CHAPTER 87: THE THRONE Pagkatapos ng paunang salita ng Reha ay bumaba na sa hagdan si Rhys at sinimulan na niyang seryosohin ang paghahanap sa mga kaibigan niya. "Rhys, may problema ba?" tanong ni Shioban paglapit niya sa kapatid. Kunot noo siyang nilingon ng dalaga. "Nakita mo ba sila Cecily? 'Diba dapat narito rin sila?" aniya. Nagsimula na ring magpalinga-linga sa paligid ang kapatid niya. "Tama ka, pero hindi ko sila nakita. Pagkatapos kong magbihis ay ikaw agad ang pinuntahan ko. Hindi ko alam kung nagpunta rin sila rito." Muli siyang nilingon ng dalaga. "Hahanapin ko muna sila," aniya. "Mahal na prinsesa!" "Haie!" "Prinsesa Rhys Amara!" Hindi nakalabas ang dalaga nang may humarang na mga tao sa kanyang harapan. Lahat sila ay nakangiti, tila masaya na makita nang malapitan a

