FROILAN'S POV This is the day na pinakahihintay ko. Kaya naman medyo kinakabahan pa ako habang sinusuot ang dancing attire ko, and I am proud na marunong akong sumayaw. But this time, sasayaw ako sa harap ng maraming estudyante para sa babaeng pinakamamahal ko, at surprise 'to kaya naman kinuntsaba ko pa ang mga kaibigan niya. Eto na nga, at tinawag na si Brigette na siyang c*m Laude upang magbigay ng inspirational speech. Ibang level talaga ang pagiging nerd ng isang 'to. "Ehem! Ano ba?" Tumawa siya. Hindi talaga ako makapaniwala. Nakuha niya pang tumawa. Hindi ba siya prepared? "To my fellow students that are now gathered here. At first, when I entered here, I thought that everything would be so easy because you know matalino ko." Nakuha niya pa talagang magbuhat ng sarili niyang bang

