FROILAN'S POV All are set sa aming bagong bahay ni Rouin. Dalawang buwan na rin mula ng ikasal kami at dalawang buwan na rin akong walang balita kay Travis. Kung nasaan siya ay hindi ko alam. Nagpunta ako sa bahay nila ngunit nalaman kong hindi na pala sila roon nakatira, dalawang buwan na rin daw ang nakakalipas. Kaya naman hinayaan ko na, I know Travis and I think ginagawa niya lahat ng 'to para kalimutan si Rouin. Masakit man para sa akin na iisang babae lang ang minahal namin ay wala akong magagawa dahil kahit anong mangyari ay handa akong ipaglaban ang dapat na sa akin. Pagkababa ko ng sasakyan ay kaagad kong hinanap ang stupid kong asawa. Natural stupid pa rin siya e, imagine ilagay daw ba ang paso sa harap ng pinto. Ayun at nagtalo pa kami. Bagay naman daw ang paso sa harap ng pin

