CHAPTER 15

2263 Words
I might be okay, But I'm not fine at all - T.Swift  Jhoanne Breaking news: Tuluyan na ngang namaalam sa banda ang isa sa sikat na bandang THE FAME na si Clark Steven. Maraming ang nagsasabing dahil kailangan niya ng i-take over ang negosyo nila. Ito na ba umpisa ng pamamaalam nilang lahat? Fans anong masasabi niyo roon? Pinatay ko naman na ang laptop ko pagkatapos kung magbasa sa newsfeeds hot issue ang pag-alis ni Clark sa banda. Speaking of, isang buwan na rin mula ng makita ko siya and 3weeks after saka naman lumabas ang balitang umalis na ito at hanggang ngayon ay ito parin ang pinag-uusapan. "Alam mo hindi ako naniniwalang iyan ang dahilan kung bakit siya umalis." Bigla naman akong nagulat nang may nagsalita sa likuran ko. Papatayin na ba nila ako sa gulat itong mga to. "Wag ka nga nangugulat, Camilla. Buti na lang wala akong sakit sa puso." "Akala ko naramdaman mo na nandito ako." Umupo naman ito sa tabi ko. Narito naman kami ngayon sa shop ko. Ewan ko ba bakit nandito ito out of the blue. "Anyway hindi talaga ako naniniwala na yan ang dahilan kung bakit siya aalis." Alam ko kung sinong tinutukoy nito. "Paano ka naman nakakasiguro?" "Psh. Matagal na niya ng tinake-over yang kompanya nila pero hindi naman yun nakasagabal sa pagtutug niya." Kaya naman balita ko kasi lahat sila may kanya-kanyang negosyo. Maliban kay Maze na nag-aaral tungkol sa negosyo mukhang may balak ring pumasok sa business world. "sa tingin ko, tama yung sinabi saakin ni Maze. Napinanghahawakan niya pa rin yun." "Ang alin?" "Ang manhid mo kasi masyado. Akala ko si Ellese lang pero mas malala ka pala." Tumayo naman na ito. Yun lang bang pinunta ng babae yun para sabihan lang akong manhid. Dati malandi ngayon naman manhid na, ano pang susunod? "Anyway, hindi yan pinunta ko rito. Bibili ako ng 1 bouquet ng tulips mo ibibigay ko kay mama, birthday kasi niya. Invited ka may party mamaya sa bahay." "Bakit hindi mo sinabi agad. Wala tuloy akong gift kay tita. Dagdagan ko na lang ng 2 bouquets ng tulips birthday gift ko na lang." "Okay buti na lang pala dito ako dumeresto agad." "Yung totoo ginamit mo lang talaga yung nanay mo para makalibre ka noh?" biro ko. "Parang ganun na nga. Hahahahahaha ang bait mo talaga kahit kailan Jhoanne sana dumating na yung magiging asawa mo para lalo ka pang maging mabait." "Sira ka talaga kahit kailan. Lumayas ka na nga baka magbagong isip ko ipabayad ko lahat ng yan." "Ito parang hindi kaibigan. Pero thanks pa rin. Punta ka ha.. kompleto mamaya wag kj." "Oo na." "Good, buti na yung nagkakainitindihan." **************** **************** "Nasaan ka na? ikaw na lang hinihintay rito?" "Naghihitay pa lang ng taxi. Baka malate na akong pumunta diyan. Pasenya na." "What! Magtataxi ka? Magstay ka na lang diyan ipapasundo na kita." "Camilla, Okay..." hindi na ako pinatapos nitong magsalita dahil binabaan na niya ako ng phone. 20 mins bago dumating ang susundo saakin binaba nito ang bintana ng sasakyan kaya nakita ko kung sino. "Get in." maikling sabi nito kaya wala naman na akong nagawa dahil alam kung hindi na ako nito pagbubukasan ng pinto. Asa ka naman. "sabi ko naman sakayan na magtataxi na ako." "She's only concerned, kaya hayaan mo na." "Kaya maswerte ka. Sana wag mong sayangin yun." "I know, kadalasan pa naman sa inyong mga babae. Nagkaroon lang kami ng kasalanan masahol pa kayo sa Diyos para hindi magpatawad. Akala mo parang hindi rin kayo nakakagawa ng kasalanan." