ROUIN'S POV Namumugto pa ang aking mga mata nang maalimpungatan ako dahil sa narinig kong kumakatok mula sa veranda. Nakapagtataka kasi. Malabo naman na magkaroon ng tao roon. Dahan-dahan naman akong bumangon para silipin kung sino ang naroon, at paghawi ko ng kurtina ganoon na lang ang pagkabigla ko nang makita ko kung sino ang naroon. Kaagad ko namang binuksan ang sliding door upang daluhan siya. "Froi, anong ginagawa mo rito? Baka may makakita sayo," nag-aalalang sabi ko. Pero himbis na sumagot siya ay isang mahigpit na yakap lang ang ibinigay niya sa akin. Ang higpit ng yakap niya na animo'y ayaw niya na akong pakawalan pa. "Ayos ka lang ba, Rouin?" Nag-aalalang siya sa akin. Iyon ang malinaw na dahilan kung bakit siya narito ngayon kahit alam niyang maaari siyang mapahamak. "O-oo

