CHAPTER 78: THE TRUTH Tahimik na nagtago sina Cecily, Cush, at Amanda sa loob ng bahay. Magtatanong pa sana ang Reha kung anong nangyayari pero hindi na siya hinayaang magsalita ng tatlo. Pumwesto ang tatlo sa tabi ng bintana na madali nilang makikita ang labas. Katabi ni Cush ang pinto, katabi niya si Cecily at nasa dulo naman si Amanda. Habang hindi inaalis ni Cush ang tingin sa paligid ng labas ay tumingin naman si Cecily sa Reha at Quina para senyasan ang mga ito na may tao sa labas. Mabuti na lang mula pa kanina ay hindi sila nagbubukas ng ilaw kaya hindi agad paghihinalaan na may mga tao pa sa bahay, dahil panay patay din ang ilaw ng mga karatig bahay. Maingat na gumapang si Amanda para lapitan ang kaibigang Quina na ngayon ay puno ng pag-alala ang itsura dahil sa nangyayari. Ag

