ROUIN'S POV Ang sarap sa pakiramdam nang gumising ako kinaumagahan na katabi si Froilan. Back to normal na kasi ang lahat sa amin. Nandito na ulit kami sa aming bahay and pakiramdam ko ang sama-sama ko dahil hindi ko siya pinakinggan sa paliwanag niya noong panahong magkaaway kami. Ang Grace na iyon, hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya ako nakikitang nahihirapan. "Good morning!" Masiglang bati sa akin ni Froilan na kasalukuyang nakahiga ngayon sa tabi ko. "Good morning!" Bati ko pabalik sa kanya kasabay ng matamis na ngiti. "May tulo laway ka pa o." Sabi niya at ngumuso pa para ituro ang tumutulong laway daw. "Wala naman e." Matapos kong kapain ito at mapansing tuyo naman. "Stupid ka pa rin talaga Rouin hahaha!" Natatawang sabi niya. "At ikaw mayabang ka pa rin." Pagkasabi