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Maze para bang may pinapahiwatig siya sa mga sinabi niyang yun. "May gusto ka bang ipahiwatig sa sinabi mo?" "Wala naman, maliban na lang kung natamaan ka sa sinabi ko." Ngisi naman nito habang nagmamaneho. Hindi na lang ako nagsalita pa dahil baka kung ano pang masabi kung hindi maganda. Hanggang sa nakarating kami sa mansyon nila Camilla, nagpasalamat lang ako at nauna nang pumunta sa loob dahil ipapark pa raw niya ang kotse niya. Sinamahan naman ako ng mga kasambahay nila Camilla kung nasan man sila at hindi na ako nahirapan dahil agad ko silang nakita. Tama nga ang sinabi nito dahil kompleto kami ngayon at lalo pa kaming nadagdagan. Including boys and his also here. Inaasahan ko na yun kaya niready ko na ang sarili ko. "Jhoanne, sa wakas nakarating ka rin." -Camilla "Thanks, sa masungit na nagsundo sa aakin halatang labag sa kalooban niyang sumundo." "Don't tell me nag-away pa kayo habang papunta rito." "Hindi naman. Nasaan si Tita siya pinunta ko rito?" "Don't disturb her yet marami pang kumakausap sakanya mamaya mo na lang siya batiin. Kain muna tayo." Tinawag naman nito ang mga nagseserve para bigyan na kami ng pagkain. Tumabi naman na ako kay Ellesse na halatang iniiwasan si Wyn at lahat na sila katabi na ang mga partner nila. "Grabe ha, ang tagal na mula ng makompleto tayong ganito. Kailan kaya uli mangyayari yung ganito."- Era. "Just focus to the present wag mo munang unahan baka lalo hindi na matuloy maging drawing uli. The more na nagplaplano kasi the more na malaki ang chance na hindi matuloy."- Ellesse "Hindi naman ako nagplaplano. Ang gusto kong sabihin kung kailan or ano kayang event uli tayo makukompletong ganito?"- Era, yan na ang istart ng pagsasagutan nila kung walang magsasalita saamin dito silang dalawa lang ang mag aargumento dito. Sa ugali pa naman nilang dalawa hindi nagpapatalo yan lalo na si Era. Hindi yan nagbaba ng pride lalo na kung alam niyang nasa tama siya and also Ellesse. "Enough, girls.. Tinatanong niyo kung anong event mangyayari ang ganitong kompleto uli tayo?" Hays save the bells buti na lang at nagsalita si Gette. Nakita ko namang ngumisi ito kaya alam kung may masamang balak. Ano naman kayang naiisip nitong babaeng to siguraduhin niya lang maganda yun. "Syempre, kapag kinasal si Jhoanne." Simpleng sabi nito mukha namang hindi pa nagdidigest sa utak ng mga kasama namin ang sinabi niya. Minsan talaga hindi nito nilulugar ang sinasabi niya. "Tsk, syempre for sure makokompleto tayo nun.. Pero satingin ko mauuna muna kayong ikasal saakin." Bakit ba yan ang naging topic hindi ako sanay parang kaninang umaga si Camilla tungkol sa pag-aasawa ngayon naman si Gette na gusto na akong ikasal. Ewan ko ba sa mga babaeng to. "Malay mo naman ikaw ang mauna. Who knows? Baka may mga nagplaplano diyan."- sigunda naman ni Ellesse, narinig naman naming napaubo si Clark kaya napatingin sakanya lahat. "What? Wag niyo akong tignan na para bang may gusto pa ako diyan sa kaibigan niyo." For some reason para akong hindi na naman makahinga ewan ko. Para bang naapektohan ako sa sinabi niya. Lahat naman biglang tumahimik dahil sa hindi inaasaahang sinabi ni Clark. Dati kasi nakikisama ito sa mga biro ng mga kaibigan ko pero ngayon ang hindi nila inaasahan. Wala silang alam sa napag-usapan namin. "Mukhang nauntog na sa katotohanan si Clark."- pagpaparinig naman ni Maze na siyang kararating lang. Alam kung ako ang pinapatamaan niya pero hindi na lang ako nagreact. "Alright nandito na ang foods. Why so serious guys hindi kayo madaan sa biro."- Pagkatapos sabihin ni Camilla yun wala na ulit nagtangka pang magsalita. Nag-uusap lang pero halatang pili na ang mga sasabihin. "Mukhang may hindi pa kami alam." Biglang bulong naman ni Ellesse na katabi ko. "Ano naman yun?" PAtay malisya na sabi ko. "Here's the denial queen again." SAbi lang nito at hindi na ako pinansin. Maya-maya pa'y tumayo si Clark mukhang may importanteng tawag. Hindi ko na lang pinansi baka ano pang sabihin. "Weird, Did you see that? Hindi naman ganun si Clark lalo na kung may katawagan. Pagmagkakasama tayong lahat, dito pa mismo niya sinasagot unless mukhang ayaw niyang ipaalam yung katawagan niya ngayon. I smell something." – Napansin rin pala yun ni Era. "Clark is currently dating someone. I saw him one time."- biglang nagsalita naman si Sage na once in a blue moon magsalita ewan ko ba kung anong nakita ni Era sakanya opposite silang dalawa. "Talaga? Buti at hindi naibalita." –Era "Ma naman, syempre nakadisguise siya. Alam namin yung mga sinusuot nun pagnag-disguise kaya madali na lang naming ma-recognize. Saka kahit umalis na yun sa banda hindi pa rin maalis na popular pa rin lalo pa't kaalis palang niya kaya naghahanap pa rin ang media kung anong tunay na rason niya." "Really? Maganda ba yung girl?"- Ellesse "Tsk, bakit ba ang hilig niyong magkumpara? Tapos pag nalaman niyo hahanap kayo ng malalait sakanila."- Hindi nakatiis na sabi ni Wyn. "Bakit? Ganun rin naman kayo. Wag mong sasabihin babae lang ang gumagawa nun. Parang gusto lang naming malaman."- Inis namang sabi ni Ellesse. "She looks simple. Like Jhoanne wala ring kaarte-arte."- Si Zephyr na ang nagsalita. "You see them also?" "Yeah." "Bakit hindi mo sinabi saakin."- Gette mukhang nagtatampo. "What? You seem like your more affected." "Bakit ba, kaibigan rin namin si Clark gusto rin namin malaman. Tignan mo tuloy yung nangyari kanina hindi kami aware kaya naging ackward tuloy." Hindi nagtagal ay dumating rin si Clark at para bang walang nangyari sa mga kasama ko kanya-kanya uli ng topic. "Did I missed something?"- Turan ni Clark. "Binack Fight ka namin." Sarcastic na sabi ni Era, tumawa naman ito akala siguro nagjojoke lang siya kaya nakitawa rin yung iba. Naramdaman ko namang may nagvivibrate sa bag ko kaya tinignan ko ito. Unknown number? Sasagutin ko ba? Hindi ko naman ugaling magsagot ng tawag na hindi ko kilala. "Sagutin mo na baka importante yan. Kakaunti lang ang nakakaalam ng number mo masyadong nag-effort yang caller na yan. Kaya sagutin mo na." Inirapan ko naman si Ellesse masyado usi na babae usisera. "Hello, Jhoanne Speaking." "Masyado namang formal tayo." Napakunot naman ang noo ko dahil sa caller iniisip kung saan ko na rinig ang boses na yun. "Mukhang nakalimot ka na ata Jhoanne." Unti-unti namang nagregister kung sinong kausap ko. "Seth,," medyo napalakas na sabi ko kaya napatingin lahat ng kaibigan ko nagbigay sila ng makahulugang tanong sa mga mukha nila. Humingi naman ako ng pasensya sakanila at tumayo para hindi nila marinig ang pag-uusapan namin. Pero may pumigil saakin na tumayo at nakita roon si Ellesse na nakataas ang kilay na waring sinasabing, dito mo sabihin ang gusto mong sabihin kung wala kang tinatago. Kaya huminga na lang ako ng malalim dahil alam kung hindi nila ako paalisin at inirapan ito. "Napatawag ka.. paano mo pala nakuha ang number ko?" Mahinang sabi ko pero alam kong naririnig nila dahil tahimik lang silang kumakain at walang nagsasalita buti na lang hindi naka loud speaker. "You know there's a lot of ways if you want something or someone. Right?" napataas naman ang kilay dahil sa sinabi nito. "O-kay so hindi ka tumawag kung wala lang hindi ba?" "grabe ka naman parang sinasabi mo doon na kaya ako tumawag dahil may kailangan ako.Nakakasakit ka ah." Natatawa tuloy ako dahil naiimagine ko kung paano ang reaction pero pinipigilan ko lang dahil maraming matang nakatingin saakin kaso mukhang hindi nakaligtas. "Mukhang ganun na nga. Bakit hindi ba? Yun lang yung naiisip kong dahilan pero ano nga kung hindi yun?" "Yayain sana kitang lumabas ngayon. Busy ka ba?" "Yayain mo ako nang ganitong oras?" "Bakit hindi ba pwede?" "Ahm nandito kasi ako sa bahay ng kaibigan ko.. Mag-oover night kami rito kaya mukhang impossible yang sinasabi mo." "Sige maybe next time." "O sige pero.." "Yes! Bawal na... Hindi ka na pwedeng tumangi sige see you. Enjoy your night." "Wait.." psh binabaan ako ng lalaking yun. Sasabihin ko sanang magyaya siya wag lang gabi. Tinago ko naman ang phone ko sa bag at kung nakakamatay lang ang pagtitig ilang beses na akong namatay dahil halos lahat sila nakatingin ng masama. Ewan ko lang boys dahil mukhang natural na yung tingin nilang ganyan. "Anong tingin yan aber?" "Tingin na trinaydor?"- Era "Tingin na marami kang dapat sabihin?"-Ellesse "Tingin na maraming nilihim?" -Camilla "Well ganito lang akong tumingin."- Gette "So.. Ano? Magsasalita ka o magsasalita?" "Ano namang sasabihin ko." "Sino si Seth aber?"- Camilla "Yah I wonder kung sino siya dahil mukha kang masaya habang kausap mo siya hindi ka aware na nandito kami." – Gette, Ano ba namang pinagsasabi ng mga ito. "Bakit parang feeling ko may ginawa akong malaking kasalanan sainyo. Normal lang naman yun hindi ba?" "Yah, Pero nakakapanibago lang."- Camilla "Tama si Jhoanne. Wag na lang tayong makialam for sure naman magsasabi naman yan kapag handa na siya. As long as may nagpapasaya sakanya ngayon."- Era. Wow sakanya na mismo nanggaling huh. "Okay, we trust you. Dahil sinabi mo na ring magsleep-over tayo bakit hindi na lang natin tutuhanin. Hindi ba Carms.?"- Ellesse "Okay lang, tutal aalis naman sila Mommy ngayon papuntang Cebu." – Camilla "So paano ba yan walang Kj ngayon."- Ellesse, wala naman na akong nagawa dahil ako may kasalanan nito kaya hindi pwedeng ako ang unang babali. Ilang oras kaming nagkwentuhan hanggang sa nagpaalam na ang magulang ni Camilla dahil flight nila ngayong gabi ring ito. Hinatid naman na sila ni Camilla sa labas kaya kami na lang ang naiwan rito wala na ring mga bisita tanging mga nasa catering at mga kasambahay nila Carms. "Ihatid ko muna kayo sa kwarto ninyo." Pagkarating ni Camilla. Sumunod naman kami sakanya. "2 persons per room, Ellesse and Jhoanne kayo sa isang kwarto at Gette and Era sa isang kwarto kayo boys pumili na lang kayo na kasama niyo. Magpalit na kayo tutulong tayo sa paglilinis." Wala naman na kaming nagawa at sinunod ang utos nito dahil siya ang masusunod sa ngayon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD