FROILAN'S POV
Ganito pala ang feeling ng sobrang nagwo-worry sa isang taong hindi mo kaanu-ano pero naging napakahalagang parte ng buhay mo.
I was so paranoid, and worried calling her phone over and over again pero still out of coverage area. I called their house pero nalaman kong wala pa siya roon so, her mom began to panic. Hindi nga kasi marunong umuwi 'yon nang mag-isa dahil sa disorder niya. I called Kitkat, Brigette, and Louise but still no trace of her. Kasalanan ko talaga 'to. I shoudn't let her go alone. Tama siya e, ano pang silbi na pinasaya ko siya kung paiiyakin ko rin naman siya kaagad? Parang lahat ng surprises ko no'n biglang nawala dahil sa katotohanang iiwan ko siya. Kung kailan naman kahit paano nagiging close na kami biglang iiwan ko siya sa ere. But then, I made up my mind.
Why am i so affected after all? Sino ba siya? Isa lang naman siyang anak ng kaibigan ng mom ko na pinakilala sa buhay ko kaya ngayon litung-lito ako. I will look for her. Hindi ako mapapakali knowing na nawawala siya. Baka mamaya ano pa mangyari sa kaniya kasalanan ko talaga.
Nandito ako ngayon sa bahay nila. Si Tita Lucy umiiyak na sa sobrang pag-aalala. Si Kuya Ice naman kino-contact na ang iba pang posibleng makaalam kung nasaan siya.
"Ice, wala pa ba?" tanong ko habang hinihimas ang likod ni Tita Lucy.
"Ice, tumawag na kaya tayo ng pulis?" umiiyak na sabi ni Tita Lucy.
"Sige, Mommy." Aktong tatawag na sana siya ng pulis nang biglang bumukas ang pinto.
"Rouin..." tanging nasabi ko, at parang biglang wala na kong makita kung hindi siya. Sobra talaga kong nag-alala.
"Princess ko..." biglang yakap nang mahigpit ni Tita Lucy kay Rouin.
"Mommy, sorry to make you worry again. Promise hindi na po talaga mauulit," sabi niya.
"Just make sure, Rouin. Aatakihin kami sa puso sa sobrang pag-aalala sayo. Haay... ikaw talagang bata ka." Ginulo pa ni Kuya Ice ang buhok ni Rouin kasabay ang malalim na buntong hininga. "Nag-alala ng sobra si Froi sa 'yo."
Pero kung akala ko matutuwa siya, mali pala ako. Kung sabagay sino ba namang matutuwa sa ginawa ko? I am so hopeless.
"Papahinga na po ako, Mommy, Kuya Ice. Pagod po ako." Tumalikod lang siya. I tried na pigilan siya. Kailangan namin na mag-usap.
Tinignan niya lang ang kamay kong nakahawak sa braso niya bago tumingin sa akin, and I knew already what she meant. Ayaw niya akong makausap. Kaya naman binitawan ko na lang siya, at tuluyan niya na akong iniwan na nakatayo lang doon.
"Froi, nag-away na naman kayo?" tanong ni Kuya Ice.
Hindi ko na sinagot ang tanong niya lalo na at alam kong hindi ito simpleng tampuhan at away lang. I don't know either. I can't explain. Pero isa lang ang alam ko, mabigat sa dibdib naming dalawa ang nangyayari ngayon. "Uuwi na 'ko, Kuya Ice. Thank God she's safe. Pakisabi na lang sa kaniya na nauna na 'ko." Tumalikod na lang ako, at lumabas ng bahay nila.
+++
Araw-araw, habang lumilipas ang mga oras, pakiramdam ko mapapraning ako. Nandito na naman ako sa bahay nila Lily. Kulang na lang dito ako tumira dahil gusto niya araw-araw nandito ako. Minsan, dito niya na ako pinapatulog dahil nga gusto niya raw makasiguro na hindi ko siya iiwan. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to. Kung tutuusin hindi naman siya nag-iisa sa bahay. She had her maids do the chores. Naiinis na nga rin si mommy pero pinapaliwanag ko na lang na kailangan e. Pakiramdam ko parang tino-torture ko lang ang sarili ko. Pero alam ko namang kapag bigla akong nagbago ng desisyon na balikan siya, she might scream again. Baka sapian na naman siya ng saltik niya, at atakihin ng deperession niya. Kasalanan ko na naman. Need niya pang magpalakas. Bukod pa roon, kapag nawawala ako sa paningin niya nang hindi niya alam kung nasaan ako, nagpapanic siya. Ewan ko ba kung obsessed ba siya o sadyang nag-iinarte na lang. Kaya nga naisip kong sa France na kami pumunta para tuluyan na siyang maging okay. Pero alam ko namang hindi lang 'yon ang dahilan ng paglayo ko. I have my own reasons. Kapag okay na siya, at kapag okay na ako, saka ko na lang siya kakausapin ulit tungkol sa aming dalawa. Ang mahalaga ngayon ay ang gumaling na siya.
Magluluto na sana ako ng breakfast namin nang makita ko na siya sa kusina. She is cooking pancakes, still her favorite.
"Pancake?" tanong ko.
"Yeah! Alam mo naman 'di ba? I really love pancakes." Nakangiti pa siya sa akin na parang walang kahit na anong problema. Kunsabagay, ako lang naman 'tong namomroblema.
Ngumiti lang din ako, at umupo na sa may upuan.
"Breakfast is ready." Inilapag niya ang plato na may pancakes, at masayang naupo sa bakanteng upuan sa aking harapan. As usual basta nasa tabi niya ako ganito siya kasaya.
"Mukhang masarap ha..." sabi ko. Ewan ko kung saan ko ba hinuhugot ang sasabihin ko. Napaka-plastic ko tuloy.
"Say ahh... susubuan kita," sabi niya habang itinatapat ang tinidor na may nakatusok na slice ng pancake.
D*amn! I can't take it. Ayoko na maging sweet masyado sa kaniya dahil baka lalo siyang maging obsessed sa akin. Ang hirap pa lang maging gwapo.
Napalingon kaming dalawa sa pintuan nang may mag-doorbell. Totoo nga ang kasabihang save by the bell.
"May nagdoorbell, bubuksan ko lang," sabi ko at saka tumayo at nagtungo sa pinto. Habang naglalakad palapit sa pinto, hindi ko maiwasang isipin kung sino kayang hulog ng langit ang dumating. Ang aga lang kasi.
Pagbukas ko ng pinto hindi ko expected ang makikita kong anghel ng buhay ko.
"Pare? Travis?"
"Pare, nandito ka nga. Akala ko niloloko lang ako ng mommy mo nang sabihin niyang nandito ka kina Lily. Pero bakit parang hindi siya masaya?" Bungad niya na tanong kaagad.
"Sshh... Maya na 'yang mga tanong mo. Pasok ka muna."
Pagpasok na pagpasok pa lang namin non-stop na agad siya sa katatanong.
"Pare, kailan ka pa nandito? Kumusta buhay sa Amerika?" tanong ko.
"Ayon, as expected, masaya na magulo lalo na ang daming girls na naghahabol sa akin do'n." Tumawa pa siya bago hinawi ang kaniyang buhok. Ibang klase, parehas na parehas kaming habulin. "Ikaw, Pare? Balita? Nasaan si Lily?"
"Nasa kitchen." Isinandal ko ang katawan ko sa sofa at saka tumingin sa kisame. "Kaso wrong timing ka, Pare. Malapit na akong pumuntang France with Lily. Maybe next week or next next week. Once na okay na ang visa namin."
"Akala ko ba break na kayo niyang babaeng 'yan?" bulong niya.
"Mahabang kwento," maikling tugon ko lang.
"Ah... mahaba..." Alam niyang kapag ganoon ang sinabi ko, ibig sabihin ayoko nang pag-usapan pa kaya naman hindi na siya nangulit. "O pa'no, uuwi na ako. Dumaan lang ako to give you this," sabi niya sabay abot ng isang kahon.
Nagtaka naman ako kaya napakunot ang noo ko.
"Pasalubong ko sa 'yo yan. 'Yong iniingit mo sa aking Xbox." Ngumiti siya bago naglakad palapit sa pinto. "By the way, regards daw pala sabi ni Mikaela."
"Wow, Pare! Salamat. Kaya mahal na mahal kita e. The best bestfriend ka talaga. I love you!" sabi ko sa sobrang tuwa kaya napayakap pa ako sa kaniya. Tawa kami nang tawa habang kinukulit ang isa't isa hanggang may sumulpot na extra.
"Ano yan? Froi? Are you gay?" tanong ni Lily. I was about to said yes na sana kaso inunahan na ako ni Travis sa pagsagot sa kaniya.
"Ganyan lang talaga siya ka-sweet sa akin, Lily." Pinihit niya na ang seradura ng pinto at tuluyang lumabas ng bahay. Gusto ko pa sana siyang makausap ng matagal lalo pa at iyon ang kailangan ko ngayon pero parang malabo na. "Pa'no mauna na ko. Take care of him, Lily." Alam kong may laman ang sinabi ni Travis kay Lily pero alam ko rin namang hindi iyon mapapansin ni Lily dahil tutok ang atensyon niya sa akin kaya kahit paano kampante pa rin ako. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Travis ang nangyari sa amin noon kaya naman ayaw niya talaga kay Lily para sa akin. Well, masasabi kong kahit naman ganoon si Travis, masasabi kong siya lang ang pianakatapat kong kaibigan mula pagkabata.