Chapter 42

1274 Words
ROUIN'S POV Almost 1 and half hour na kami dito sa gitna ng dagat at parang walang galaw galaw. Kung sabagay puro dagat lang naman kasi nakikita ko bukod sa isla. Kung hindi ko nga lang nakikita na umaagos ung tubig ng dagat iisipin ko na talagang nakatambay lang tong yacht na to. It is already 9 in the evening at nakakatakot tignan ang dagat na madilim. Parang anytime may lalabas na sea monster at kakainin ang yacht namin kaya naman nagulat ako ng biglang may kumalabog. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko at hindi nakagalaw. Paano kung may syokoy pala na lumundag bigla dito sa yacht at kuhanin ako? "Waaaaahhhhh!" Kung todo sigaw ko ng biglang may humawak sa akin mula sa likuran ko. "Wag! Wag mo kong kunin syokoy ka!!! Hindi ako maganda! Hindi ako masarap!" Dahil nakakatakot ang itsura ng kinalakhan kong syokoy, agad nagreregister sa utak ko na monster sila at nangangain ng tao. Mas lalo pa kong kinilabutan ng niyakap niya ko mula sa likuran. "Aaaahhhhh! Lumayo ka sa akin syokoy!!!" Buong pwersa ko siyang inilalayo sa pagkakayakap sa akin. T-teka? Bakit tuyo naman siya? Hindi din malansa ang amoy niya, kabaligtaran pa nga ang amoy niya e. Kasi ang bango bango niya. Sarap singhutin at hindi din makaliskis ang balat niya. Kaya dahan dahan akong tumingin sa kanya at nakita ko ang mga kilay niyang salubong at ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Hala! Hindi to pwede. Hindi niya pwedeng malaman na naaapektuhan niya ko. "Syokoy mo mukha mo." Inis na sabi ni Froilan sabay bitaw sa pagkakayakap sa akin. "Sa edad mong yan naniniwala ka pa sa syokoy? Etong gwapo kong to syokoy? Nakakainsulto ka na ha." Kung makagwapo akala mo naman gwapo. Well kung sabagay gwapo naman talaga siya e. Hindi yun maikakaila. "Tzk! Mukha ka naman talagang syokoy!" Akala niya yata bati na kami. Sinira niya na naman kaya ang birthday ko, and take note, debut ko pa. "Hmpf!" Angil niya sabay lagay ng amerikana niya sa katawan ko. "Baka nilalamig ka na lalo na tube dress lang yang suot mo." Pagkasabi ay tumalikod na siya at umalis papuntang kwarto. Tama siya nilalamig na nga ako lalo pa gabi na tapos nasa gitna pa kami ng dagat at malakas ang ihip ng hangin. Ngayon ko lang yon napagtanto pagkatapos ng ginawa niya. Ang init sa pakiramdam na nakabalot ngayon sa katawan ko ang damit na kanina lang suot niya. He has his own way of saying that he cares for you. That makes him different. Maya maya pa ay may napansin akong liwanag mula sa langit. Ang sarap pagmasdan. Para silang mga bituin na lumilipad sa langit. "Isa.. dalawa.. tatlo.." at namangha ako sa dami nila. Hindi lang isa, hindi dalawa, kundi i think it's a hundred sky lanterns. First time kong makakita ng ganito sa personal at yung iba abot kamay ko lang. Yung iba kasi bumabagsak pa sa dagat at may bumagsak pa sa mismong harapan ko. "Wow! Ang ganda." Napabulalas ko na lang. Sa sobrang ganda nila speechless talaga ko at napapanganga na lang. Worth it pala ang pagsira ni Froilan sa birthday ko e. "Mas maganda ka pa diyan." Nagulat pa ko ng magsalita siya. Nakatayo na pala siya pasandal sa railings ng yacht at nakatingin ng deretso sa akin. Hindi ko man lang napansil dahil sa sobrang pagkamangha sa nakikita ko. Hindi ko maiwasan na mamula sa narinig ko. Totoo ba to? Siya ba talaga may sabi non? "Ewan ko sayo syokoy!" Relax Rouin. Kunwari di ka affected pero deep inside me kinikilig na ko ng bongga. Mali mali tong nararamdaman ko. May Travis ako at mahal ko siya. "Makasyokoy ka diyan. Para sabihin ko sayo, ang gwapong syokoy na to ang nagdala sayo dito." Sabi niya. Kung sabagay