CHAPTER 46: DEFEATED Rhys's POV Kaya pala hindi ko makita kahit saan ang dalawang ito, nandito pala sila at pinoprotektahan ang mga tao. Sinasabi ko na nga ba, tiyak na ang ta-target-in ng mga 'to ay ang mga walang laban sa kanila. Sa pagkakaalam ko tungkol sa grupong ito, pumupunta sila sa mga viyon para mangulimbat ng pera, pagkain, o ano mang bagay na mapapakinabagan nila. At minsan, nangunguha rin sila ng babae at bata para ibenta. Ganito sila kadumi, matagal na nila iton gawain pero walang ginagawang aksyon ang Kastia tungkol sa bagay na 'to, anong klaseng Reha ba talaga ang matandang 'yon?! Tiyak na ikinagulat ng grupong ito na ang viyon na dating mahina ay natuto nang lumaban. Hindi nila inasahan na sa pagbalik nila rito ay malalagasan sila ng mga miyembro. Pero kahit madami nan

