Pasado alas syete na ng gabi ay andito pa din ako sa tabing dagat. Nakaupo sa paborito naming inuupuan ni Johan tuwing pumupunta kami dito. May mga locals at mga Pinoy na naglalakad din dito kanina pero ngayon ay ako na lang ang nandito sa tabing dagat.
Tatlong beer in can na ang naubos ko. Pang apat na lata na tong iniinom ko at mauubos ko na din ngayon. Don't worry po, Ate Gemma. Kumain naman po ako ng spaghetti kanina bago ko po ininom tong mga beer na binili ko din po sa kabilang grocery. Ani ko sa sarili ko.
First time in my life na uminom ako ng beer. Never pa akong uminom ng kahit anong uri ng alak o maski beer sa tanang buhay ko. Maski noong college ako ay ni minsan hindi ako tumikim ng kahit anong uri ng inumin na nakakalasing. Kahit na kasama ako ng mga pinsan ko pag may mga okasyon ay hanggang juice lang ako o kaya iced tea at soft drinks. As in ngayon lang talaga nasayaran ng beer ang sikmura ko. Ngayon lang dahil gusto kong magpakalasing. Gusto kong makalimot sa pamamagitan ng paglalasing. Kasi di ba ang sabi ng mga lalake na umiinom sila para makalimot. Kaya eto ako ngayon, sinubukan ko kung totoo yung sinasabi nila. Tumotoma akong magisa para makalimot. Makalimot kay Johan Buenaventura at sa pagmamahal ko para sa kanya.
Shit! Bakit mo ako ginaganito, Johan? Ipinagluto mo ako ng pagkain kaninang umaga. Tapos para kang walang nakita kaninang hapon. Ano ako invisible? Hangin lang na hindi mo nakikita. Pero buti pa ang hangin, nararamdaman. Samantalang ako, balewala lang. Dati lahat ng atensyon mo ay nasa sa akin. Ngayon ay para na lang akong alikabok na hindi mo nakikita. Ani ko sa isip ko na gustong gusto kong isigaw. Napaluha na naman ako kaya napayuko ako sa tuhod ko.
Ilang sandali pa akong nakayuko ng maramdaman kong may tao sa gilid ko.
"Tara na, Richelle, umuwi na tayo." Ani ng nagaalalang boses ng isang babae na kahit na nakayuko ako ay sigurado ako na si Ate Libay yon. Hindi nga ako nagkamali dahil nang tumingala ako ay nakatayo sa gilid ko si Ate Libay. Katabi din niyang nakatayo si Ate Gemma.
"Ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa kanila.
"Sinusundo ka na namin, Richelle. Tara na, umuwi na tayo sa barracks." Ani ni Ate Gemma.
"Mamaya na lang po ako uuwi. Mauna na po kayo. Baka po hinahanap na kayo ni Kuya Nitoy at ni Kuya Leo. Huwag po kayong mag-alala sa akin. Ok lang po ako dito. Uuwi din po ako mayamaya." Medyo nauutal ko ng saad dahil sa kalasingan ko.
"Kung ayaw mo pang umuwi eh sasamahan ka na lang muna namin dito." Ani ni Ate Libay at umupo na sila ni Ate Gemma sa magkabilang gilid ko. "Nagpaalam naman kami sa mga asawa namin kaya hindi nila kami hahanapin." Dagdag na saad ni Ate Libay.
"Ano ba kasi yang ginagawa mo ha, Richelle? Kahapon hindi ka kumain. Kanina nagpagupit ka. Ngayon naman eto, lasing ka. Akala ko ba hindi ka magpapabaya sa sarili mo?" Ani ni Ate Gemma.
"Hindi naman po ako nagpabaya sa sarili ko, Ate Gemma. Kumain naman po ako ng spaghetti bago po ako nagumpisang uminom ng beer. Ayan nga po yung pinagkainan ko." Saad ko habang nakaturo sa plastic bag na nasa harapan ko kung saan nakalagay yung styro na pinaglagyan nung spaghetti na kinain ko at yung 4 na lata ng beer na ininom ko.
"Bakit ka naglasing?" Tanong naman ni Ate Libay.
"Hindi naman po ako lasing. Nakainom lang po ng kaunti. Nacurious lang po kasi ako kaya ayan po uminom ako. Sinubukan ko lang po para malaman ko kung ano ang lasa ng beer." Ani ko. "Bakit po kaya gustong gusto ng mga lalakeng uminom ng beer e ang pait pait naman po pala ng lasa. Tapos ang sakit pa po sa tiyan pag ininom." Dagdag ko pa.
"Mapait pala e bakit naka apat na lata ka?" Paninita ni Ate Libay sa akin.
"Sayang po kasi kung itatapon ko kaya ayan inubos ko na po." Pangangatwiran ko.
"Bakit ka dito uminom? Bakit hindi na lang sa barracks?" Nagaalala pa ring tanong ni Ate Gemma.
"Ayoko po sa barracks kasi mag aalala na naman po kayo sa akin pag nakita nyo po akong umiinom. Kung sa kwarto ko naman eh tiyak po na kakatukin nyo ako pag hindi nyo po ako nakita sa common area kaya dito ko na lang po naisipang pumunta tutal wala naman pong tao dito. Mag-isa lang po ako dito para makapagisip isip na din po ako. Saka nahihiya po akong magpakita sa inyo na umiinom ako." Saad ko.
"Di ba pamilya tayo eh bakit ka nahihiya sa amin? Ibang tao ba ang turing mo sa amin ha, Richelle?" Tila nagtatampo na ding saad ni Ate Libay.
