CHAPTER 67: MEETING Rhys's POV Agad na pinabalik ni Zion ang mga kasama naming pinalabas niya. Ngayon ko na-realize, bakit niya ba kailangan pa silang palabasin? Lumipat kami sa hapag kainan para rito mag-usap ng maayos. Kagaya ng dating pwesto ay nasa gilid nila ako at kaharap ko sila. Nasa kaliwa ko sina Zion, Isha, at Gieve habang nasa kanan ko naman sina Cecily at Cush. Nang makaayos na sila sa pagkakaupo ay nagsalita na ako, "Sinabi sa akin ni Zion ang mga natuklasan niya..." Ikinuwento ko lahat ng sinabi niya, at ngayon nasagot ang tanong ko kung bakit pa niya 'ko kinausap ng sarilinan... gusto niyang ako na ang magdesisyon kung dapat ko pa itong ipaalam sa mga kasama namin. Komplikado ang impormasyong sinabi niya, para kasing naninira na kami kung tutuusin dahil wala naman kam

