FROILAN'S POV "Froilan!" Napatingin ako sa pinto nang makilala ko ang masayang boses na tumawag sa pangalan ko. "A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Na-surprise talaga 'ko sa pagpunta niya. Alam ko naman kasi ang kondisyon niya kaya nga hindi talaga mahilig lumabas ng bahay lalo na kapag nag-iisa pero paano kaya siya nakarating dito ngayon? "E 'di sige aalis na ko." Hala! Nagtampo na naman ang magaling kong asawa. Para nagtatanong lang e. "Stupid girl!" Napahinto naman siya, at muling lumingon sa akin. Nakabusangot pa ang kaniyang mukha habang nanunulis ang kaniyang nguso. "Yabang nito!" Lumapit siya kapagkuwan, at pinukpok lang naman ang hawak niyang eco bag sa ulo ko. Napakasadista niya talaga. "Aray! Makapukpok ka naman d'yan. Ano ba laman niyan, at ang sakit naman?" Na-curious

