ROUIN’S POV
"Let's be friends," sabi ng isang babae.
At talagang nakahawak pa siya sa laylayan ng T-shirt ni Froilan. Feeling close na agad. Mga ganyang girl ‘yong mga kinaaayawan kong maging kaibigan, bwisit! Nakakairita.
Bakit ba ako naiinis? Dahil ba sa ginawa ni Froilan kanina and yet nakikipag-flirt siya sa ibang babae, o dahil sa malandi lang talaga 'tong babaeng 'to?
Ewan! But I prefer the second one. Naaartehan ako sa babaeng 'yon. Ayokong isipin na ‘yong unang sinabi ko ang dahilan dahil baka isipin niya pa nagseselos ako. Never! At dahil naiirita ako sa nakikita ko lumapit na ako sa kanila.
"Froilan," pagtawag ko sa pansin ng mayabang na 'to.
"So, Froilan pala ang name mo? Nice name. Kasing gwapo mo," sabi ng haliparot na mukhang espasol naman ang mukha.
"What?" tanong naman ni boy yabang sa akin.
"Meryenda raw muna sabi ni Tita Agnes. Pinapatawag ka," sagot ko agad. Pinipilit ko pa ring ikalma ang sarili ko kahit inis na inis na ako sa nakikita ko.
"Wow! That's great! Nagugutom na rin kasi ako e," epal ng babaeng karengkeng. "Tara na!" at sabay hila kay Froilan papuntang fine dine.
At ang magaling na Froilan nagpahila naman. Grrr! Bagay na bagay sila parehas bwiset.
+++
Nandito na kami ngayon sa fine dine, nakaupo, kumakaen, pero sila lang. Paano ka ba naman gaganahan kung may masamang view sa harapan mo?
"Hi, Tita Juliet, nice to meet you po. By the way, I'm Sophia Del Rosario. Father ko po ‘yong captain nitong barko," pagpapakilala niya as if naman may interesadong makilala siya.
Si Tita Juliet mukhang naguguluhan sa nangyayari pero she still managed to answer para hindi mapahiya 'tong babaeng 'to.
"Ah, nice to meet you," tanging nasabi na lang ni Tita Juliet.
"I'm Ice," pagpapakilala naman ni Kuya Ice, nilalahad pa ang kamay niya. Don’t tell me gusto niya rin ang babaeng hitad na ‘to?
At ang babaeng ewan, aba dedmahin daw ba si kuya at titigan lang ang kamay nito?
"Froilan, want to have a tour after we eat?" baling niya kay boy yabang.
Napakamot na si Froilan at mukhang naiirita na rin. Halata naman sa itsura niya na hindi rin siya natutuwa sa presensya nito.
"Nevermind. Magagalit ang girlfriend ko, I mean my fiancée," sabi ni Froilan.
Girlfriend? Fiancee? Sino?
Nagulantang na lang ako nang bigla akong akbayan ni Froilan at sina mommy naman ayon at nabigla rin.
"You mean--?" tanong ni Sophia kahit alam naman niya ang sagot.
"Exactly!" sagot ko with a sarcastic smile. Sasakyan ko ang trip ng mayabang na 'to para lumayas na ang maharot na 'to.
"Uhm... Well, I don't care," sabi niya, "hindi pa naman kayo kasal e."
Nagulat talaga kami pare-pareho sa sinabi ni harot. She really has the guts to say those words in front of everybody.
"So, excuse me everyone. Tita, thanks po for the foods. Froilan, see you later okay or I'll just go to your room. I will introduce you to my father," nakangiting sabi nito pagkatapos ay tumayo na at umalis.
"Bitiwan mo nga ako," sabi ko sabay tabig ng braso ni boy yabang. Back to reality na hindi naman kami.
"Hindi mo na kailangan sabihin kasi ayoko rin naman na madikit sayo. Mamaya niyan pagsamantalahan mo pa ang kagwapuhan ko," angil naman ni Froilan yabang.
"The hell! Over my dead body. Kadiri ka! Kilabutan ka nga," pagkatapos no’n ay lumayo ako rito matapos kong iusod ang upuan.
"Yummy naman ako kaya hindi nakapagtataka. If I know, umuusok na ilong mo sa scene kanina," pagyayabang niya pa.
"Hep! Hep!" biglang singit ni Mommy.
Napatingin naman kami pareho kay mommy.
"That's a great idea I think," sabi bigla ni Mommy.
"Alin?" nagtatakang tanong ko.
"Maganda kung kayo ang magkakatuluyang dalawa. Panigurado talaga ang gagwapo at ang gaganda ng magiging apo namin ni Agnes, 'di ba mare?" Baling niya pa kay Tita Juliet.
"Sang-ayon ako r’yan." Agree naman siya.
Ano ba naman 'yan?! Pahamak talaga 'tong Froilan na 'to e, kami na naman tuloy ang topic nila mommy.
"Magandang idea nga," gatong pa ni Kuya Ice.
At si Froilan tumayo na lang. Tahimik lang 'to at walang sinasabi.
"Saan ka pupunta, Sweetie?" tanong ni Tita Juliet.
"Isn't it obvious, Mom? Aalis. Bahala kayo mag-usap tungkol d’yan sa nonsense na ‘yan."
Tuluyan na nga siyang umalis. Kaumay kasi talaga ang usapan nila Mommy e. Halos tuwing magkakatabi kami ni boy yabang, wala na silang ginawa kung hindi i-link kami sa isa't isa. Para namang papatulan ko ang isang tulad niya. Isa pa, nag-aaral pa ako, bakasyon lang namin ngayon. Hindi ako nagbakasyon para maghanap ng magiging boyfriend ko. Kung may magiging boyfriend man ako, alam naman nila Kuya Ice kung sino ang gusto ko, si Kid lang. Kahit pa pagbali-baligtarin ang mundo, siya lang ang nais kong makatuluyan at makasama habang buhay. Hindi ang kagaya ng isang disgusting na mayabang na punung-puno ng tiwala sa sarili. As if naman na magkakagusto ako sa gaya niya.
"Mukhang may napikon," tatawa-tawa pa si Kuya Ice habang sinasabi 'yon. Kahit naman ako napipikon na rin.
"Sa totoo lang, kayo lang kasi ang natutuwa." Tumayo na ako at nagpasyang umalis na rin nang maalala kong may sasabihin pa pala ako. "Thanks for the meal. Busog na 'ko." Pero ang totoo no'n nawalan na rin ako ng ganang kumain. Kasi naman, sinong gaganahan sa topic nila? Gaya nga ng sabi ni boy yabang, such nonsense talaga at ngayon lang ako a-agree sa lahat ng sinabi niya.
Nagpasya akong lumabas na lang at magtungo sa upper deck upang magpahangin. Kahit paano ay nakakaramdam ako ng peaceful moment kapag ganito lang scene sa paligid ko. Walang gaanong maingay maliban sa lagaslas ng tubig at maaliwalas na kalangitan.
Akala ko ay okay na ang lahat hanggang sa masipat ng paningin ko ang masamang view. Hanggang dito ba naman panira pa rin ang mayabang na 'to ng view. Pakiramdam ko tuloy kumulimlim ang paligid dahil sa kaniya at akala ko iyon na ang pinakamasamang view ngunit may sasama pa pala nang bigla na lang sumulpot ang maharot na Sophia at kaagad na nagpa-cute sa kaniya.