(Kerwyn Leford POV) Lahat ginawa ko para lang matalo si Stan. Alam kong di siya ganun kadaling talunin. Hindi niya naman talaga sineryoso ang laban kaya natalo ko siya. Alam niya kasi kahit matalo ko siya, sakanya parin susunod si Lynn at hindi naman talaga gusto ni Lynn na kasama ako. Pero atleast makakalapit na ako sa kanya kahit kailan ko gusto. "Kumusta? "Bati ni Ian. Kasama niya si Jervis at Feline. "Walang hiya kayo, bakit tumigil kayo sa kalagitnaan nang laban natin ha? " "Kasi alam namin na mananalo ka parin kahit wala kami. "Ani Ian. "Sa totoo lang, ayaw talaga namin na manalo ka, dahil ayaw naming lumalapit ka pa kay Lynn. Look, walang kwenta ang ipinaglalaban mo! Tandaan mo, kaaway natin ang Stygians at isa si Lynn dun. "Seryosong sabi ni Jervis at lumabas na, sumunod si

