CHAPTER 1

2152 Words
"Maybe I haven't moved on since that night"- by: Krissy &Erika "HAPPY VALENTINE'S bessy!!!" – Narinig kong sigaw ni Eraizha. Palibhasa lahat sila may kavalentine ngayon. Nagtalukbo naman ako ng kumot ko pero lumapit ito para alisin kaya ang nangyari nakikipag tug-of-war ako. Naiinis ako dahil ayaw niyang magpatalo kaya ang ginawa ko binitawan ko na yung kumot at narinig kong parang may nahulog dahil may kumalabog kaya napaangat agad ako at doon ko nakita si Eraizha nakasalampak sa sahig habang minamasahe ang pwet na natamaan. "Ouch ha!, ang sama mo talaga saakin kahit kailan. F.O na tayo." Nakasimangot sabi nito. "O.A mo. Kasalanan mo rin kasi." Lumapit naman ako sakanya para tulungan siya kaso imbes na kamay ko ang hahawakan nito. Buhok ko ang ginuyod niya. "Aray!!" "Ganti ko yan sayo." Nakangising sabi nito. "Pero infairness ang haba na ng buhok mo. Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagpapagupit. Yung totoo Jho. '' Sabi nito. Inayos ko naman ang buhok ko na ginulo nito. Sa totoo lang hindi ko naman nahaharap magpagupit sa tingin ko naman bagay sa akin hanggang bewang na kasi ito at medyo wavy pa siya. "Sira, Saka na ako magpapagupit pag hindi ako tinamad." Inayos ko naman yung higaan ko dahil wala naman kaming katulong dito merong naglilinis dito pero twice a week lang siyang maglinis. "Duh, parati ka namang tamad. Siya nga pala sa bahay ako uuwi ngayon tapos sila Gette at Camilla may date , si Ellesse busy kaya baka wala kang kasama buong araw dito. Saan mo balak magvalentine?" "Dito, saan pa kaya 3 years na tayong magkakasama dito hindi pa kayo sanay." "Why not try dating someone? may kilala ako o Kaya naman lumabas ka. Hindi naman kita pwedeng isama sa bahay namin dahil alam kung may pasok ka pa bukas." "Nah! It's OK; I'm used to being alone.hahahahaha. Pero totoo okay lang ako dito wag kang mag-alala lalabas na lang ako pag hindi ako tinamad." "Yah right." Bored na sabi nito. "Sige Bye, bilhan na lang kita ng pasalubong." "Yan ang pinakamagandang sinabi mo ngayon." Nakangiting sabi ko kaya inirapan naman ako nito. "Oo pero next week ko pa maibibigay duh!" napasimangot naman ako. *************** Nagtry akong icontact lahat ng kilala ko kung busy sila ngayon pero wala man lang hindi busy sakanila kahit sila Gette at Camilla pati ang pinsan ko. Pati rin pala sila Tita at tito may date ngayon haist so ako lang talaga ang hindi busy sa araw na ito bakit kasi natapat pa na day off ko ngayon kaasar ha! Pumunta naman ako ng kusina at nagluto ng pwedeng kainin maglulunch na pero ang niluto popcorn at kumuha ang ibang food sa cabinet at drinks ko na rin mag momovie marathon akong mag-isa. Nilapag ko naman ang mga pagkain ko sa table dito sa sala. Binuksan ko na rin ang tv tapos sinarado ang mga kurtina buti na lang at mayroon yung makapal na dark na kurtina kaya dumilim tuloy wahahahaha. Sinaksak ko naman na ang hard drive ni Gette marami kasi siyang dinawload na movie lalo na ang horror doon kami nagkakasundo na dalawa yung tatlo hindi mo sila mapapanuod ng mag-isa yung mga yun. Pinatay ko na rin ang ilaw para mas intense. Nasa kalagitnaan ako nang panunuod ng biglang may nagdoorbell bigla tuloy akong nagulat. Kainis yun na oh!. Tumayo naman ako baka yan yung pinadeliver kong pizza. napatigil naman ako ng hindi pala delivery ang nadatnan ko kung hindi, ang hindi inaasahang bisita. "Anong ginagawa mo dito?" nakakunot na tanong ko nang makilala ang nagdoorbell kanina. "Hindi mo ba ako papasukin?" balik tanong naman nito. "Hindi ka welcome dito kaya umalis ka na, saka may ginagawa ako ngayon." "Talaga, Alam ko kasi wala kang gagawin ngayong araw na ito." Bigla naman pumasok nang hindi nagpapaalam kaya wala na akong nagawa mas malakas kasi siya keysa saakin. "Ano bang kailangan mo? Kung hinahanap mo sila dito pwes wala sila kaya makakaalis ka na busy ako." "Itong pinagkakabusihan mo? Nanunuod ka lang naman.. pakain ako." Inirapan ko naman siya dahil kinuha niya yung bowl na may lamang popcorn at busing nakatutok sa horror movie. Bigla uli may nagdoorbell kaya nawala na yung atensyon ko sakanya. Kinuha ko naman na yung pinadeliver kong pizza. Pagbalik ko sa sala nakita kong umiinom