(Zaneah Lynn POV) After 400 years narating ko rin ang Icon room. Hinihingal pa ako. Sabog ang buhok ko at basa ako ng pawis. Tsk sa subrang madali ko naghagdan na naman ako dahil nakalimutan ko na namang may elevator pala. Tangina, patay talaga ako nito kay Kerwyn. Pagpasok ko nang room. Naabutan kong nakasubsub sa mesa si Kerwyn at siya lang magisa. Talagang hinintay niya ako. Bakit pa kasi nauso yang tutorial. Sabagay IC ako, kaya kaylangan kong magsikap para di matanggal sa Icon Class. Siguro nasali lang ako dito dahil kapatid ako ni Stan. Nilapitan ko ang natutulog na si Kerwyn. Lumuhod ako at pinatong ang mukha sa mesa kaharap niya. Hayy, ang cute niya habang nakapikit. Ang mahahabang pilik mata niya. Ang labi na medyo nakabuka ng konti, ang buhok niya na napakakintab lal