"Pamilya ko po kayo kaso nga po nahihiya na ako sa inyo. Naiistorbo ko po kayo at pinagaalala dahil po sa nangyari. Gaya po ngayon na imbes na nagpapahinga na po kayo eh andito po kayo ngayon kasama ko. Paano nyo nga po pala nalaman na nandito po ako?" Nagtataka kong tanong sa kanila.
"Sinundo kami ni Johan ng magout ako sa grocery. Puntahan ka na nga daw namin dito para pauwiin ka na sa barracks dahil gabi na." Saad ni Ate Libay.
"Kanina ka pa niya binabantayan dito. Sinundan ka niya nung umalis ka ng barracks kanina. Iniwan ka lang niya sandali para sunduin kami." Dagdag naman ni Ate Gemma.
"Bakit po hindi niya ako nilapitan kung kanina pa po pala niya ako binabantayan? Hindi ko naman po siya aawayin kung lalapitan niya po ako. Saka bakit po niya ako binabantayan e balewala naman na po ako sa kanya? Dineadma nga po niya ako kanina sa barracks. Parang hindi niya nga po ako nakita. Para akong invisible sa kanya. Di ba po, Ate Gemma?" Tila nagsusumbong kong saad kina Ate Gemma at Ate Libay. "Saka pangit po ba ako para hindi man lang nya ako tapunan ng tingin kanina kahit sandali lang?" Tanong ko na halata sa boses ko ang sama ng loob na nararamdaman ko.
"Halika na nga, Richelle. Bukas na lang natin pagusapan yang mga tanong mo na yan. Bukas iinom tayong tatlo ng Ate Gemma mo." Ani ni Ate Libay.
"Hindi na po, Ate Libay. Ayoko na pong uminom. First and last try ko na po ngayong uminom." Ani ko habang umiiling pa.
"Sigurado ka?" Naniniguradong tanong sa akin ni Ate Gemma.
"Opo. Ayaw ko na pong maglasing ulit." Paninigurado ko kina Ate.
"Promise hindi ka na iinom?" Saad naman ni Ate Libay.
"Ayoko na po ng promises." Pagtutol ko.
"Bakit naman ayaw mo na ng promises?" Nagtatakang tanong ni Ate Libay.
"Nakakadurog po ng puso ang promises lalo na po pag natupad. Imbes na maging masaya eh mas nakakalungkot po pala." Tugon ko habang itinuturo ko pa ang puso ko.
"So ano, tara na ba? Uuwi na tayo?" Aya ulit ni Ate Libay.
"Opo. Uuwi na po tayo. Baka mapagalitan na po ako nina Kuya Leo at Kuya Nitoy dahil iniistorbo ko po kayo ngayon imbes na nagsweet moments na kayo ngayon." Nakangisi kong saad.
"Siraulo ka, Richelle. Kung ano ano yang iniisip at sinasabi mo dyan." Natatawang saad ni Ate Gemma.
"Wala naman po akong iniisip na iba. Normal naman po na mag sweet moments kayo nina Kuya dahil magasawa naman po kayo." Natatawa kong saad.
"Naku, tara na nga. Umuwi na tayo. Sobrang busog na ang mga lamok dito sa kakakagat sa atin." Ani ni Ate Libay at inalalayan pa nila akong tumayo ni Ate Gemma.
Potek! Lasing na nga ako dahil muntik na akong sumubsob kung hindi lang ako napahawak kay Ate Libay ng tumayo ako. Buti na lang din talaga na nakaukyabit sa magkabilang braso ko sina Ate Libay at Ate Gemma habang naglalakad kami pauwi ng barracks dahil baka gumagapang na ako mula sa tabing dagat papunta sa barracks kung ako lang magisa ang umuwi. O kaya baka dito na ako makatulog sa tabing dagat. Hays.
Nang makarating naman kami sa barracks ay hindi pa din ako iniwan nina Ate Gemma at Ate Libay. Sinamahan nila ako sa kwarto ko para kunin ang mga toiletries ko, twalya at damit pantulog. Hinintay pa nila ako sa labas ng CR habang naghihilamos ako, naglilinis ng katawan ko, nagtotoothbrush at hanggang sa nakapagpalit ako ng damit kong pantulog. Maya't maya ang tanong nila sa akin mula sa labas ng CR kung okey lang ako habang nasa loob ako ng CR. Inalalayan pa nga nila ako pabalik sa kwarto ko. Inayos din nila ang kumot ko ng makahiga ako sa kama ko. Todo todo talaga ang effort ko para lang maitawid ko yung mga kailangan kong gawin bago matulog dahil sa kalasingan ko.
"Sorry po if I am a big mess sa harap nyo." Naluluha kong saad ng ipikit ko ang mga mata ko para matulog.
"Matulog ka na, Richelle. Tama na yan. Lalabas na din kami ni Ate Gemma mo mayamaya." Narinig kong tugon sa akin ni Ate Libay.
"Good night po at maraming salamat po mga Ate." Ani ko pa habang nakapikit ako. Hindi ko na maidilat ang mga mata ko dahil sa magkahalong antok, kalasingan at pamumugto mula sa pagiyak ko.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ko. Naisip ko na lumabas na siguro sina Ate Gemma at Ate Libay. Pero ang ipinagtataka ko bago ako tuluyang lamunin ng antok dahil sa kalasingan ko, ay naramdaman kong may maingat na nag-usod sa akin sa kama ko at tumabing humiga sa akin. Mayamaya ay narinig ko ang boses ni Johan. "I miss you and I'm so sorry, Rich kung nasasaktan ka dahil sa akin. I still love you so much." Ani niya. Naramdaman ko din ang paghalik niya sa pisngi ko pati ang pagyakap niya sa akin.
Potek! Panaginip ba yon o talagang nasa loob nga ba ng kwarto ko si Johan Buenaventura at katabi ko siya ngayon sa kama ko? Waaahhhh.