CHAPTER 26: CHORES Rhys's POV "Zel! Sinabi ko na sa 'yong bata ka, kunin mo lahat at lalabhan ko 'yan! Puro ka na naman laro!" Sigawan ng mag-ina ang gumising sa akin sa umaga. Naalala ko tuloy bigla noong bata pa ako, madalas din akong sigawan ni In-ma kapag hindi ko kaagad nasunod ang utos niya. Pagkatapos ng hapunan namin kahapon, agad akong pinagpahinga ng In-ma ni Zion. Binigyan niya ako ng bukod na kwartong aking tutulugan, sabi niya ay kwarto raw ito dati ni Zion noong bata pa siya tapos nu'ng naging binata na siya ay ipinaayos nila ang bahay at ginawa na lang itong guest room. Madami pa raw siyang gustong ikwento sa akin tungkol kay Zion, at ihanda ko raw ang araw ko ngayon dahil bubusugin niya 'ko ng maraming impormasyon tungkol sa anak niya. Tumapat ako sa malaking salamin n

