CHAPTER 6

1466 Words
October 15, 2003 Bisperas ng fiesta ngayon. Kasama ko si Ate Gemma at si Ate Libay na nanonood ng street dance contest sa harap ng pavilion na malapit sa simbahan kung saan ginaganap ang mga fiesta activities. Bukod sa mahabang buffet table kung saan may mga nakahaing pagkain na pwedeng kumuha ang kahit na sino at may mga kiosk ng beverages sa paligid gaya ng softdrinks, bottled water at beer na libre din. Sabi nga nina Ate na ganoon daw ang fiesta dito. Eat all you can and drink all you can until supplies last. Parang advertising lang sa TV. Ikaw daw ang mananawa sa pagkain at mga inumin. Bisperas pa lang daw yan. Iba pa daw yung para bukas na libre din ang pagkain at inumin pero wala ng beer. Ngayong gabi lang daw ang may nakakalasing na inumin. Open bar na free for all ang drinks lang ang peg. Dahil libre ang beer kaya madami na ang nagkalat na mga nakainom na at mga lasing na locals at Pinoy. Sad to say isa sa mga lasing ay si Johan na talagang inenjoy ang libreng beer ngayong gabi. Bukod sa beer na binabalik balikan niya ay ilang beses na din siyang pabalik balik sa kinauupuan namin ni Ate Gemma at ni Ate Libay. Tanong siya ng tanong sa akin kung uuwi na daw ba ako. Sa tuwing tatanungin niya ako ay lagi kong sinasagot na siya ang dapat umuwi na at mamahinga na sa barracks dahil nga lasing na siya. Maski sina Ate ay sinabihan na din siyang umuwi na. Naiirita na din ako dahil alam naman niya na ayokong nakikipagusap sa nakainom at lalong lalo na sa lasing. Kahit na nanonood ako ng street dance ay lihim kong sinusundan ng tingin si Johan. Nakita kong may mga kasama siyang lalake. Ang sabi ni Ate Gemma kanina ay mga kaibigan daw ni Johan yung mga kasama niya na mga taga La Union din na sa tingin ko ay mukhang mga lasing na din. Ilang beses ko pa siyang nakita na kumuha ng beer doon sa isang kiosk kahit na lasing na siya. Naku naman talaga tong lalakeng to. Gusto ko ng batukan talaga. Lasing na nga eh onom pa din ng inom. Kainis. Nang matapos na ang street dance ay nagumpisa ng sumayaw sa improvised dancefloor ang mga locals at may mga Pinoy din. Slow music ang tumugtog kaya partner partner ang mga sumasayaw sa dancefloor na nakahawak sa bewang ng mga babae ang mga lalake samantalang sa balikat naman nakahawak ang mga babae sa kapartner nilang mga lalake. Dahil halos alas dyes na ng gabi ay nag-aya ng umuwi si Ate Libay dahil tutulong pa kami bukas ng umaga para sa pagprepare ng pagkain na ihahain bukas para sa fiesta lunch buffet naman. Papatayo na kami sa inuupuan namin ng biglang may lumapit sa akin na Pinoy. "Hi. Ako nga pala si Marlon. Ikaw si Richelle di ba? Pwede ba kitang maisayaw?" Diretsahang tanong ng lalake na mas matangkad sa akin. 5'6" ang height ko kaya malamang mga 5'8" siya. Hindi ko siya kilala pero nakita ko na siya minsan na bumili sa grocery. Nakangiti siya sa akin at nakaumang na ang kamay niya sa harap ko. Naamoy ko ang amoy beer na hininga niya ng magsalita siya. Naku naman. Usap nga ayoko eh sayaw pa kaya sa amoy alak. Hays. "Ah, pasensya ka na, Marlon. Uuwi na kasi kami. Masakit kasi ang ulo ni Richelle kanina pa." Si Ate Gemma ang sumagot. Siguro nahalata ni Ate Gemma na ayaw kong makipagsayaw sa lalake at malamang naamoy din niya na nakainom yung lalake. "Sorry ha. Masakit kasi ang ulo ko." Ani ko. Humawak pa ako sa sintido ko para mapaniwala yung lalake na masakit talaga ang ulo ko kahit hindi naman. "Ah ganoon ba. Sige, ok lang. Ingat kayo sa paguwi nyo, Richelle." Ani nung Marlon at agad na tumalikod na siya para maglakad palayo sa amin kaya nagsimula na din kaming naglakad nina Ate. Pinagitnaan ako nina Ate sa paglalakad. "Dito na kami sa magkabilang gilid mo Richelle para wala ng sumubok na kumausap o lumapit man lang sayo." Ani ni Ate Gemma. "Oo nga, Richelle. Kanina pa namin napapansin na may mga sumusulyap sulyap sayo na ibang mga Pinoy bukod kay Johan na pabalik balik sa kinauupuan natin." Saad naman ni Ate Libay habang naglalakad kami palayo sa sayawan. "Nasaan na nga ba yung Johan na yon? Nagpakalasing na naman." Ani ni Ate Gemma. "Kaya nga. Nuknukan pa man din ng kulit nung isa na yon pag lasing." Saad naman ni Ate Libay. Hindi ko na din nakita si Johan. Huling kita ko sa kanya ay nakatingin siya sa akin ng lumapit sa amin nina Ate yung si Marlon. Nakita ko siyang nakatingin sa amin ni Marlon pero bigla din siyang nawala ng balikan ko siya ulit ng tingin after kong sabihin kay Marlon na masakit ang ulo ko. "Baka po umuwi na sa barracks si Johan." Ani ko. Sana nga, saad ko naman sa isip ko. "Sina Kuya Leo at Kuya Nitoy nga po pala?" Tanong ko kina Ate. After kasi naming kumuha ng pagkain kanina, hindi ko na nakita sina Kuya Nitoy at Kuya Leo. "Walang hilig manood sina Kuya mo ng ganyang sayawan. Kumuha lang sila kanina ng pagkain at tig-2 beer. Sa barracks na lang daw sila kakain at iinom." Saad ni Ate Gemma. "Malamang eh pareho ng tulog sina Kuya Nitoy mo at Kuya Leo mo, Richelle." Ani naman ni Ate Libay. "Kunsabagay po mas pagod sila sa mga ginawa natin kanina kesa sa atin." Ani ko. Kanina kasi ay tumulong kami sa paghahanda ng mga pagkain na kasamang inihain sa buffet table kanina. Kami ay tagahiwa lang nina Ate ng mga rekado. Sina Kuya naman ay nagbuhat ng mga iba't ibang supplies na galing sa kabilang isla. Nang makarating kami sa barracks ay naghiwahiwalay na kami nina Ate Gemma at Ate Libay. Pumasok na sila sa kani-kanilang mga kwarto at ako naman ay pumunta na din sa kwarto ko na nasa dulong bahagi ng barracks. Kinuha ko ang mga toiletries ko, twalya at damit na pantulog para makapaglinis na ng katawan ko. Nakita kong nakapadlock pa ang kwarto ni Johan ng tanawin ko ang kwarto niya mula sa CR. Hay naku, nasaan na kaya ang lasing na yon? Ani ko pa sa sarili ko habang naglilinis na ako ng katawan ko. Nagulat pa ako ng biglang may magsalita paglabas ko ng CR. "Buti hindi ka nakipagsayaw kay Marlon?" Ani ni Johan na nakasalampak sa sahig malapit sa CR. "Bakit ako makikipagsayaw sa hindi ko naman kilala at halata namang nakainom din siya?" Ani ko. "Saka di ba ayokong nakikipagusap sa lasing." Dagdag ko pa. "So hindi mo ako kakausapin ngayon dahil lasing ako?" Tanong ni Johan. "Oo kaya good night na. Matulog ka na din." Ani ko sabay talikod kay Johan at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. "Pero, Rich, gusto ko pang makipagkwentuhan sayo." Giit ni Johan. Hindi ako sumagot. Nagpatuloy ako sa paglakad ko papunta sa kwarto ko. "Rich naman. Pansinin mo naman ako." Ani ni Johan na halos pasigaw na. "Galit ka ba sa akin? May ginawa ba akong mali?" Dagdag pa niya. "Pag hindi ka pa tumayo dyan at hindi ka pa pumunta sa kwarto mo para matulog eh asahan mo, Johan, na hindi na kita kakausapin kahit kailan. Iiwasan na kita." Pananakot ko sa kanya. Nasa harap na ako ng pinto ng kwarto ko. "Pero, Rich, naman. Gusto lang kitang makausap ngayon. Hindi na nga kita nakausap kanina dahil busy tayo. Ngayon naman ay ayaw mo akong kausapin. Hindi pa ako inaantok, Rich." Nagmamaktol na saad ni Johan. "Subukan mo lang na mag-ingay ka pa dyan. Talagang hindi kita kakausapin simula bukas." Saad ko. "Gusto ko lang naman na makipagkwentuhan sayo ngayon, Rich. Hindi naman ako nagiingay." Tila nakikiusap na saad ni Johan. Hininaan pa niya ang boses niya. "Bukas tayo magusap pag hindi ka na lasing." Saad ko. "Pag hindi ka pa tumayo dyan at pumasok sa kwarto mo, sinisigurado ko sayo na bukas ng umaga ay magpapaalam ako kina Sir na uuwi na ako ng Pilipinas. Ano, Johan?" Pananakot ko na naman sa kanya. Nakita kong napakamot ng ulo si Johan. "Tss. Opo, matutulog na po ako." Ani ni Johan. Mayamaya nga ay tumayo na siya at pumunta na sa kwarto niya saka pumasok sa loob. Papasok ka din pala ang dami mo pang satsat. Ani ko sa sarili ko. Ilang minuto pa akong nanatili sa labas ng kwarto ko para masigurado na hindi na lalabas si Johan ng kwarto niya. After ng ilang minuto ay pumasok na din ako ng kwarto ko. Pinakiramdaman ko pa kung may maingay sa barracks. Tahimik naman na kaya natulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD