Chapter 58

2512 Words

CHAPTER 58: CONTROL Rhys's POV Wala naman kami masyadong napag-usapan ni Cecily, lahat ay tungkol lang sa mga nakaraang ginawa niya para mapansin siya ni Cush. Muntik ko na nga siyang asarin na baka kaya naging sila ay naawa na lang ito sa kanya, pero hindi ko 'yon sinabi dahil mas nakakaawa ang kalagayan ko. Hindi namin namalayan na madami na pala kaming napag-usapan at nakalimutan na ang dalawa pa naming kasama. Tinawanan na lang namin sina Cush at Zion nang sila na ang pumunta sa amin para ayain na kumain ng tanghalian. Dala na nila ang mga pagkain, isang tawanan at kulitan na naman ang nangyari sa tuktok ng talampas na iyon. Halos mawala na sa isip namin na nasa gitna kami ng misyon. Naubos ang maghapon namin sa paglibot ng lugar at sa pagtuklas ng mga bagong maaring tambayan namin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD