LILY'S POV
Maaga akong nagising ngayon kumpara kahapon at nung mga nakaraang araw. Hindi kasi ako gaanong nakatulog dahil dun sa deal na napagkasunduan namin ni Froilan. Ang hirap pala ng pinasok ko. Paano kung di ko mapatunayan yun sa kanya e di sayang lang din lahat ng pagsisikap ko na kalimutan siya para maitama ang pagkakamali ko. Oo guilty talaga ko pero sabi naman ni Froilan choice niya kaya siya umalis pero hindi ko maitatangging isa ako sa dahilan niya.
Nandito ako ngayon sa kusina. Naisipan ko kasing magluto na ng breakfast naming dalawa.
"Pancake? Bacon? Egg?" Kinakausap ko na ang sarili ko. Nababaliw na yata ako.
"Ako na bahala sa breakfast natin." Nagulat pa ko ng biglang magsalita si Froilan mula sa likuran ko kaya napalingon ako. Aba! Nakaapron na siya, hindi halatang ready.
"Okay." Sabi ko lang.
Namayani naman sa amin ang katahimikan habang abala naman siya sa pagpreprepare ng agahan. Ang awkward. Ano kaya sasabihin ko?
"Eto na." May inilapag siya sa lamesa. Tapos na siya magluto. Para yatang ang bilis naman kaya napatingin pa ko sa kung anong niluto niya.
"O bakit?" Tanong niya.
"Akala ko magluluto ka?" Pabalik na tanong ko.
"May sinabi ba kong magluluto ako?" Pagbabalik niya ulit ng isa pang tanong. Napaisip naman ako. Magtatanungan na lang ba talaga kami? "Sabi ko ako na bahala sa agahan. Wala akong sinabing magluluto ako.
Tama nga siya. Kaya eto ang agahan namin cereal in a bowl with fresh milk.
Natahimik nanaman kami. Hindi ko alam kung anong pwede kong itopic hanggang sa maalala ko si Rouin.
"Mahal mo ba si Rouin?" Tanong ko.
Nabulunan naman siya bigla sa itinanong ko kaya inabutan ko siya ng tubig.
"Okay ka lang?" Tanong ko ulit.
"Ayos lang salamat." Sabi niya matapos uminom ng tubig.
"So mahal mo nga si Rouin?" Tanong ko ulit. Unli lang?
"Kailangan ko ba talagang sagutin yan?" Tanong niya.
"Napansin ko lang kasi, hindi mo naman siguro siya iiwanan kung hindi mo siya mahal di ba?" Tanong nanaman.
"Sasagutin ko yang tanong mo pag nanalo ka na sa deal natin." Sabi lang niya ng hindi man lang lumilingon sa akin.
Nang makatapos na kami ng pagkain ay agad naman akonv pumasok sa kwarto at naglakad palapit sa laptop ko. Magoonline muna ko sa f*******:. Type email at password then enter. May friend request kaya agad kong tinignan. Walang picture pero friend niya yung kuya ni Rouin, Ice ata pangalan nun sa pagkakatanda ko kaya inaccept ko na lang. Bigla namang may nagmessage at pagtingin ko siya din ulit.
Hi baby..
Hala! Baby daw?
Hus dis? Reply ko.
2pm sa park ha.. don't be late.
Napakunot ang noo ko. 2pm sa park? Parang pamilyar sa akin yung message na yun ha.. agad naman akong napatingin sa white tulips sa vase at napatulala pa don ng biglang may maalala ko.
Dapat ba kong pumunta doon? Pero bakit naman ako pupunta don kung hindi ko naman siya kilala. Bahala siya sa buhay niya.
"Hahahaha! Baby, sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis e." Siya to. Yung lalaking nagbigay sa akin ng white tulips.
"Huwag mo nga akong mababy baby dyan!" Iritang sabi ko habang pilit na hinilila ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Wala naman talaga kong balak na pumunta dito kaya lang no choice. Nagkasubuan na. Si Froilan na naman malamang ang dahilan ko wala ng iba.
"Lily, free ka ba ngayon?" Tanong ni Froilan habang nanonood ako ng T.V sa sala.
Paano ako makakamove on agad kung ganito na lang siya lagi sa akin.
"Ah.. eh.. m-may lakad ako mamaya." Pagpapalusot ko.
"Ganun ba? Sige sabay ka na lang sa akin maya ihahatid na kita." Sabi niya.
"Ah hindi wag na. Ayos lang." Please lang Froilan wag ng mapilit.
"I insist." Yun lang at wala na kong nagawa.
