FROILAN'S POV Nandito na kami ngayon sa reception pati na rin ang mga bisita pero ang magaling kong best man ay wala pa rin. Malamang hanggang ngayon ay naiyak pa rin 'yon. Hindi naman sa nang-aasar ako kaya ko siya kinuhang best man pero kasi alam naman ng lahat na siya ang bestfriend ko. Idagdag mo pa na malaki rin ang naitulong niya sa amin ni Rouin. Mula noon hanggang ngayon ay hindi magbabago ang tingin ko sa kaniya bilang matalik kong kaibigan. "Wala pa ba siya?" Pang-ilang tanong na ba 'to ng asawa ko? Gusto ko na tuloy magselos dahil mas pinagtutuunan niya pa ng oras kulitin ako tungkol kay Travis kaysa sa kulitin ako dahil newly wed na kami. "Nandito na sa bulsa ko. Silipin mo nagkakape pa," pamimilosopo ko, at pinakita ko pa talaga sa kaniya ang bulsa ng suot kong polo. "Bwis

