*** Kc Pagkatapos malaman ni Allen na ako ang eye donor niya hindi ko na ito nakikita pa. Noong araw na 'yon akala ko kukomprontahin niya ako. Ngunit walang may naganap na komprontasyon. Tahimik lang ito hanggang sa maihatid ako sa aking condo. Nagpaalam ito na mabubusy at may aasikasuhin. Hinayaan ko na lang din ito. Siguro para makapag-isip siya ng mabuti. Akala ko tama ang naging desisyon kung hayaan na lang siya. It's been three months already after that happened. Months had passed ngunit walang Allen na nagpaparamdam. Gusto kong puntahan ang kaniyang clinic para itanong sa secretary niya kung nasaan ito. Nahiya naman ako baka sabihin ako ang girlfriend pero hindi ko alam. Mas nakakahiya. Kaya wala akong nagawa kong hindi hi