si Steven kaya bigla akong napasigaw. "Ano ba! Nang gugulat ka naman muntik na akong mabulunan." Nakakunot ito na nakatingin. "Bakit kasi diyan ka umiinom. Hindi naman sayo yan." Turo ko sa baso napinag-inuman niya. "Bakit ba, wala naman nang ibang baso na nakalagay dito." "Tse!! Umalis ka na nga wala ka namang gagawin dito. Nakakaistorbo ka." "Hindi ako mag-iistorbo makikinuod lang ako." Inirapan ko naman siya at umupo sa kabilankg side ng sofa. Nakatutok lang ako habang kumakain ng pizza hindi ko na lang siya pinapansin dahil wala naman akong sasabihin pa sakanya. Saka kung makikipagtalo pa ako wala ring mangyayari dahil matigas rin ang ulo niya. Nasa kalagitnaan kami ng panunuod ng magsalita si Steven. "Dati, takot na takot kang manuod nang mga ganito ngayon na conquer mo yung takot mo."  "Yun lang bang pinunta mo dito?" Seryosong tanong ko sakanya. Dahil sa totoo lang ayaw ko nandito siya hindi ko alam parang kumukulo yung dugo ko tuwing nandito siya hinahayaan ko lang siya pagnandito ang mga kaibigan ko at kaibigan niya dahil baka kung ano pang masabi ko. Naiinis ako tuwing tinutokso nila kaming dalawa saka kakantahan ng Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Hindi na lang ako nagsasalita. "Dahil sa totoo lang ayaw kitang nandito." Deretsyong sabi ko hindi ko alam pero nakita ko sa mga mata niya na para siyang nasaktan parang nakita ko dati nang sinasabi kong break na kami. Pero bakit naman siya masasaktan sa katunayan yun pa nga ang balak niya nun. Siguro na apakan ko nun yung ego niya dahil ako na ang nakipagbreak sakanya. Tama yun nga. "Gusto kitang Makita kaya pumunta ako dito. Narinig kong kausap mo si Camilla sa phone at sinabi mong wala kang kasama ngayon kaya pumunta ako ngayon." Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ang unang kong ginawa tumayo at pumunta sa kwarto ko. Para akong nasosuffocate hindi ako makahinga. Kung siguro nung dati pagsinabihan niya ako na gusto niya akong makita kinikilig ako pero ngayon ilang beses niya nang sinabi saakin na gusto parati niya ako makita pero naasar ako dahil mamaalala ko na naman yung ginawa niya. *************** Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa kwarto ko napatiningin naman ako sa relo sa gilid ng mesa ko at 7:30 na pala ng gabi. Kaya lumabas ako nakalimutan ko palang may bisita dito kanina kung hindi ko lang narinig yung tv sa sala kaya pumunta ako para sana pauwiin na siya pero nadatnan kung nakahiga ito sa sofa at nakapikit kaya nilapitan ko kung tulog ba talaga. Nang malamang tulog talaga siya pinatay ko na lang yung tv. Hindi ko alam pero parang nahiya naman akong gisingin siya dahil mukhang pagod na pagod ito. Pagkatapos kung niligpit lahat ng pinagkainan kanina naglinis naman ako sa sala dahil may mga nahulog ng mga popcorn doon. Habang naglilinis ako biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako kung sinonng dumating. "Hi! Kumain ka na? Inuwian kita ng pagkain. Wag kang mag-alala hindi tira yan hahahahaha. " Sabi ni Gette kasama nito si Zephyr. " Ow! May kasama ka pala." Napatingin ito sa nakahingang si Steven. "Bakit nandito yan?" tanong naman ni Zephyr na nakakunot ang noo. "Ha? Hindi ko rin alam." Alangan naman sasabihin kung gusto niya akong makita. Lalo tuloy kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Gusto mo gisingin ko na para makasabay mong umuwi?" "Hindi, wag na... hayaan mo na baka napagod yan sa biyahe niya. Sinabi naming magpahinga na lang siya pagkarating na pagkarating niya." "Saan ba siya pumunta?' Tanong ni Gette. Hindi naman sa nag-aalala pero na curious lang ako kung saan siya nagpunta at dito pa talaga dumeresto. "Galing siyang Spain. Namatay kasi ang lola niya kaya pinapunta siya doon." Kaya pala hindi ko na siya madalas makita dito pag napupunta ang mga kaibigan niya. Akala ko natauhan na rin. "I'll go a head , pag nagising niyan saka mo pauwiin." Tumango naman ako. "Hoy! Halika na alam kung hindi ka pa kumain. Dahil tamad kang magluto ng pagkain mo." Inirapan ko naman siya at sumunod. "Buti na lang marami itong binili ko sayo paghindi mo naubos i-ref mo na lang. Siya nga pala hindi uuwi sila Carmella at Ellesse dito at ako matutulog na ako, kaya ikaw ng bahala dito at sa bisita mo." Pagkatapos ko naman hindi ako dalawin ng atok kaya naisipan kung mag-internet na lang kinuha ko laptop. Naiisipan kung sa sala na lang baka kasi magising yung bisita hindi ko alam baka umalis agad. Hindi pa naman marunong magpaalam. Haha bitter lang. hindi no pero totoo naman kasi. "huh. Bakit ang dami ko na agad followers?" Haist! Iba na talaga ang sikat hahahahaha. Chos, lang. Pero dati kilalang ako dahil boyfriend ko Steven pero ngayon nakilala ako dahil yun sa sariling sikap ko. Ang dami ring notifications at messages mga naggreet ng valentines tapos yung iba niyaya ako. Hindi ko naman kilala. Akala ko nga wala nang mga makakapansin saamin dahil isang taon naman na kaming wala sa management ng FAME, 2 years lang ang contract namin pinaparerecontract uli nila kami pero yung mga kasama ko ayaw na nila. Dahil may mga sarili kaming mga dahilan pero kasi isa roon na hindi pwedeng may relasyon lalo na kasama mo rin sa industry na yun at yun ang dahilan ni Gette. Si Ellesse naman may ibang pangarap kaming dalawa ni Camilla gusto simple lang talaga tama na yung dalawang taon. Naging masaya naman saamin lalo na doon kami nag-umpisang nagkakilala lahat. Si Era naman gusto pa rin niyang magrecontract dahil gusto niyang tumutog at kumanta pa rin pero okay na sakanya ngayon dahil paminsan minsan nag gig pa rin naman kami. Bigla namang may nagmessage kaya tinignan ko agad. HI! Miss Crush, Happy Valentine's. Musta na. Huh! Sino naman ito? tinignan ko yung profile niya at nagulat kung sino SI LANCE.siya yung nakasama namin sa show dati at naging magpartner pa kami sa music video. OMG! After ilang years buti naalala pa ako nito. 'Ito maganda pa rin. Hahahahaha. Musta na rin ang buhay mo naging kayo na ba?' Hindi ko na siya nakita. Kaya hindi na ako nagkaroon ng chance. 'Ba't hindi mo hinanap? Sayang rin yun' Sinubukan ko pero wala na talaga. 'Condolence sayo. Hanap ka na lang ng iba. Gusto mong ihanapan kita. Hahahahaha.' Bakit maghahanap pa ako ng iba nandiyan ka naman. 'Sira ka talaga kahit kailan' Bakit may boyfriend ka na ba? Kung ganun kailangan ko na pa lang magback out. Hahahaha "Sinong yang kachat mo?" bigla ko namang naisara ang laptop ko ng wala sa oras dahil sa gulat. Feeling ko nahuli ako na may masamang ginagawa. Bakit ko ba ginawa yun wala naman siya pakialam kung sinong kausap or kachat ko. "Wala, aalis ka na ba?" pag-iiba ko nang usapan. "Hindi mo sinagot yung tanong ko." "Wala nga yun, Ano naman sayo kung may kachat ako. Ni hindi nga kita kaibigan." "Nagseselos ako!. Kasi ang ganda ng ngiti mo habang nagkachat mo yan at nerereplayan samantalang kapag ako magrereply ka lang kung itatanong ko sayo yung mga kaibigan ko.Ano masaya ka na." Wala naman akong masabi kahit gusto kong sabihing wala siya karapan na magselos dahil naman kami. I'm feeling uncomfortable.. "Kahit ilang beses akong humingi nang tawad sayo, hindi mo pa rin ako mapapatawad. Pero sabihin mo lang kung handa ka nang makinig sa rason ko dati dahil alam kung kahit sabihin ko ngayon yung rason ko hindi mo maiintindihan dahil sarado yang isip mo at paniniwalaan mo lang yang nararamdaman mo." "Aalis na ako. Maingat ka. Babalik na lang uli ako dito." Hindi ko na siya sinulyapan pa dahil naguguilty ako hindi ko alam kung bakit. "Bes, mukhang sumobra ka na. Be sure to hear him out, baka ito na yung time na magpapaclosure sainyo dahil alam ko kaya hindi mo pa rin siya mapatawad dahil sa galit mo sakanya. Kahit kailan ba hindi sumagi diyan sa isip mo kung bakit kailangan ka niyang iwan or what. Mag-usap kayo sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin na sakanya para kung sakali man na makapa-usap kayo at madesisyon matatangap niyong dalawa ng walang galit sa isa't isa." Lumapit naman si Gette saakin at umupo sa tabi ko. "Sa totoo lang kami yung nahihirapan sainyong dalawa. Gusto niyang lumalapit sayo pero parati kang lumalayo nilalagyan mo na nang boundaries yung sarili mo sakanya. Wag kang matakot nandito lang kami kahit anong mangyari." Binigyan naman niya ako ng tipid na ngiti. Siguro nga kailangan ko kausapin siya para sa ikatatahimik na rin naming dalawa. to be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD