TRAVIS' POV "Rouin..." Nagulat pa ako ng mabungaran ko si Rouin sa harap ng pinto ng unit ko. It has been two months since nagsimula akong dumalaw dalaw sa kanila. Hindi rin naman against ang family niya tungkol rito. Si Froilan? I don't know. Dalawang buwan na rin ang nakakalipas noong huling beses na makasalubong namin siya sa Trinoma kasama si Grace. Napag-alaman ko rin na hindi na nanggugulo si Grace kay Rouin na labis kong ipinagpapasalamat. "Travis, pwede mo ba akong samahan?" Sabi niya habang nakayuko. "Nagbreakfast ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Wala akong gana e. Medyo nahihilo kasi ako this past few days. Sabi ni Mommy magpacheck-up daw ako baka stress daw ako. Si Kuya kasi busy sa preparation para sa wedding nila ni Sophia kaya hindi ako masamahan kaya ayun si Mommy muna an

