CHAPTER 75: THE DUO Ang bahagi nina Gieve at Isha ay magbantay sa harapan ng arko ng Nislan. Ayon sa Savenis, mas mabuti kung may maiiwan pa rin dito kung sakali mang may sumalisi sa kanila. Bukod sa narito ang Quina at ang In-ma niya, ayaw din ni Rhys na masira na naman ang mga bahay sa loob ng viyon na pinaghirapan ng lahat na buuin. Pumwesto silang dalawa kasama ang mga residente sa harap ng arko, may ilan ding naiwan sa loob ng viyon bilang tagamasid kung sakaling may palihim pa na pumasok. Nang makilala ni Gieve si Rhys, ang unang tingin niya agad dito ay isang babae na maaring nakabihag sa puso ni Zion kaya itinataya nito ang sarili niyang buhay para sa dalaga. Dahil kahit pa isa itong sinumpang prinsesa, hindi maipagkakaila na may ganda at kutis talaga ito ng isang maguim. Nagin

