I'm hopelessly addicted to you
But you never felt the same- Darren Espanto
*Jhoanne*
Busy ako sa pag-aarranged nang mga bulaklak nang bigla akong tinawag nang isa sa mga staff ko sinabi nito na may bisita nanaman ako. Napailing naman ako at inisip na baka si Lance na naman ito ang dami pa nitong pakulo. Nalaman ko rin kasing aalis na ito kaya sinusulit niya raw yung bakasyon niya kasama ako.
Pumunta naman na ako sa vistiors area dahil ayaw kong paghintayin na ito nang matagal. Nagulat naman ako dahil sa hindi inaasahan na bisitang dumating.
"Hi! Sorry uli sa abala." Nahihiyang sabi nito. Ngumiti naman ako kay Janine na siyang naghahanap pala saakin.
"Okay lang, Anong atin? May maitutulong ba ako?" hindi ko alam kung paano ito kakausapin dahil mukhang sopistikadang tignan siya, yung babaeng mahihiya kang lapitan dahil parang wala sa kalingkinan niya.
"Yes, nasabi kasi saakin ni Clark na may flower shop ka. Kaya naisip ko na dito na lang mag-order nang mga flowers para sa malaking event. okay lang ba?"
"Oo naman, walang problema.. Anong event ba yan?"
"Wedding. Actually, it's for my wedding." Nahihiyang sabi pa nito.
"Ow.. congratulation. Walang problema ako nang bahala. Dito ka na mag-order. Ano bang gusto mong mga flowers?"
"Thank you, gusto ko sana roses. Pero gusto ko blue sana ang kulay niya kasi yun ang motif ko royal blue. Can you make that happen?" nag-aalalang sabi niya.
"Oo naman, madali lang yan. Wala ka na bang gustong flower."
"Wala na yun lang." isinulat ko naman yung mga sinabi niya. Nagbigay rin ako nang konting suggestion. Bali 1month na lang pala ang preparation niya at masyado na siyang naghahabol. Busy pa daw kasi yung partner niya at inaayos yung mga kailangang ayusin para masamahang magprepare pero sa ngayon siya muna ang mag-isang gumagalaw para may matapos sila meron naman silang wedding planner kaso ang dami niya rin alibi kaya gusto niyang palitan na ito.
"Kung gusto mo may irerecommend akong kaibigan, event organizer siya."
"Ahm sige sasabihan ko muna yung fiance ko para may alam siya. Kasi kung tutuusin kaibigan kasi niya yung kinuha kaya nahihiya naman ako kung papalitan ko siya nang ganun-ganun kahit asar na ako sa babaeng yun." Napatango naman ako pero may nabuo lang sa imaginasyon ko siguro kaya ganun baka may hidden disire siya sa fiance ni Janine.
"Sige, tawagan mo na lang ako. Kung may kailangan ka pa you can also asked me. Close na rin naman tayo hindi ba?" I just want to lighten up her mood dahil mukhang na stress na nga siya.
"Thank you talaga Jho, Don't worry kahit wala pa yung invatation invited ka na. Sayang nga lang kung maaga kitang nakilala rin ikaw ang gusto kong maging maid of honor. Pero I have a sister kasi kaya gusto sumunod sa tradition. Pero sabi mo nga close na tayo pwedeng gawin na lang kitang isa sa mga brides maid ko?"
"Ay may ganun na agad. Hahahahahaha. Sige ba walang problema. Yung totoo gusto mo rin nang discount. Hahahaha." Pagbibiro ko at walang yang babae rin hindi inayawan, nakakatuwa siyang kausap namiss ko tuloy bigla yung mga kaibigan ko.
"Thank you, you made my day . Akala ko wala nang magandang mangyayari sa akin ngayon. Buti na lang at sinabi ni Clark na pumunta ako dito. Hindi sa pangingialam ha, pero kasi na curious lang ako totoo ba yung kumalat na chismis na naging kayo?" bigla naman akong natahimik sa sinabi niya. "Ayy,, mukhang private na yun. Okay lang I'll respect your privacy."
"Okay lang actually matagal na rin naman kasi yun pero masasabi kong yes naging kami nang pinsan mo. Pero mga 4th year HS pa kami nun and that's only a puppy love pa noon kaya hindi rin kami nagtagal." Tahimik na sabi ko. Tinignan naman niya ako bago ito magsalita uli.
"Pero wala ka na bang feelings sa kanya?" Makahulugang tanong nito natahimik naman ako dahil doon. I don't know but somehow hindi ko maintindihan ang sarili ko.
"Oh, I guess I already knew the answer." Ngumiti naman siya saakin nang makahulugan bago tumayo. "Thank you again for your time. See you." Nakibeso naman saakin bago umalis. Hindi ko alam kung ano yung nakita niya dahil nalaman niya na yung sagot.
*************************************************************************************
*Steven*
Napatingin naman ako sa kadarating na tao sa Unit ko. Nasa sala ako habang nanunuod at nakita ko namang may dala itong mga rosas deretsyong itong pumunta sa kusina para siguro ilagay yung mga dala niya. Hindi man lang ako napansin at alam niyang nandito ko dahil nanunuod ako. Kahit kailan talaga itong babaeng to.
"Saan ka galing?" tanong ko dito. Nasa kusina pa rin ito habang inaayos ang mga dalang rosas. Para malaman niyang nandito ako. Nakita ko namang tumingin lang siya saakin bago binalik sa ginagawa nito.
"Sa Ex mo." Simpleng tanong niya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Sinong Ex ang sinasab mo?"
"Sino pa di si Jhoanne. Saka siya pa lang naman ang nagiging girlfriend mo duh!"
"Hoy, tumigil ka nga diyan saka hindi ko siya Ex."
"Well sinabi niya lang naman saakin na mag-ex kayo. Pinalabas mo pang sinungaling siya." Ganun na agad silang naging close at sinabi niya na rin ang tungkol saamin alam ko kasi na hindi siya basta-basta nagkwekwento. Kaya masasabi kong naging malapit na nga sila nang pinsan ko. "And guess what.. Kinuha ko siya na isa sa mga bridesmaid ko" nakangiting pang-aasar niyang sabi.
"Oh, Ano naman ngayon." Walang pakialam sabi ko. Nakita ko naman ito ngumisi.
"Mukha ngang wala sakanya yun nang sinabi niyang mag-ex pala kayo. Mukhang nakamove –on agad." Asar pa nito. Bigla namang akong nainis sa sinabi niya. "At alam mo ba mukhang yung nakita natin sa restaurant na kasama niya. Boyfriend niya ata?"
"Hindi niya yun boyfriend!" inis kong sabi. Hindi pwede!
"Paano mo naman nasabi aber? Pero sabagay baka tama ka nga or baka manliligaw nga niya yun." Nanggagalaiti naman na ako sa naisip kung yun. Pumayag siyang magpaligaw doon samantalang saakin halos ipagtulakan niya ako.
"Hoy, kawawa naman yang remote. Patayin mo na nga lang yang TV kung hindi ka rin naunuod halata namang wala ang atensyon mo diyan sa pinapanuod mo." Hindi ko alam na nakalapit na pala ang babaeng ito. Parang gusto ko tuloy sakalin siya dahil sa sinabi niya pero bago ko pa gawin ang naiisip ko padabog kong ibinababa ang remote saka ako umalis patungo sa kwarto ko. Nabadtrip tuloy ako. Narinig ko pang may sinabi si Janine pero hindi ko na siya pinansin. Nakakawalang gana.
**************************************