ROUIN'S POV
Tumawag sa akin si Auntie Juliet. She told me na nakaalis na si Froilan. Eto talaga ang gusto niya, umalis pa rin siya kahit alam niyang galit ako sa kaniya. Itinuloy niya pa rin kahit na alam niyang ang pag-alis niya ang dahilan ko kung bakit ako nagagalit. I am really disappointed at him pero wala naman akong karapatan mag-demand sa kaniya lalo na magkaibigan lang naman kami. Isa pa kahit ako hindi ko alam kung ano bang ikinagagalit ko. Alam ko naman kasing hindi siya magdedesisyon ng ganoon nang walang sapat na dahilan. Ang landi kasi ng babaeng 'yon. Akala ko si Sophia lang ang mahilig lumingkis kay Froilan, may mas malala pa pala kaysa sa kaniya.
Niyakap ko nang mahigpit ang unan ko at saka roon inilabas lahat ng emosyon ko. Nasasaktan ako na ewan. Nagagalit ako sa kaniya na parang hindi ko maintindihan o mas maigi sigurong sabihin na nagdaramdam ako sa biglaang desisyon niya kahit na alam ko namang hindi ko siya mapipigilan.
"Akala niya may babalikan pa siya? Wala!" Mukhang tanga na 'ko, kinakausap ko ang unan ko. Sinuntok-suntok ko pa 'to hanggang mapagod ako. Am I being paranoid? O masyado lang akong naging clingy sa kaniya kahit hindi naman dapat? Or maybe nasanay na siguro ako sa presensya niya. How I wish, he stayed kahit na asarin niya pa ako ng paulit-ulit, but then, he left.
Kung makaasta ako ngayon daig ko pa ang girlfriend na iniwan. Nabuburyong ako. Naiirita. Naiinis. Nasasaktan. Halu-halong emosyon na hindi ko maintindihan kung saan ko ba hinuhugot. Halos nauubos na lang ang oras ko sa kakamukmok kahit hindi naman dapat. Kung tutuusin dapat nga ay magsaya na ako. Wala nang mayabang ang laging mambubwisit, at mang-aasar sa akin kaya naisip ko na lang na kailangan ko ng pampa-good vibes kaya naman.
Nag-isip ako ng mga bagay na pwede kong gawin. Tiningnan ko ang cellphone ko at naglaro ng mga games. Nang mainip ay naisipan kong kumuha na lang ng mga comics sa shelf ko, at saka binasa. Ngunit sa pag-aakalang magiging okay ako, mali ako. Nakakaramdam lang kasi ako ng antok kaya naman naisipan ko na maligo na lang at doon magbabad ng ilang minuto sa tubig na lumalabas sa shower para kahit paano ay mahimasmasan ako at mawala ang antok ko. Nang matapos maligo, at makapagbihis ay doon ko lang naalalang may nakakalimutan na pala ako ako. Kaagad ko siyang tinawagan, ang taong nakalimutan kong mahal pala ako.
KID'S POV
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Ilang araw na rin akong nabuburyong dahil wala nang ibang inisip si Rouin kung hindi ang pag-alis ni Froilan. Sa ilang araw na nagpupunta ako sa bahay nila at niyayaya ko siyang lumabas ay lagi siyang tumalala o hindi naman kaya ay wala sa sarili. Palagi na lang siyang absent minded at malayo ang iniisip. Minsan pa nga ay bigla na lang siyang nagsasalita na animo'y inaaway ang sarili niya. Kapag kumakain naman kami sa labas, mas marami pa ang nai-take out niya kaysa sa kinain niya. Saglit ko pang tinitigan ang pangalang nakarehistro sa cellphone ko. Sasagutin ko ba o hindi? Pero kung hindi ko naman sasagutin ay mami-miss ko lang siya. Hindi ko rin malalaman kung ano ba ang pakay niya. Sa huli ay pinindot ko ang green button na lumitaw sa screen, at nagsalita.
"Rouin..."
"Kid, punta ka rito sa bahay mamaya," sabi niya kaya naman nasorpresa ako. She's asking me to go to her house. Syempre ako, gusto naman siya talagang makita kaya mabilis ang naging pagpayag ko.
"Sige walang problema. Balak ko naman talagang magpunta r'yan mamaya." Masaya ko syempre dahil siya na mismo ang nagpapapunta sa akin. "Kita na lang tayo mamaya. Ano gusto mong pasalubong?" tanong ko.
"Kahit ano Kid," sagot niya.
"Sige. I'll buy your favorites tapos magdadala na rin ako ng DVDs, panuorin natin mamaya." I'm too excited. Sana lang this time okay na siya. Sana makapaglambing na ako sa kaniya.
"Sige Kid. Gusto ko 'yong action, or sci-fi ha..." Tinitimpla ko pa ang boses niya. Hindi ko pa rin kasi mahinuha kung okay na sya. Base kasi sa pagsasalita niya parang okay na siya pero nararamdaman ko naman kung gaano kalungkot ang mga boses na 'yon.
"Sige-sige. Kita-kits na lang mamaya, Rouin. Maliligo na ako then I'll be there in an hour," sabi ko.
"Okay. Bye, Froilan..." and that hit me.
"Rouin... I'm Kid," mahinang sabi ko sa kabilang linya. The fact that it really hurts me. Nagbakasakali akong okay na pero mali ako.
"Kid... yes. Kid! Ano ba ang sabi ko?" tanong niya na parang nagtataka.
"Ah wala. Sige na ligo na 'ko. Kita na lang tayo mamaya." Nagmaang-maangan na lang ako. Ayoko na rin kasing palakihin pa, at baka maging dahilan pa para magkaroon ng misunderstanding sa pagitan naming dalawa kaya naman sinarili ko na lang.
"Sige, Kid, bye-bye!" at doon tuluyan niya nang pinutol ang kabilang linya.
Pero ako, nasa tenga ko pa rin ang phone ko, paulit-ulit kasing ume-echo ang itinawag sa akin ni Rouin. Talaga bang ganoon siya kaapektado sa pag-alis ni Froilan? Akala ko ba mahal niya ako? Dapat pa ba akong lumaban? Dapat pa ba akong maniwala sa kaniya? Sa nakikita ko kasi ngayon mukhang iba na ang nagmamay-ari ng puso niya.
Ilang sandali pa akong natulala, at nag-isip. Tutuloy pa ba ako sa pagpunta sa kanila? Ako ba talaga ang kailangan niya o mas kailangan niya ang mapag-isa? Napasulyap ako sa bed side table kung saan nakapatong ang isang picture frame. Litrato namin ni Rouin ang naroon noong mga bata pa kami. Noong panahong wala pa si Froilan sa buhay niya. Noong mga panahong sigurado pa akong ako ang mahal ni Rouin. Naikuyom ko ang aking kamao. Sa huli ay nabuo ang desisyon sa aking ipaglaban siya. Hindi ako dapat maging mahina. Ipaglalaban ko siya dahil mahal ko siya.
Nang matauhan na ako ay pumunta na 'ko kaagad sa C.R., at nagsimulang mag-asikaso. Kailangan kong pasayahin ngayon si Rouin. Gagawin ko ang lahat para bumalik ang dating kami ni. Ngayon pang wala si Froilan sa paligid niya. Alam kong magagawa ko 'yon. Kailangan ko lang ipaglaban siya.