Chapter 10

1131 Words
ROUIN'S POV "Good Morning!" Magiliw kong binati ang lahat nang makita ko silang nag-aagahan. Syempre maganda ang gising ko.   "Aba! Princess, maganda yata ang mood mo ngayon?" puna kaagad ni Mommy.   "Syempre kasama niya si Froilan kagabi. Malamang hanggang panaginip kasama niya ‘yon," hirit naman ni Kuya Ice.   "Kuya!"   Tumawa lang siya. Kahit kailan talaga itong si Kuya walang ginawa kung hindi asarin ako. Pilit talaga nila kaming pinagtatambal ni Froilan kahit hindi naman namin gusto ang isa’t isa. Hindi ba nila nakikita na si Kid ang gusto ko at hindi ang mayabang na ‘yon? Bigla ko namang naalala ang nangyari kagabi. Oo nga pala, siya ang nagligtas sa akin. Simula ngayon ay dapat maging mabait na ako sa kaniya. Kung hindi dahil sa kaniya marahil ay hanggang ngayon ay naroon pa rin ako at umiiyak. Sa kabilang banda, hindi ko naiwasang isipin kung hinanap din kaya ako ni Kid?   "Good morning…" walang kabuhay-buhay na bati ni Froilan kaya naman napatingin kaming lahat sa kaniya at grabe gusto ko matawa sa itsura niya.   "O, Sweetie, anong nangyari sayo?" tanong ni Tita Juliet, mommy niya.   "Mukha kang zombie," sabi ko. Sa huli, hindi ko naiwasang pakawalan ang tawang pilit kong ikinikubli. Paano ba naman kasi, magulo ang buhok niya tapos ang itim ng ilalim ng mata niya at idagdag pa na halos nangangalumata siya. Hindi ba siya natulog?   "He! Kasalanan mo 'tong stupid ka!" sabi niya lang sabay kuha ng tasa. Maggagatas siguro.   "Huwag mo kasing iniisip masyado ang kapatid ko." Pang-asar talaga 'tong si Kuya kahit kailan. Tatawa-tawa pa at ayaw talaga paawat sa pang-aasar.   "Good morning!" Bigla namang sumulpot si Kid mula sa pintuan kaya syempre natuwa ako lalo. Isang malapad na ngiti ang kaagad na isinalubong ko sa kaniya.   "Good morning, Kid." Nilapitan ko na siya. Ang gwapo niya ngayon. "Gusto mo ng coffee?" "No thanks. Tapos na ‘ko. Napadaan lang ako to give you this." Isang kahon naman ang iniabot ni Kid. Napaka-sweet naman niya. Hindi ko naman birthday pero may pa-gift pa siya sa akin.   "Ano 'to?" nagtatakang tanong ko.   "Just open it," nakangiting sagot niya lang. Oo nga naman.   At pagbukas ko natuwa talaga ko. Lumundag ang puso ko at nagtatalon. Napayakap ako sa kanya sa sobrang saya ko nang mga oras na ‘yon. Hindi pa rin pala niya nakakalimutan ang mga paborito ko.   "Nagustuhan mo?" tanong niya.   "Ay hindi. Tuwang-tuwa nga ako 'di ba?" sarkastikong sabi ko habang yakap-yakap siya.   "Alam kong favorite mo si Chopper so I bought that for you." Hindi mawala-wala ang ngiti sa kaniya na lalong nagpapagwapo sa kaniya. Lalo tuloy akong nai-in love sa kaniya.   "I love you Kid." Bigla kong nasabi. OMG! Nakakahiya. Ngunit ang mas nakaagaw ng pansin namin ay nang biglang may nabasag. Kaagad kaming napalingon kung saan iyon nang-galing.   "Froi, ayos ka lang ba sweetie?" nag-aalalang tanong ni Tita Juliet at kaagad na nilapitan ang anak. Tiningnan nito ang itsura ni Froilan bago sinimulang damputin ang mga bubog na nagkalat sa sahig.   "Dumulas lang sa kamay ko, Mom,” sabi niya at mukhang hindi maganda ang mood niya. "Pasensya na Auntie, nakabasag pa ‘ko."   "Ayos lang Froilan. Ipagtitimpla na lang kita ng bago," sabi ni Auntie Chloe. “Iwan mo na ‘yan d’yan at hayaan mo na ang mommy mo at baka mabubog ka pa.   "Hindi na po. Lalabas na muna po ‘ko, magpapahangin. Medyo masakit din kasi ulo ko at wala akong tulog magdamag. Salamat po," sabi niya at sabay lumakad palapit sa pinto. Nilagpasan ako na parang wala ako roon. Anong nangyari sa isang iyon?   FROILAN'S POV "I love you Kid!" "I love you Kid!" "I love you Kid!"   Bakit ba umaalingawngaw pa rin 'yon sa pandinig ko. Bwiset! Hindi na nga ako nakatulog magdamag dahil sa babaeng 'yon ngayon naman sisirain niya pa ang araw ko. Kailangan ba talaga na ‘pag maglalandian sila sa harap ko pa?   Ano ba kasing pinagkakandalaiti ko? Bakit ba masyado akong apektado? Hindi! Hindi ako apektado! Sadyang naiinis lang ako sa ganoong eksena. Ang mga babae talaga kahit na kailan bwiset e.   "Haayy..." Isang malalim na buntong-hininga lang ang nagawa ko. Kailangan kong magpahangin para maging okay ako.   "Froi," Si Kuya Ice. Ano na naman kaya?   "Bakit?" tanong ko.   "Nagseselos ka?" diretsong tanong niya pabalik.   "Pwede ba, Kuya Ice, wala ako sa mood makipaglokohan sa ‘yo," sagot ko lang na may halong inis. Sino bang matutuwa? Ako raw, nagseselos? Da hell! Hindi ko papatulan ang kapatid niyang maharot. Isa pa, may Kid na siya. Magsama silang dalawa.   "O 'yon naman pala. Bakit hindi mo pa aminin sa sarili mong may gusto ka sa kapatid ko at nagseselos ka," paliwanag niya.   "Dahil hindi naman at wala akong gusto sa kanya!" Sa inis ko nasigawan ko na siya.   "Okay fine. Basta tandaan mo. Boto ako sayo. In case… just in case lang naman na kailangan mo ng back up, nandito lang ako," sabi niya saka umalis at iniwan akong mag-isa.   Selos? Ako? Sus! Malabo 'yon. Wala naman akong gusto sa asungot na babaeng iyon. Ano bang mga nasa utak nila at pare-parehas nila kong tinutukso kay stupid girl?   "Froilan," kanina ang kuya ang sumulpot ngayon naman si Stupid girl na mismo.   Hindi ko siya pinansin.   "Gatas o,” sabi niya habang iniaabot sa akin ang basong may tinimplang gatas.   Tiningnan ko naman. Para saan naman kaya ang pagmamagandang loob niya?   "Malamig ‘yan. Ako ang nagtimpla," sabi niya nang nakangiti. Ewan ko pero may kung anong pakiramdam akong hindi maintindihan.   "Ikaw nagtimpla?" paniniguro ko.   Tumango siya. "Oo naman."   "Masarap ka bang magtimpla ng gatas?" tanong ko ulit.   "E 'di tikman mo." Buo ang loob niya. Choosy pa naman ako sa timpla ng gatas.   Kinuha ko na lang iyon at tinikman. Hhmm... Masarap nga. Sakto lang ang lasa ng gatas at maging ang tamis.   "Pasado."   "Ayan ngumiti ka na," sabi niya. Hindi ko akalain na gumuhit na pala ang ngiti sa labi ko sa simpleng gatas na siya mismo ang nagtimpla.   Teka, bakit parang nag-init bigla ang pisngi ko sa sinabi niya? Lalo na nang makita ko siyang nakangiti rin sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya. Mahirap na baka kung ano pa ang sabihin niya.   "Eto na. Salamat," at sabay abot sa kaniya ng baso pagkatapos kong ubusin ang laman no’n.   "No problem. May bayad naman ‘yan e. Kaya may utang ka sa akin." Ngiting nakakaloko naman ang gumuhit sa labi niya. Sinasabi ko na nga ba, iba ang kutob ko sa pagmamagandang loob niya.   "Anong sabi mo?"   Tumawa ito at ang loka-loka nagtatakbo na papasok sa loob.   Bwiset na babaeng 'yon. Naisahan yata ako. Peste! May utang daw ako. Lagot talaga sa akin 'yong stupid na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD