Bumuntung hininga muna si Eula bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Ilang araw after dumating ni Johan noong nagbakasyon siya na ikinasal kami ay nakita kong magkakaharap sa paborito nilang tambayan sa bakuran nila sina Johan at ang mga kapatid niya. Nagkwekwentuhan sila kaya palihim akong nakinig sa usapan nila. Alam mo naman ang mga lalake pag nagkwentuhan, malalakas ang mga boses. Narinig ko na ikaw ang pinaguusapan nila. Masaya si Johan habang ibinibida niya sa mga kapatid niya na nakita na daw niya yung babaeng para sa kanya. Richelle nga daw ang pangalan mo at mahal na mahal ka nga daw niya. Ipinakita pa niya yung pictures nyong dalawa na magkasama kayo sa mga kapatid niya. Pero yun nga daw may asawa ka na. Nasaktan ako sa narinig ko na may mahal na si Johan pero mas nasaktan ako sa narinig kong sumunod na sinabi ni Johan. Ang sabi niya sa mga kapatid niya na kahit daw may asawa ka na ay patuloy pa din daw siyang aasa kahit imposible na magiging kayo din hanggang sa huli. Hindi daw siya bibitaw sayo at sa pagmamahalan nyo. Hindi ka din niya inilihim sa Mama at Papa niya dahil ikinuwento sa akin ng Mama niya yung naging paguusap nila ni Johan. Sabi ng Mama niya na buo na daw sa loob ni Johan na ikaw ang babae para sa kanya. Kahit na alam nilang mali dahil may asawa ka na nga ay nakita ko pa rin sa mga mata ng pamilya ni Johan na tanggap nila at suportado nila anuman ang maging desisyon ni Johan. Diretsahan ding sinabi sa akin ng Mama ni Johan na hindi sila kokontra anuman ang maging kapupuntahan ng pagmamahal ni Johan para sayo, Richelle. Sinabihan din ako ng Mama ni Johan na ituon ko na sa iba ang pagtingin na inilalaan ko para sa anak niya. Nagsorry pa siya sa akin dahil nga sa pambubuyo niya sa akin kay Johan." Ani ni Eula.
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ng mga sandaling yon sa mga sinasabi ni Eula.
"Dahil sa nalaman ko ay nagisip ako ng paraan para masigurado kong magiging akin si Johan. Ang sabi ko sa sarili ko na by hook or by crook ay kailangan maging akin si Johan bago matapos ang bakasyon niya. Umiral na naman sa akin ang ugali kong pagiging spoiled ko at bratinela. Nagpatulong ako sa isa kong pinsan na kabarkada ni Johan. Nagiinuman noon sina Johan, ang Papa niya, ang mga kapatid niya, ang Papa ko at yung pinsan ko. Kinuntsaba ko yung pinsan ko na ayaing uminom sina Johan at pasimpleng lagyan ng pampatulog yung iniinom ni Johan pag lasing na silang lahat. Kabisado na kasi namin si Johan na pag may inuman ay siya yung huling aalis lalo na pag ang kainuman niya ay ang Papa niya at ang mga kapatid niya. Bukod sa mas gusto niyang matulog sa papag na nasa kubu-kubuhan sa loob ng bakuran nila pag nakainom siya. As expected ay ganoon nga ang nangyari. Naiwan ngang mag-isa sa labas si Johan. Tulog na tulog na siya sa papag dahil sa epekto nung pampatulog na inilagay ng pinsan ko sa iniinom niya bukod pa sa lasing nga siya. Tulog na din sina Papa ko at Mama ko. Ang Papa niya at si Junior ay nasa loob na ng bahay nila. Yung ibang mga kapatid naman ni Johan ay umuwi na din sa mga bahay nila. Tinulungan ako ng pinsan kong maipasok si Johan sa bahay namin pati na sa kwarto ko ng palihim hanggang sa maihiga namin siya sa kama ko. Nang makaalis na ang pinsan ko ay inalisan ko ng damit niyang suot si Johan. Naghubad na din ako. Tanging kumot na lang ang nakatakip sa parehong hubad na katawan namin ni Johan. Kinabukasan ay nagising si Johan na nakayakap ako sa kanya sa loob ng kwarto ko. Gulat na gulat si Johan ng makita niyang pareho kaming walang suot na damit. Nagpretend akong may nangyari sa amin. Na nag s*x kami na siya ang nag-initiate kahit na wala naman talagang nangyari sa amin. Dinatnan kami ng Mama ko at Papa ko sa ganoong ayos kaya nagulat si Johan nang sinabihan siya ng Papa ko na sa ayaw man o sa gusto ni Johan ay kailangang pakasalan ako ni Johan. Oo, Richelle, pinikot ko lang si Johan. Napilitan lang siya na pakasalan ako dahil ayaw niyang maeskandalo ang pamilya niya." Naluluhang saad ni Eula. Ako naman ay naguumpisa ng makaramdam ng paninikip sa dibdib ko. Kung ano ang naramdaman ko noong nalaman ko na kasal na si Johan na parang may lumamukos sa puso ko ay ganoon din ang nararamdaman ko ngayon.
"Noong una ay ayaw pumayag ni Johan na pakasalan ako. Galit na galit siya sa akin. Pinanindigan niya na wala naman daw nangyari sa amin. Hindi daw kami nagsex dahil lasing na lasing daw siya nung gabing yon. Pinipilit ako ni Johan na magsabi ng totoo pero umiyak lang ako sa harap ng pamilya ko at ng pamilya niya. Ilang beses niyang sinabi na hindi niya ako papakasalan dahil hindi naman daw niya ako mahal. Ilang beses din niyang sinabi sa harap ng pamilya niya at ng pamilya ko na ikaw ang mahal niya, Richelle, na sa tuwing sasabihin niya yon ay para akong sinasampal. Kumalat ang balita sa barrio namin na ayaw panagutan ni Johan ang sinasabi kong nangyari sa amin. Pinagtsismisan ako ng mga makakati ang dila sa barrio namin. Nalagay ang pamilya namin sa kahihiyan na ako din naman ang may kagagawan kaya sinugod ni Papa ko si Johan. Nagsisigaw siya sa harap ng bahay nina Johan. Umiiyak ang Mama ni Johan habang pinipigilan si Johan at ang Papa niya na harapin ang Papa ko. Muntik ng atakihin sa puso ang Mama ni Johan. At dahil nga sa pakiusap ng Mama niya kay Johan kaya napilitan si Johan na pumayag na na pakasalan ako. A week before ng flight ni Johan pabalik sayo sa Luta ay ikinasal kami sa huwes ni Johan labag man sa loob niya. Akala ko ay magiging maayos na kami ni Johan after ng kasal namin pero hindi dahil right after ng ceremony ng kasal namin ni Johan ay umalis siya agad imbes na maghoneymoon kami. Nagpakalasing si Johan. Buti na lang kasama niya si Junior kaya naiuwi siya ni Junior sa bahay nila nung gabing yon. Ang pangalan mo, Richelle, ang tinatawag niya habang pinupunasan ko siya nung gabing yon na lasing na lasing siya. Humihingi siya ng tawad sayo habang umiiyak siya. Mahal na mahal ka daw niya. Araw-araw nagpapakalasing si Johan. Na maski ang parents niya at ang mga kapatid niya ay hindi siya mapigilan sa paglalasing niya. Pag hindi naman siya lasing ay hindi niya ako pinapansin. Ni hindi nga siya tumatabi sa akin sa kama. Naglalatag siya sa sahig at doon natutulog o kaya naman ay sa kwarto ni Junior siya nakikitulog. Nagsex lang kami ni Johan nung akala niya na ako ay ikaw dahil sa sobrang kalasingan niya. Habang inaangkin niya ako ay pangalan mo ang sinasambit ni Johan. Nasasaktan man ako sa naririnig kong mga sinasabi niya pero deserve ko yon dahil nagpakaselfish ako. Mas inisip ko ang kaligayahan ko kesa sa kaligayahan ni Johan. Kesa sa kaligayahan nyong dalawa. Pinakiusapan siya ng Mama nya na iparebook ang flight niya para kahit two weeks ay magkasama pa daw kaming magasawa. Pero hindi na pumayag si Johan. Ang sagot niya ay napagbigyan na daw niya ang Mama niya nang pakasalan niya ako. Yun na daw ang una at huling pakiusap ng Mama niya patungkol sa akin na pagbibigyan niya dahil kaligayahan pati ang kalayaan niya ang naging kapalit nun. Bukod sa naghihintay na daw sa pagbabalik niya sa Luta ang nagiisang babaeng tunay na mahal niya at gustong makasama sa habambuhay. Ikaw yun, Richelle. Ikaw lang ang nagiisang babae na piniling mahalin at patuloy na minamahal ni Johan. Kaya hindi ikaw ang nakasira, Richelle. Kundi ako. Sa umpisa pa lang ay ako ang nakasira sa kung anuman ang meron kayo ni Johan sa isla. Alam ko na all these years, you have been feeling guilty dahil ang alam mo ay ikaw ang nakikisalo. Hindi mo alam na ikaw ang inagawan ko. Inagawan ko kayo ni Johan ng chance na maging masaya. At dahil sa ginawa ko ay karma ko na din siguro yung wala akong kakayahan na magkaanak. Baog ako Richelle." Saad ni Eula.
What??? s**t!!!!