Kc
Just no ordinary day. But this time I'm lazy to do anything. Golen had been calling me the whole day yesterday. I wasn't in the mood to talk to him. I don't know why. It's just that I don't like what had been running in my mind about him not replying to all my messages.
In the afternoon, I went on duty not in a good state of mind. Parang may kulang. Siguro dahil hindi kami okay ni Golem. Nasanay na kasi ako na parati itong may text sa umaga. Nagtetext sa gabi and the way he's calling me baby felt heaven.
Nasa OB ward ako at nakanguso akong nagtungo sa nurse station. Hindi naman busy ang mga nurses. Nagcheck lang ako ng mga patient ni Dra. Cruz. While I'm busy scanning narinig ko ang usapan ng mga nurses.
"Besh, parang ang tagal nawala si Doc Allen. Nasanay na kasi akong nakikita siya dito sa hospital nag iikot umagang uamaga," malungkot nitong sabi.
"Ano ka ba, wala raw dito si Doc Pogi. Nasa tate at kasal nong pogi rin nilang friend. Yong boyfriend ni Allie? Alam mo yon na chismis. Kaya nga raw nagresign ni Allie," sagot nito.
Na curious naman ako sa pinag uusapan nila. May kinalaman ba ito noong nakita namin nag uusap usap sina Allie, Doc Allen at Doc dela Vega? Ano kaya nangyari?
"Hindi besh, nasaktan si Allie pero my personal reason daw sa pag resign nito. Concerning sa health yon ang sabi ni madam chief nurse. Bawal na siya magwork sa hospital. Umalis na nga ata ng Pinas." patuloy nito sa pagkwento.
Hindi ako nagpahalata na nakikinig. Kunyari busy ako sa mga charts.
"Sayang, bagay ko pa naman yon sila ni Allie. Ang pogi rin kasi non. Sabagay lahat naman ng kaibigan ni Doc Allen pogi." matamlay nitong turan.
"What are you gossiping about Nurse Reyes?" isang baritonong boses na pamilyar sa akin ang nagpaangat sa akin ng tingin.
"Ay p**e!!" gulat na sigaw noong nurse.
Doc Allen in his stoic face, now staring at me pero ang salitang lumabas sa bibig ay para sa nurse na kwento ng kwento kanina.
"Doc! Finally buo na ang araw namin. Nakakawalang gana naman pag wala ka. Nasanay na kami." Halos magpacute ito sa harap ni Doc Allen pero hindi naman siya tinitingnan ng Doctor. Sa akin pa rin ito pasulyap sulyap. May problema ba?
May kinuha ito na chart at nagsulat. Tinitigan ko naman ito ngayon. I really like her stubbles. Parangap ko talagang himasin ito. Hayst... Parangarap lang. Napailing na lang ako. Bigla naman itong ng angat ng tingin at nahuli niya ako. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat.
I saw him smirked at me. Shocks Kc! Ayan kana naman eh. huhu
"Hi loves! may atraso ka sa akin," bigla naman sumulpot sa station si CL.
Tinaasan ko ito ng isang kilay. Ano naman ang pinagsasabi nito. "What?"
"Lumipat kana pala ng sa condo mo hindi mo ako sinabihan. Wala bang house warming diyan. Binyagan natin." Humahagikhik pa ito.
"I was tired. Si Nanay Lilian ang kasama kong maglipat. Kuya Steven was busy. He told you?"
"Duh? yah sino pa nga ba. Doon kana natulog kagabi?"
"Yes, sama ka nalang mamaya," aya ko dito.
"Hindi ako pwede mamaya loves, tomorrow okay?" Nagtatampo tapos hindi pala pwede.
"Ahuh... " I hissed.
Paging Dr. Allen Smith to ER now...
There must be an emergency. Nakita ko ito na nagmamadaling umalis sa nurse station.
Naging busy rin ako sa delivery room. Apat ang aming napaanak sa afternoon shift. So far okay lang naman walang mga toxic cases. Naalala ko naman si Doc Allen. Musta kaya ang emergency kanina? Wala rin naman akong nasagap na chika galing ER.
