CHAPTER 20: ATTACK THE PEST Rhys's POV "Siguro naman, bago kayo pumunta rito... may plano kayo, 'diba?" ani Silvia. Hindi na 'ko umimik pa nang ipinaliwanag na sa kanya ni Zion ang plano. Habang nag-uusap sila, sinuri ko ang kumpol ng mga insekto. Para silang mga bubuyog na may pinoprotektahang pulot sa loob pero ang itsura ay gaya sa lamok. Pabilog din ang hugis ng pugad nila, may nakakairitang ugong at nangingitim sila kapag nagsama-sama. Kapag ganyan, hindi na kami mahihirapang sunugin sila dahil hindi naman tatalab sa amin ang mga kagat nila. Madali na lang din patayin ang mga insekto na makakaligtas sa apoy namin, wala na silang pagtataguan na pugad. Ang problema na lang ay kung nasaan ang Reyna ng mga pesteng ito, kung gaya sila ng bubuyog, bakit nila ito hinayaan na lumabas sa

