ROUIN'S POV Tumakbo ako palabas ng SM para maghanap ng taxi. Eto na yata ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Akala ko totoong mahal niya ako. Naniwala ako noong una sa kaniya and yet totoo naman pala talaga lahat ng nakita ko. I am still stupid. Kaya pala tanga ang tawag niya sa akin dahil ganoon talaga ako. Nagpapakatanga ako sa lalakeng niloloko lang pala ako. "Rouin wait!" Narinig ko pang sigaw niya bago ako sumakay ng taxi na pinara ko. Kaagad din namang umalis ang taxi pagkasabi ko na dalhin ako sa Makati. Siguro mas mabuti kung doon muna ako kina Mommy. At least doon walang mananakit sa akin. Ilang oras lang ang lumipas ay nakarating din ako ng safe sa address na ibinigay ko sa driver ng taxi at sa nakakainis na tagpo ay nauna pa siya sa akin dito. Pagkababa ko ng taxi ay

