KID'S POV
Ilang araw na rin ang nakakalipas mula ng aminin namin ni Rouin sa isa’t isa ang feelings namin pero until now ay wala pa ring improvement sa aming dalawa. Noong isang araw lang, birthday niya pero parang wala naman ang presence niya. Habang pinagmamasdan ko siya hindi ko alam pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko alam kung may problema ba siyang hindi sinasabi sa akin or what. Sinabi niyang mahal niya ‘ko pero lately parang things were changing. Pati kaya ang feelings niya para sa akin? Lately kasi napapansin kong lumilipad palagi ang isip niya. Ano kaya ang bumabagabag sa kaniya? Gusto ko sana siyang tanungin ang kaso baka masaktan lang ako sa maririnig ko.
"Kid!" Biglang tawag sa akin ni Rouin nang makita niya ako sa canteen.
"Rouin, ikaw pala. Kumain ka na ba?" tanong ko.
"Hindi pa nga e. Hinihintay kasi kita," sagot ko. Kagaya ng palagi niyang ginagawa ay nakangiti siya sa akin pero sa likod ng mga ngiting iyon ay ang hindi maipaliwanag na lungkot.
"Tamang tama gutom na ‘ko," sabi ko naman at nginitian siya pabalik habang hinihimas pa ang aking tiyan.
Napansin naman namin nang mapadaan si Sophia. Halos kanina pa kasi siya pabalik-balik sa canteen ngunit tila aligaga pa rin ito na animo’y may hinahanap. Maybe, she’s looking for Froilan. Speaking of Froilan, nasaan na nga kaya ‘yon? Hindi ko rin pala siya napapansin lately. Wala rin siya noong birthday ni Rouin.
"Rouin…" tatanungin ko siya, baka sakaling alam niya.
"Hhmm..."
"Si Froilan? Hindi ko kasi siya napapansin nitong nakaraang araw. Nag-away na naman ba kayo?"
"Hindi ko rin alam kung nasaang lupalop ng daigdig siya," sabi ni Rouin. “As if I care about him.” Umismid pa siya. Mukhang nag-away nga yata silang dalawa.
"Pati si Lily, parang hindi ko rin nakikita nitong mga nakaraang araw.”
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Rouin. May problema kaya siya kay Lily at Froilan?
"Baka magkasama sila," sagot niya lang. Walang kabuhay buhay kumpara kanina.
Doon ko napagtantong may kinalaman nga si Froilan sa mood swings ni Rouin kaya naman hindi na ako nag-usisa pa at baka pati ako ay mapagbuntunan ng inis niya.
ROUIN'S POV
"Rouin!" May tumawag sa akin at parang boses ni Sophia. Siya na naman pala. Ano na naman kayang kailangan niya sa akin? Hahanapin niya na naman sa akin ‘yong mayabang na ‘yon. As if naman may pake ako do’n.
Paglingon ko, tama nga ako. Si Sophia nga.
"O bakit?" pagsusungit ko.
"Kanina pa kita hinahanap," sabi niya. Well, obviously.
"So, bakit nga?" tanong ko.
"Maybe you wanna know, si Lily nasa hospital. She had an accident while on her way home," pagkukwento niya. Hindi naman ako ganoon kasamang tao para balewalain ‘yon. Hindi porket naiinis ako sa presence niya ay wala na akong pakialam sa kaniya. Syempre, she was Froilan’s first love, ano na lang kaya ang mararamdaman ni Froilan kapag nalaman niya ang tungkol dito.
"Talaga? Saang hospital? Puntahan natin mamaya," mabilis na sabi ko. Hindi naman kami magkaaway after all.
"Sa St.Lukes daw. Actually, ‘yon din naisip ko. Afterall, hindi naman siya ganoon kasama para i-ignore natin." At some point, may pagkakatulad din pala ang pag-iisip naming dalawa ni Sophia.
So, ayon nga, after school napagdesisyunan namin ni Sophia na puntahan at dalawin si Lily. Sumama na rin sa amin sina Kid, Louise, Kitkat at Brigette. Okay na rin ‘yon, syempre the more the merrier ‘di ba nga? Sa ganoong paraan man lang maramdaman ni Lily na may nag-aalala sa kaniya kahit na ilang beses na siyang pinagtatabuyan ni Froilan.
+++
Exactly 5 in the afternoon nang makarating kami sa hospital at kaagad din naming tinanong sa front desk kung saang room naka-confine ngayon si Lily. Room 305 raw kaya dali-dali kaming pumunta doon. Syempre, kahit paano ay nagdala na rin kami ng fruits at some books for her to read para hindi siya mabagot. Gumawa rin si Kid ng ilang notes on their Physics subject since classmates sila roon.
Habang papalapit ako nang papalapit sa pinto hindi ko maintindihan kung bakit parang may kakaiba. Kinakabahan ako na parang kapag pinihit ko ang door knob ng pinto ay may makikita akong hindi ko magugustuhan but still I slowly open the door and to my surprise, he was there, hugging her tight. In that moment, I don’t know but I suddenly froze. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. We haven’t seen each other for days and now etong tagpong ito ang aabutan ko. Natawa ako sa loob-loob ko dahil noong nangyari ang accident ni Lily, it was the same date as my birthday. Bakit ba hindi ko naisip na posibleng magkasama silang dalawa that night?
Napatingin silang dalawa sa amin sa pagbukas ng pinto.
"Rouin..." I hear him say.
Hindi ko alam pero bakit ganito na lang ako kaapektado? Bakit ganito na lang ang nagiging response ng katawan ko. Nanginginig ang mga kamay ko na hindi ko mawari kung bakit. Hiwakan ko pa ang kamay ko upang kahit paano ay maitago ang panginginig no’n pero sadyang hindi ko kayang itago ang nararamdaman ko.
"Uhm... A-ano… Nakakaistorbo yata kami. Nagpunta lang kami rito kasi nalaman namin ang nangyari kay Lily. Eto o, may dala akong fruits," sabi ko habang pinipilit na ngumiti.
"Oh! Thank you sa concern. You’re so sweet guys. Kahit hindi pa tayo ganoon ka-close ay dinalaw n’yo pa rin ako rito.” Ngumiti ito nang malapad na tila ba may nagpapasaya rito. Kunsabagay, mukhang okay na nga sila ni Froilan. “By the way, tutal nandito na rin naman kayo may sasabihin na rin pala kami sa inyo," panimula niya sabay baling kay Froilan, "ikaw na ang magsabi."
"Ah… Oo." Ngumiti lang si Froilan and the next words he says shocks us all. "Okay na kami. Kami na ulet."
"Akala ko nga hindi na kami magkakaayos ulit e. Pero here we are now. Iba talaga pag mahal n’yo ang isa't isa," dagdag pa ni Lily.
Naninikip ang dibdib ko and these scene, alam kong hindi ko kayang tagalan pa kaya naman nagpasya na akong magpaalam sa kanila. "Good for both of you!" Ngumiti pa rin ako para ipakitang ayos lang ang lahat. “O pa’no, mauna na ‘ko sa inyo naalala ko may gagawin pa kasi ako e." Sinulyapan ko si Froilan sa huling pagkakataon at ang malungkot na mga mata niya ang sumalubong sa akin. Bakit? Hindi ba dapat masaya siya?