My shift was done and I went home. Naglakad lang naman ako kasi halos sa may kanto lang ang condo na tinitirhan ko.
The moment I stepped into my unit my phone beeps.
Hottie Hon:
Baby... please reply...
Tinitigan ko lang ang screen ng phone ko. Napabuntong hininga na. Magreply na nga ako. Papakinggan ko ang paliwanag niya.
Me:
Okay. Karating ko lang from work.
Hottie Hon:
Can I call you before you sleep? I miss you.
Me:
Okay. I'll take a shower first.
Natapos na akong maligo. It's almost midnight na pala. I message Golem.
Me:
Still up? Sorry napasarap ang babad ko sa bathtub.
Hottie Hon:
Yup, I'm waiting for you.
Hottie Hon calling...
I accepted the call.
[ Baby... I miss you. Still mad at me?] God! His husky voice is turning me on. Behave Kc, hindi pa kayo bati kaya huwag kang marupok. Sa isip isip ko.
"I will forgive you. But you have to explain well, convince me." Narining ko itong bumuntong hininga.
[Let's meet each other.] Nanlaki naman ang mata ko. No! Hindi pa ako ready. Maybe after a couple of months.
"No, it's not yet the right time." mariing tangge ko dito.
[You don't believe me. Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka?]
"Nothing, I believe you now. How are you? Sumasakit pa ang ulo mo?" Natanong ko sa kaniya. Siguro hindi na kasi nakapag enjoy na ito sa Vegas.
[Hindi na, I had it checked before I left the country. How are? What's keeping you busy those days that you didn't bother to reply?]
Hindi ko alam anu ang sasabihin ko. Sasabihin ko bang nagseselos ako at naiinis kasi nasa isang lugar siya na maraming babae. Pero ano ang karapatan ko? Oo mag jowa raw kami dito lang, iba ang real life.
[Baby... still there, you're tired? You want me to hang up?]
Kainis naman. Ang boring ko noh? Dahil sa pagiging boring ko na kausap baka magsawa si Golem sa akin. Ano ba sasabihin ko sa kaniya para matapos na ito?
"Naiinis ako..." tipid kong sabi. Halos pumikit ako ng aking mga mata dahil parang ayaw kong malaman ang sasabihin niya.
[Why? Dahil hindi ako narereply while I was in Vegas? Honestly, hindi ko alam ano irereply ko sayo ng gabi na yon. Galit ka, all I know pag ang babae daw ay galit huwag sasalubungin ang galit nito. That's why I decided not to reply. But, believe me. Walang akong babae. Nag inuman lang kami okay? How can I have another woman, when all I could think is you? Please don't get jealous.]
"Okay, sa haba ng sinabi mo. I believe you. Tapos na ang topic na yan." sabi ko dito.
"I miss you..." totoo. That was from the deepest part of my heart. Namiss ko siya. Nasanay na kasi ako sa mga ginagawa namin.
[It's almost midnight, lets sleep. Let's continue tomorrow okay? No s*x today baby. I know you're tired.]
Gusto ko ngang sabihin na gusto ko pero nahihiya ako. Kaya sumang ayon na lang din ako.
"Okay, inaantok na rin kasi ako. Aalis ka?," sabi ko dito.
[No, I'll be here in my room don't worry. Sleep well baby.]
"You too hon," paalam ko.
Ngunit hindi naman ako dinalaw agad ng antok. Ang daming kung iniisip. Ang tahimik. Wala man lang kumakatok sa pintuan para pakainin ako.
Musta kaya sina mommy? Hindi pa ako sana na wala sila paggising ko at bago matulog. First time kasi na magsarili ako. Alam ko kailangan ko maging independent.
Since hindi pa naman ako dinadalaw ng antok tumayo ako at hinalungkat ang aking mga gamit. Marami pa sana akong dapat ayusin dito pero busy ako sa duty kaya hindi matapos tapos.
Habang hinahalungkat ko ang mga gamit at may nakita akong lumang larawan. Larawan ng apat na batang nakangiti sa isang bahay ampunan. Ang mga bata na yon ay kami. Si kuya Steven, CL, ako at ang isang bata na sing edad ko lang din si Ashley. Musta na kaya siya? It's been 20 years. Kong magkikita man kami ngayon iba na ang hitsura nito. Sigurado lang ako yong mga mata niya hindi magbabago.
Sana nasa mabuti itong kalagayan. Kakalungkot kasing isipin kong nahihirapan ito ngayon.
Inilabas ko ang larawan at inilagay sa isang frame na maliit yong litrato. Ito lang ang remembrance namin na masaya sa bahay ampunan.
Napagpasyahan kong matulog na. Malalim na ang gabi. Nagpatogtog na lang ulit ako ng musika galing sa application na Calm. Ang aking pampatulog. Tamang tama at inantok na ako at natulog.
Lumipas ang mga araw at buwan. Naging busy ako sa hospital. Aside from having some duties, nag aaral at may mga case presentation pa kami. Kala nila porket OB ako madali lang. Marami rin kaming kailangang pag aralan.
Being an OB gynecologist is thrilling for me. Madami pa akong dapat malaman. Kailangan din kami sa lipunan. Nasasabi lang nila na relax lang ang mga tulad namin kasi we know how to balance our life. Magaganda raw ang mga OB doctors mostly kasi hindi toxic. Hindi naman ganoon. Talaga lang maganda kami. hihi.
We played a big important role in society. In family planning and preventing teenage pregnancy. Treating sexually transmitted diseases which is very rampant nowadays. And of course making an impossible to possible like infertile couple will soon be having a child.
Mapera raw kami kasi kahit hindi for Caesarian na patient pinu- push daw na maging CS para mas malaki ang kita. I doubt, I don't know in other hospitals. Well, may mga doctors talaga na ganoon. Hindi maiiwasan yon. Sa government nga na mga OB doctors patago silang nagsasideline para mag private practice. Yong tumatanggap sila ng mga pasyente as a private doctor with pay. Pero ang sinumpaan nila ay maging doctor ng gobyerno para sa mga mahihirap. Nagagawa lang din naman ng iba yon dahil maliit lang din ang sweldo ng mga doctor sa gobyerno.
Here in MNH OB doctors promotes natural delivery and tinatawag na NSVD (Natural Spontaneous Vaginal Delivery). Pag ang isang buntis at healthy naman at walang mga other complications. Bilib ako sa magagaling na doctor. Tulad ng consultant na si Dr. Cruz. Nakaya pa niyang ipa normal delivery ang isang buntis na nanganganak kahapon after 12 hours in labor biglang nagcord coil ang baby. Kung hindi ka magaling na doctor at kung ang doctor mo mukhang pera, emergency CS na agad. Pero ang galing ni Doc nagawa niya. Bumilib talaga ako. Pag mga matagal at matatalino na doctor at tapat sa tungkulin nila, nakakabilid talaga.
Minsan rin naman kasalanan ng pasyente kong bakit CS. Sinabihan na magdiet. May tamang timbang lang na dapat sundin ang mga buntis naka depende ito sa height ng pasyente. At mas maganda na ang bata maliit lang habang nasa tiyan ng ina. Sa paglabas na lang ito palakihin.
Ang ibang mga buntis kasi kahit bawal junk foods, mga sweets at soft drinks, sige pa rin. Kaya nalaki ang ina pati ang bata sa loob lumalaki rin. Ang ending CS. Tapos wala palang pambayad.
Nakakakapagod pero masaya. Halos wala na ngang pahinga. Lalo na pag season. Alam niyo na ang season ng panganganak, september to november.
Si Golem naman naging busy rin. Nag uusap kami gabi gabi bago matulog. Nagpapalitan ng text messages sa umaga.
We sometime have our intimate session also. Nitong nakaraang buwan halos every other day kaming nag vivideo s*x. Nasanay na kami. Hindi na namin napag uusapan ang tungkol sa pagkikita namin. Darating na lang kasi yan sa tamang panahon.
Ang date namin ay nanonood kami ng isang movie na magkaparehas habang magkausap kami sa phone. Nasanay na rin ako sa seryosong attitude nito. Gusto ngang makita ito na tumatawa. Minsan maririnig ko ito na mahinang tumatawa.
Sinabi ko na rin sa kanya ang hospital na pinagtatrabahuan ko kaya naman panay ang padala niya ng pagkain at mga bulaklak. Maging tampulan tuloy ako ng tukso sa OB ward at Delivery Room.
"Doc! Flowers again, yayamanin talaga Doc ang suitor mo. Galing pang ibang bansa ah. Lakas maka sosyal!" sabi ng mga nurses at sabay sabay pang nagtilian.
Natatawa na lang ako sa mga ito. Naging close ko na rin silang lahat. Lalo na o
pag ganito hindi busy. Chismisan ang kasiyahan ng mga nurses at doctors sa station.
"Nako, ako kahit walang flower na ibigay sa akin okay lang. Basta dalat si Doc Allen siya." nagtawanan pa sila at kinilig.
"Malamig palang na tingin ni Doc, pamatay na. Mas masarap pa sa chocate at heaven na heaven ka pa."
Patuloy ang kanilang kwentohan at chismisan. Masasayang tawanan. Nakakawala ng pagod.
"Talaga Miss Eusebio?" Napalingon naman ako sa pamilyar na boses.
"Ay patay Doc! Narinig mo?" pulang pula ang mukha nito na nakatingin kay Doc Allen.
"Sinong hindi makakarinig kung abot hanggang langit ang boses mo," matalim nitong tiningnan ang nurse.
"Carry out my order well Ms. Eusebio. Siguraduhin mo walang palpak unlike last time." sabi nito sa nurse.
Pansin ko formal talaga ito. He address each staff with their surnames. Iniabot ito kay Ms. Eusebio ang chart ng patient niya. Tiningnan din ako nito saglit. Hindi naman ako kumibo baka sabihin na nakikipag chismisan lang ako.
"You're not busy Dr. Montero?" tanong nito sa akin. Napailing lang ako dito bilang sagot.
"Naging pipi ka na din, kanina lang dinig rin kita. Eat your lunch. Don't skip your meal." Umalis din naman agad ito.
Nag ingay na naman ang buong station. Kung paano biglang tumahimik ang mga tao kanina pagkadating ni Doc Allen, biglang ingay naman pagkaalis nito.
May mga patient din naman si Doc Allen. May mga referrals sa kaniya na mga pasyente na mga buntis na may mga ibang sakit. Like hypertesion, pag unstable na ang Blood pressure nito. Sila ang mga pre eclamptic patient. Patient with pre eclampsia, silang yong mga buntis na may mataas na blood pressure and may protein ang urine during or after pregnancy. It's a rare case kaya need ng monitoring sa buntis kasi delikado ito sa baby niya pati sa ina.
Isa si Doc Allen na magaling na nuero- surgeon at neurologist. Kaya mostly sa kaniya ni re-refer ang ibang mga buntis na may ganoon na condition.
Lunch came at as usual pinadalhan na naman ako ni Golem ng pagkain. Hindi ko kayang ubusin kaya binigyan ko ang mga nurses.
Habang kumakain, kwentohan na naman kami. Ito lang kasi kaligayahan namin pag hindi toxic ang duty. Pag benign lang kaya petiks lang.
"Doc, saan mo nakilala itong suitor mo?" tanong ng isang nurse.
Hindi naman ako makaringin dito. Ano kaya sasabihin nila pag malaman nila na ang jowa ko hindi ko pa nakikita ang mukha. Katawan memorize ko na.
Pero sasabihin ko na lang baka makatulong pa sa kanila. Maghanap din sila ng kachat.
"Sa isang dating app." tipid kong sambit.
Kita naman ang gulat sa mga mukha nila. Hindi ito makapaniwala. Sa ganda kong'to papatol lang sa dating app.
"Seryoso Doc? Hindi joke diba Doc?" Hindi ko mapigilan matawa sa reaksiyon ng mukha ni Miss Eusebio.
Medyo chubby kasi ito at kalog type na babae. Tapos ang daldal pa. Buti tumahimik after dumating si Doc Allen.
"Yup, seryoso ako. Try mo. It's dating.com." sinabi ko dito baka gusto nilang itry.
"Sige nga makainstall, para maiba naman ang pagkaabalahan. Baka makahanap din ako ng jojowain at hindi totropahin lang ako." malungkot nitong sabi.
"Makapagsalita ka gurl parang wala ng pag asa. Antay antay lang ganern." kantyaw ng isa kay Miss Eusebio.
"Ito pala ang narinig ni Cathy sa inyo ni Dra. Riva Doc. Yong dating.com. Gusto ni Cathy mag ask about doon. Sigurado pag magkasabay kayo ng duty kukulitin ka non Doc."
" Atin atin lang to ha. Huwag niyong sabihin sa iba. Kayong dalawa lang may alam. Mahirap na baka sabihin desperada ako." paalala ko sa kanila. Daldal pa naman ng mga 'to. Baka bukas alam na ng lahat.
"No worries Doc! Maasahan mo kami." Kinilig pa ang isa halatang excited. Ano nalang kaya reaction nila pag sabihan ko sila na pricey ang app na yon.
"Mag ipon na,mahal yon na app. Ewan ko bakit.
Natapos din ang duty ko ng tumawag si Mommy. Namiss ko na ito.
"Hi mom!"
[Kc anak, uwi ka dito sa bahay pag off mo ha. How are you?]
"I'm okay mom. Busy lang sa work. I miss you. Dalawin ko kayo ni Daddy pag okay schedule ko."
[Okay sige. Ingat ka palagi. I love you.]
"I love you too mom, I will." huling sabi ko dito.
Mabilis na naman natapos ang duty ko. Kapagod pero carry lang. Minsan nakakaboring din kong same routine na lang always. Maybe I need some vacation Yayain ko kaya si CL or makipagkita na kaya ako kay Golem. Nawala na rin kasi sa isip ko na magkita kami.
Bigla naman tumunog ang akin phone ng tingnan ko si Golem tumatawag. Sinagot ko ito.
"Hi hon! I'm so tired." bungad ko rito.
[Hi baby, you better rest early. Where are you?]
"Kauwi ko lang sa condo, why?"
[I want you baby... But I know your tired] his raspy voice again. Kaboses niya talaga si Doc Allen. Kaya hindi ko talaga maiwasan na pagpantasyahan si Doc. Kung alam lang nito
" Will have it now?"
[No, wala ako sa bahay. Nasa bahay ako ng friend ko. Try ko mamaya pag makauwi ako ng maaga.]
"Sinong friend? Hindi girl?" malungkot kong tanong dito.
[Of course not baby... All boys kami dito. I'll send a picture later . You rest early.]
"Okay, kaw din ha. Drink moderately." narinig kong tumawa naman ito sa kabilang linya.
We've been like this for a couple of months now. Halos mag one year na rin kami. Sobrang bilis ng panahon ng hindi mo namamalayan.
[ Okay I will. Rest now. I'll end the call.]
"Okay by hon..." paalam ko rito.
Pagka end ko ng call ni Golem nakita ko naman ang kuya ko na tumatawag May emergency kaya sa amin? Kausap ko pa lang si Mom kanina ah.
Kuya Steven calling...
Sinagot ko ito. "Yes Kuya?"
[Princess, how are you?]
"I'm okay kuya, ikaw? May problema?" tanong ko dito na may bahid na pag aalala. Hindi kasi ito basta bastang tumatawag. Unless may problema.
[ I want to talk to you. Can we meet?] Kinakabahanan na sumang ayon ako rito.
"Okay tomorrow lunch time, is it okay?"
[Sure, ikaw ang bahala sa time. We can't discuss it here, mas maganda kong personal.]
"What is it kuya? Kinakabahan naman ako sayo."
[ Don't worry, it's not about our family. Basta bukas okay? I have a meeting in a minute. Bye Princess.]
Ano kaya ang importanteng sasabihin ni kuya?Mahihirapan ata akong makatulog nito. Laman ng isip ko ang pag nanais malaman ang sasabihin niya. Gusto kong hilain ang oras para naman umaga na.
Sana everything will be okay...