CHAPTER 1- *QUITE A HERO*
(Zaneah Althea pov)
Step, sugod, saksak, ilag!
"Damn! Di ko parin makuha ang bagong turo mo Clai. I can't do it right. "Sabi ko, sumandal sa pader at pumikit.
"Ok lang yan, alam kong di mo pa seneseryoso kasi pagsasanay lang naman to. Alam ko pagtotoong labanan na matutoto ka rin. "Sabi ni Clai at umupo sa tabi ko.
I sigh.
"Hope so, salamat ha."
"Wala yun. Basta para sayo at sa Stygians." Aniya pinaikot sa kamay ang isang kutsilyo.
"Nga pala aalis ako may bibilhin lang ako para sa school. "Paalam ko kay Clai at naglakad na papalayo.
Di ko na siya narinig na magsalita pa. I admired him so much since then. Noong unang dating niya palang sa bahay, dahil siya ang napiling assistant ni kuya Stan. 18 pa siya nun, ngayon 20 na kasing edad ni Kuya Stan. Napakaswerte ko dahil si Clarence ang trainor ko.
Pagdating sa Lia's(Lia's Sweet and Beverage) pumila na agad ako. Maaga pa at masarap ang kape ng Lia's kaya dito ako palagi nagkakape magisa.
Ako kasi yung babaeng matakutin pero di lang halata. Mababa masyado ang self esteem ko. Ayaw kong tinitingnan at pinapansin ako ng mga tao. Gusto ko yung parang hangin lang ako dahil pag may tumingin saakin parang feeling ko ang sama ng iniisip nila tungkol saakin.
Sabi nila maganda daw ako pero feeling ko hindi talaga ee. Kaya pag sinasabihan akong maganda nahihiya ako. I doubted it.
Napatingin ako sa gwapong lalaki sa tabi ko. Nakapila siya sa tabi ko. Hiwalay kasi ang pila ng babae sa lalaki.
Tinitigan ko siya. Mukhang confident siya sa sarili niya, kasi gwapo siya at matangkad. Mukha nga lang siyang suplado at pikonin. Mabango siya at makinis, medyo may kaputian. Inshort napakagwapo niya. Sana maging ako, siya. Kaya lang babae ako.
This man is really jaw dropping. He is so handsome. This person is so pretty.
Well.Physical apperance will modify or lets say goodlooks won't lasts forever, but I think he is so cool too not only goodlooking. Maybe like me he don't have friends too dahil wala siyang kasama.
Nagulat ako nang nilingon niya ako. Oh nooooo. Nagtama ang tingin namin. Ang ganda ng mga mata niya.
I turned my sight away. Nahuli niya ang tingin ko. s**t!
He saw me, damn sana di ko na lang siya tinitigan.
Dahan dahan ko siyang nilingon. Nagabot uli ang mga mata namin.
Oh no, help me. Natatakot ako. Anung gagawin ko? Sa gilid ng mga mata ko pansin ko ang titig niya.
Ok, tatakbo na lang ako. Forget about the coffee.
Naglakad na ako ng mabilis paalis. Lumingon ako at nakita ko si pretty man na nakasunod. Tumakbo na ako. Lumingon ako ulit nananakbo din siya habol ako.
Ok ok chill. Tumigil ako at tumayo sa may tabi ng bench. Nilapitan niya ako at nakatitig parin siya pero di nagsasalita. Damn, nanginginig na ang tuhod ko.
Piniga ko nalang ang kamay ko. Ayaw lumabas ng boses ko, sana humingi nalang ako ng tawad sakanya dahil tinitigan ko siya.
He won't stop looking at me, is he a p*****t? Mukhang hindi naman. He doesn't seem that way.
Bahala na, takbo uli Zaneah. Nanginginig talaga ako.
Paglingon ko. Patay na, hinahabol niya parin ako.
May nagawa ba akong masama? Bakit niya ako hinahabol? Sinikipan ko ang ponytail ko at tumakbo ng mabilis.
Naramdaman kong may humila saakin sa likod at kinorner ako sa pader.
Kinulong niya ako sa dalawang braso niya habang nakadikit ako sa pader.
Naiiyak na ako.
Siguro holdaper to. Tama, bigyan ko siya ng pera.
"Here, lahat ng pera ko na yan. Di ko dala ang cellphone ko kaya pera na lang. "Kako.
Tinitigan lang niya ako.
"You scared me sisigaw ako! "
Kinuha niya ang mga kamay niya na nakaharang pero nakatingin parin siya. Di ko alam kung bakit nagiinit ang mukha ko.
Mukhang may dinukot siya sa likod niya. Nako babarilin niya ba ako?
"My number. "He said abot ang isang maliit na card at umalis na.
Waaaah ang ganda ng boses niya.
Hingang malalim.
...............
Umuwi na ako sa bahay. Pagkatapos maligo at kumain nagpasya akong ipagpatuloy ang pagiinsayo kahit wala si Clai. Siguro kasama na naman yun ni Dad.
Hindi rin naalis ang mukha nung lalaki sa Lia's kanina. Whaaaa saan ko kaya nilagay yung card na bigay niya?
"Zan, hanap ka ni Kuya. "Tawag ni Roden saakin.
Anu kayang ipapagawa na naman ni kuya?
"Oh sige, saan siya? pupuntahan ko. "
"Nasa terrace siya. "
"Thanks Roden. "
Naglakad na ako papunta sa terrace. Nadatnan ko si kuya nagbabasa ng magazine. Katulad ni Kuya Stan matangkad din ang lalaki kanina at maganda ang katawan.
"Stan what is it? "
"Zan, gusto ko sanang kumuha ka ng impormation about Del Feros, well most important are their clients' list. I need them badly. "He said bigay ng mga pictures ng bahay yata ng mga Del Fero.
Matagal ng kalaban namin ang Del Feros. Dahil sa mga Dad namin. Si Dad at si Mr. Del Fero noon ay magkapartner not until nilaglag ni Mr. Del Fero si Dad kaya na tanggal sa companya, pinatanggal si Dad ng board. Dahil sa experience at galing nagtayo ng sariling negosyo si Dad at patuloy na lumalago hanggang si Kuya na ang nagpapatakbo sa ngayon at lalo pa nung naging Rubicund lord ang isa sa mga anak ni Mr. Del Fero.
Ang Rubicunds at Stygians ay mortal magkalaban sa lahat ng bagay.
"Sige. "Kako.
"Kailangan mo ba ng kasama? "
"Wag na, pagdi ako nakabalik, patay na ako. "Tawang sabi ko.
"Yan ang wag mong hahayaan dahil, papatayin ko ang buong lahi ng Del Fero. "
"Biro lang Stan, ako pa ba. "
Niyakap ako at kiniliti ni Stan, baliw.
"Ang cute cute mo talaga. "Sabi niya kurot ang gilid ko.
"Naaah bitawan mo nga ako, may pasok ka pa diba? "
"Hintayin kita. Nga pala dito mo esave. "Sabi ni Stan bigay ang USB.
"Wag mo na ako hintayin, after ko makuha papasok na rin ako. "Sabi ko kuha ang USB.
"Maaasahan ka talaga. "
"Anu ba di ko pa nga nakuha ee. "
"Alam ko namang makukuha mo yun. "
"Arghh alis na ako. And don't hope too much or you'll be disapointed. "Sabi ko at naglakad na.
"I know right. But I trust you baby girl. "
Si gago baby girl talaga? Anu ako gumagapang pa.
Wala na akong mahihiling,sa aming apat na magkakapatid, si Sharian Roden , si Kezen Aslani, ako, si Stan Elthen ang kapatid naming lalaki. Nagiisa pero nasa kanya na ang lahat. Mabait na kuya at gwapo pa,matapang,matalino at diyos ng Stygians.
................
Pagdating sa bahay ng mga Del Fero. Di ako nahirapang pasukin. Hinanap ko agad ang office sa loob ng bahay. Kompleto kasi ang skecth na binigay ni Kuya Stan tungkol sa bahay, haha siguro sa nagdesign ng bahay galing ang sketch.
Ang ginawa ko. Pinasa ko lahat sa email ko ang client's name, para pagnahuli ako at agawin ang USB, success parin.
Busy ako kapindot sa computer ng biglang may yumakap saakin ng mahigpit at wala pang isang minuto natali niya na ang mga kamay ko.
Sa pagpupumiglas ko na tanggal ang ponytail ko. Which is heplful para di masyadong makita ang mukha ko.
Matangkad siya at gwapo,parang may kahawig siya kahawig siya ng lalaki kanina sa Lia's? Oo yung humabol saakin.
"A girl data thief huh? "Sabi nito at umupo sa harap ko.
Nagulat ako nung pilit niyang hawiin ang buhok ko.
Tumalikod ako at nagpupumiglas, ramdam kong nakalmot ko siya.
Maya maya pa may pumasok na isa pa. At
At
At
Siya yung gwapong lalaki kanina sa Lia's. Kaano ano niya ang mga Del Fero?
Nakikinig lang ako habang naguusap sila.
Pilit akong halikan ni Denforth daw. Pero pinigilan ito ni pretty man.
Maya pa umalis na si Denforth.Pinakawalan na ako ni Pretty man. Gusto ko mang magpasalamat kay pretty man, di ko magawa dahil palagay ko isa siyang Del Fero.
Pero pagdi siya dumating nagawan na ako ng masama ng Denforth na yun. Kinuha ni Denforth ang USB. Haha utakan niya pa ako.
Pero bakit si Pretty man nasa puder ng Del Fero at kuya ang tawag niya kay Denforth.
But I'm still saved. He saved me. He is quite a hero. My Hero.
=>
So guys part 1 palang to, surely maraming mangyayari sa susunod. Mas maintindihan mo ang kwentong to kung modern teen ager ka na astig at mahilig sa kilig, sa gangsters at badboys,at sa mga labanan. Siguradong makakarelate ka dito, maiyak at mainlove. This story is worth reading at maganda to base sa mga comment nito, sa kung saan ko ito unang pinost kaya, magugustuhan niyo to habang sinusubaybayan.
Add niyo na sa library para makapagcomment at vote kahit offline.
Thankyou sa may planong sumuporta sa kwentong to! Vote and comments matters.
Heart and Share niyo for faster updates.