CHAPTER 13: LEAVE Rhys's POV Dama ko ang init na dulot ng miniature sun na hawak ko, halos inubos ko ang evis sa aking katawan para dito. Tila ba may bumubulong sa isip ko na dapat kong ubusin ang mga taong ito dahil sa ginawa nila sa amin. "Handa na ba kayong mabura sa sarili ninyong lupa?" sabi ko, malamig ang aking boses. "Masama ka! Dapat lang talaga sa 'yo ang tawaging sumpa dahil sa ugali mo! Wala kang idudulot kundi kapahamakan sa mga tao! Ikaw ang dapat sunugin ng buhay!" Naririnig ko ang galit na boses ng Sumor pero hindi ko iyon binigyan ng pansin, para bang lalo pa iyong nagbigay sa akin ng dahilan na ibato ito sa kanila. Lalong lumapad ang ngisi sa aking labi. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, dahil iyan na ang huling salitang masasabi mo. Hindi niyo na matatakasan p