Sakto naman naalala ko yung lalaking makulit.
Nasa loob ako ng sasakyan ngayon katabi si Froilan. Wala lang siyang imik. Deretsong nakatingin sa kalsada habang nagdadrive. Maya maya pa ay nagsalita na rin siya.
"Wag mo kong iwasan Lily dahil no use yan."
Ano ba naman yan? Bakit ang talas ng pakiramdam niya? Masyado na ba kong obvious kaya naman kailangan kong makaisip ng palusot.
"H-hindi naman sa ganon. Talagang may lakad lang ako ngayon. Kung gusto mo labas tayo bukas." Sabi ko na lang para di na siya maghinala.
"Okay." Sagot niya.
Well, nandito na rin kami sa park dahil hindi naman ito kalayuan sa bahay. Syempre panibagong palusot na naman ang kailangan kong sabihin.
"Dito ka lang pala pupunta di mo pa ko isinama." Sabi niya.
"May kikitain lang ako dito tapos aalis na rin kami mamaya. So pano, ingat sa pagdadrive." Palusot ko na naman habang itinutulak siya pasakay sa kotse.
"Oo na." Yun lang at salamat nakinig naman siya.
So ayun nga ang nangyari. Kaya kung pwede lang e di sana di na ko nagpunta dito.
"Baby, nagugutom ako tara kumain." Sabi niya sabay hila sa akin sa isang pizza parlor.
"Anong gusto mo baby?" Tanong niya.
"Pwede ba hindi ako sanggol. Tigilan mo ko ng kakababy dyan." Giit ko.
"Ayun na lang baby ha." Ggrr.. nakakainis na ha. Parang hindi niya ko naririnig. "Miss isa nga nung italian style pizza niyo."
Teka nagtagalog siya? Maintindihan naman kaya siya dito?
"Okay sir Raven." Sabi ng babae. T-teka Raven? Kilala siya nung babae?
Pagkaorder ay naupo na din kami. Hindi talaga ko mapakali. Nilalamon ako ng curiousity ko kaya nagtanong na ko.
"Sino yung babaeng yun bakit Raven ang tawag niya sayo at bakit marunong siyang nagtagalog?" Sunud-sunod na tanong ko.
"Selos ba tawag dyan?" Nakangiting sabi niya.
"A-ano? Ano kamo? Selos? Nahihibang ka na ba?" Naloloka ko sa lalaking to.
"Hahaha! It's okay baby. Hahaha!" Tatawa tawa pa siya. "By the way magpapakilala ko sa'yo ng pormal. I'm Raven Louie Ivanov, 19 years old. Siya si Trixie ang cashier namin dito."
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Ibig sabihin sa kanila tong pizza parlor na to? Wow antaray! Mayaman.
"So sa inyo to?" Tanong ko.
"Hindi. Baka sayo." Sabi niya. Walanjutay! Pilosopo. "Pwede ko na bang malaman ang pangalan mo miss na masungit?"
Obligado ba kong magpakilala sa kanya? Hindi naman di ba? Isa pa hindi ko naman itinanong ang pangalan niya. Pero sa kabilang banda wala naman akong nakikitang masama kung ibibigay ko ang pangalan ko sa kanya. Mabait naman siya, makulit nga lang talaga.
"I'm Lily, Lily Villaluz." Sabi ko sabay abot ng kamay ko. Dapat maging pormal.
Kaso ang loko..
"So Lily pala ang pangalan ng baby ko. Hahahaha!" Natawang sabi niya saka inabot ang kamay ko at hinalikan kasabay ang pagluhod sa sahig gaya ng sa mga fairy tales princess at prince.
Pakiramdam ko tumaas ang balahibo ko sa buong katawan. Alam niyo yung feeling ng pusa pag nagugulat siya. Ganoon anv pakiramdam ko ngayon. Dagdag pang biglang nag-init ang mukha ko sa ginawa niya. Sa harap pa ng maraming tao at halos lahat nakatingin pa sa amin.
"Look! You are starting to fall in love with me." Sabi niya na may nakakalokong ngiti.
Agad ko namang hinatak ang kamay ko. "Ang kapal mo. Ano bang ginagawa mo? Nakakahiya." Sabi ko ng hindi makatingin sa kanya ng deretso.
"I'm proud. So nothing to be ashamed of." Proud? Grabe na to. E kahapon mo lang ako sinimulang bwisitin e. Lord, please ilayo niyo sa akin anv lalaking ito. Magpapakabait na po ako at aayusin ang lahat kay Froilan at Rouin.