercado's POV Walang umiimik saming dalawa ni Cloud ngayon dito. Tahimik kami. Walang bumabasag ng katahimikan. Iniisip ko kung bakit ba nangyayari sakin to ngayon. Wala naman akong nagawang mali para mangyari lahat to. Bakit sa lahat pa ng tao, siya pa ang hindi naniniwala sakin? "Oh, mukhang naunahan ata tayo?" Napatingin ako bigla kay Cloud. Hindi ko namalayan na andito na pala kami. Masyadong malalim ang iniisip ko. "Naunahan?" Tumango siya at nginuso yung nasa labas. Pagkatingin ko, couple sila. Mukhang nagaaway. Hindi lang pala ako ang malas ngayong araw. Mukhang madami kami. Ano bang petsa ngayon? Bakit ang malas? "Lipat tayo?" "Hindi na. Dito na tayo. Ok lang dito, Cloud." Ngnitian ko siya at lumabas na ako ng kotse. Kasabay ng hangin na umiihip sakin ay