may point siya. Hindi na lang ako nagsalita at inenjoy ang scene. Ayokong masira ang moment na to. Ang ganda ganda nila. Mas maganda ka pa diyan Bigla namang sumagi sa isip ko yung sinabi niya. Agad ko din naman itong iwinaksi sa isip ko. Ayokong maapektuhan na naman niya ko. Ayokong makaramdam ng tuwa sa kanya. Galit pa rin ako sa kanya. Maya maya pa ay nakarating na kami sa paroroonan namin. Isang private beach resort siya at nakakamangha ang bumungad sa akin. Ang daming alitaptap na nakalagay sa bote ang nakalatag pahilera sa may buhanginan ng tabing dagat. May tela din na parang lace ang nakalatag sa gitna ng dadaanan namin at sa dulo nun ay isang table for two with candle light na nakasetup na parang sa isang date. Date? Is it a date? Napakaromantic ng scene. Hindi ko maiwasang kiligin to the point na napanganga talaga ko. "Pasukan ng insekto yan." Pagkasabi niya ay tinakpan niya pa ang bibig ko. Tinabig ko naman ito. "Shall we?" Hindi ko napansin nakababa na pala siya at hinihintay na lang ang pagbaba ko habang nakalahad pa ang kamay niya para sa akin. Hindi ko maintindihan pero nandun yung feeling na gusto kong abutin ang kamay niya at hindi na bitawan pa pero nasa isip ko naman na kapag tinanggap ko yun ay parang katumbas ng pagtataksil ko kay Travis pero at the end, eto ako ngayon hawak ang kamay niyang naglalakad papunta sa dulo. Ramdam ko ang bawat bilis ng pintig ng puso ko kasabay ng bawat paghakbang ko. At nang makarating kami sa dulo ay agad niya akong binitawan para ipaghila ng upuan. "Rouin.. hello.." pagtawag niya ng pansin ko ng mapansin niyang tulala ako at nakatingin lang sa kanya. Nakakahiya to. Naupo naman ako agad para iwas pagkabalisa. "Sabi ko naman sayo gwapo ko e. Ano nahihypnotize na ba kita?" Nakangiting tanong niya. Oh my God, mukhang tama nga siya. Nahihypnotize niya na nga ata talaga ko. Sa mga pinapakita niya ngayon parang unti unting nawawala ang galit ko sa kanya na kinimkim ko sa loob ng 5 taong wala siya sa paligid ko. "Asa ka naman." Naupo na lang ako. Ayokong mapahiya kaya di ako aamin. Naupo na rin siya. Inirapan ko pa siya para maging makatotohanan ang pagtanggi ko. "If I know kinikilig ka. Hahaha!" Tawa niya. Namula naman ako. Paano niya nalaman? Hindi ako sumagot bagkus nag-iwas ako ng tingin. "Sabi na tama ako e. Hahahahahaha!" At mas lalo pa siyang tumawa. Hindi ako makapagsalita. Ang totoo naiispeechless talaga ko. Hindi ko alam kung saan huhugot ng sasabihin. "Is it a date?" Nakakunot noong tanong ko. Hindi ko nga alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Bwisit ka Froilan. Pinagugulo mo ang isip ko. Kaso lalo pa siyang tumawa. Hala! Nababaliw na yata. "Iniisip mo bang idedate talaga kita? Hahaha! Wake up stupid girl. Hahahaha!" Badtrip! Bakit ganun parang pakiramdam ko naupset ako? Para kong tanga na ipinapahiya ang sarili ko. Dahil sa embarrassment na nararamdaman ko gusto ko na lang lumayo sa lalaking to kaya naman tumayo na ko at akmang aalis ng tumayo din siya at hawakan ako sa braso. "This is a birthday gift." Sabi niya in a low serious voice. "Galing kay kuya Ice." Dagdag pa niya. Mabilis naman nagbago ang mood ko. Kanina nabadtrip ako sa katatawa niya at halos maiyak na ko sa pagkapahiyang nararamdaman ko pero ngayon halos lumundag ang puso ko pabalik ng manila para lang mayakap ng mahigpit si kuya sa awesome gift niya. Everything is wonderful. And this guy na bwiset sa buhay ko wala pa man ginagawa ay nakakapagpabilis na ng t***k ng puso ko a million times. I just love the way he is to the point na nakakalimutan ko ng taken ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD